PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cinemalaya XX: top contenders for best actor at best actress

Sinu-sino ang magwawagi sa Cinemalaya XX awards night?
by PEP Troika
Published Aug 10, 2024
cinemalaya top contenders
Cinemalaya XX top contenders: for best actor (top, from left) Cedrick Juan in Gulay Lang, Manong!; RK Bagatsing in Love Child; Enzo Osorio in The Hearing; and Sid Lucero in An Errand; for best actress (bottom, from left) Mylene Dizon in The Hearing; Jane Oineza in Love Child; Gabby Padilla in Kono Basho; and Marian Rivera in Balota.

JERRY OLEA

Ang Balota ni Marian Rivera, at ang Gulay Lang, Manong ni Cedrick Juan ang box-office hits ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas.

May dagdag na tigdalawang screening ang mga ito sa Cinemalaya XX, Agosto 10 at 11, Sabado at Linggo, sa Cinema 9 ng Ayala Malls Manila Bay (AMMB).

11:00 A.M. ang additional screenings ng Gulay Lang, Manong, samantalang 2:30 P.M. ang dagdag na screenings ng Balota.

Take note na pinarangalan nang ilang ulit si Dingdong Dantes at ang wife niyang si Marian bilang hari at reyna ng takilya, respectively, para sa MMFF 2023 entry nilang Rewind.

Tinanghal naman si Cedrick na best actor ng MMFF 2023 para sa GomBurZa.

Bukas, Linggo ng 6:00 P.M., ang awards night ng 20th Cinemalaya, at may chance na mag-best actor si Cedrick, at mag-best actress naman si Marian.

Read: Cedrick Juan makes triumphant return to Cinemalaya

BEST ACTOR AND BEST ACTRESS CONTENDERS

Sandamukal ang kapuri-puring akting sa mga kalahok sa Cinemalaya Bente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pagpapasya ay nakasalalay sa limang hurado na sina Dolly de Leon, Nicanor Tiongson, Nicola Marzano, Direk Jerrold Tarog, at Ahmed Muztaba Zamal.

Puwedeng kabugin si Cedrick ng kapwa niya bida sa Gulay Lang, Manong na si Perry Dizon. Tampok din si Perry sa Kantil.

cedrick juan gulay lang manong
Cedrick Juan in Gulay Lang, Manong!
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Palaban din bilang best actor si RK Bagatsing sa Love Child. Kumukurot at humahaplos sa puso ang mga eksena niya.

rk bagatsing love child
RK Bagatsing in Love Child

Walang dayalog si Enzo Osorio bilang 12-anyos na deaf-mute, na ginahasa ng isang pari sa The Hearing. Naghuhumiyaw ang silakbo ng kanyang damdamin.

Enzo Osorio Cinemala entry The Hearing
Enzo Osorio in The Hearing
Photo/s: The Hearing BTS
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nuanced ang pagganap ni Sid Lucero bilang driver na si Moroy sa An Errand.

sid lucero an errand
Sid Lucero in An Errand

Matitindi ang mga katunggali ni Marian sa pagka-best actress. Nakakaput*ng n!

marian rivera balota
Marian Rivera in Balota
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakaantig ang pagganap ni Jane Oineza sa Love Child bilang ina ng apat na taong gulang na autistic, ganoon din si Mylene Dizon sa The Hearing bilang ina ng 12-anyos na totoy na inabuso ng isang pari.

jane oineza love child
Jane Oineza in Love Child
mylene dizon the hearing
Mylene Dizon in The Hearing
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang galing-galing ni Gabby Padilla bilang nagdadalamhating anak sa Kono Basho.

Wagas din ang akting ng gumanap na Japanese half-sister ni Gabby na si Arisa Nakano.

Read: Gabby Padilla gets praises for her performance in Kono Basho

kono basho
Gabby Padilla (top) and Arisa Nakano (bottom) in Kono Basho

Dark horses sina Mai Fanglayan ng The Wedding Dance, at Jenaica Sangher ng Tumandok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane

BEST SUPPORTING ACTOR AND BEST SUPPORTING ACTRESS CONTENDERS

Sa mga supporting actor, puwedeng nagwagi sina Dong Abay, Ranzel Magpantay, o BJ Tolits Forbes ng Gulay Lang, Manong; Nor Domingo, Rom Factolerin, o Neil Tolentino ng The Hearing; Art Acuña o Nanding Josef ng An Errand; Royce Cabrera, Nico Antonio, o Gardo Versoza ng Balota.

Para sa best supporting actress, andiyan sina Ina Feleo o Ruby Ruiz ng The Hearing; Lui Manansala ng Gulay Lang, Manong; Donna Cariaga ng Balota.

BEST FEATURE FILM CONTENDERS

Sa sampung feature-length films na nag-compete sa Cinemalaya XX, pinakagusto ko ang Love Child ni Jonathan Jurilla, Gulay Lang, Manong ni BC Amparado, at The Hearing ni Lawrence Fajardo.

Divisive ang The Hearing, at wala akong question sakaling ang maging best picture ay ang documentary ni JL Burgos na Alipato at Muog.

alipato at muog poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwede ring makasilat ang documentary-fiction na Tumandok nina Richard Jeroui Salvadico at Arlie Sweet Sumagaysay, maging ang Kono Basho ni Jaime Pacena II.

R-13 ang rating ng MTRCB sa Balota, The Hearing, at Gulay Lang, Manong.

PG ang Alipato at Muog, Kono Basho, An Errand, Love Child, The Wedding Dance, Tumandok, at Kantil.

May butt exposure si Eric Kelly sa An Errand, at si Arvin Balageo sa The Wedding Dance.

May breast exposure sa The Wedding Dance ang bidang si Mai Fanglayan, maging ang ilan pang babae sa cast.

Sa simula pa lang ng queer sci-fi na Kantil ay maalab na ang halikan nina Edmund Telmo at Andre Miguel.

NOEL FERRER

Maganda ang batch na ito at sa tingin ko, talagang nakatulong ang workshop ng Cinemalaya para sa mga finalist at napaganda pa nila ang entries.

Kung awards ang pag-uusapan, bagamat grabe ang impact sa akin ng Love Child, An Errand, at The Hearing, sa tingin ko, the Cinemalaya jury will go for Alipato at Muog & Tumandok, and even Kono Basho for Best Picture and Jury Prize.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

For Best Actress, sa tingin ko Gabby Padilla will get the jury’s nod for Kono Basho. Although very strong contenders sina Jane Oineza ng Love Child, at Mylene Dizon for The Hearing.

For Best Actor, hands down Enzo Osorio should win it.

Although kudos to Cedrick Juan, RK Bagatsing, Sid Lucero, and Perry Dizon also gave their best in their respective entries.

Read: Enzo Osorio almost missed auditioning for The Hearing

Best Supporting Actor will be a toss up between Nor Domingo (The Hearing) or Art Acuña and Tata Nanding Josef (An Errand).

Best Supporting Actress for me is Ina Feleo in The Hearing.

Exciting malaman ang mga winners bukas sa awards night! Para sa lahat ng magagandang entries, congratulations!

GORGY RULA

Hindi ko nakumpleto ang panonood sa sampung full-length entries ng Cinemalaya Bente, pero so far sa mga napanood ko, pinakagusto ko ang Love Child.

Bukod sa napakagandang script, parehong magaling ang mga pangunahing tauhan ng pelikulang ito na sina RK Bagatsing at Jane Oineza, kasama ang batang gumaganap na anak nilang si John Tyronn Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
jane oineza rk bagatsing love child
Jane Oineza and RK Bagatsing in Love Child
Photo/s: Cinemalaya

Kaya nagpapasalamat din sila na sa kanila ipinagkatiwala ang proyektong ito.

Ang dami pa raw nilang natutunan sa pelikulang ito, na sa loob ng 15 days na shoot, pumasok sila sa karakter nina Ayla at Pao na alam nilang marami ang nasa ganyang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Jane, “Sa amin, parang trial lang for 15 days, iba pa rin yung nasa sitwasyon na yun and we just you know, give all hats to them.

“Sabi ko nga, napakalapit sa puso na ito. And it means much more to me because siya yung nakasama ko.

"I’m holding his hands sa buong journey na to and yun sobrang na-appreciate ko, and hindi makukumpleto si Ayla kung wala si Pao. Hindi makukumpleto ako kung wala si RK.”

Sabi naman ni RK, “Gusto lang namin i-shout out talaga. Yung Love Child is a collaboration of not just two, not just three but it’s a whole team, a whole family of you know na nagmamahalan, and ito yung naging bunga nun.

“So, nagpapasalamat kami sa buong team ng Love Child.”

Pati ang producer ng pelikulang ito na si Roselle Monteverde ng Regal Entertainment, proud na proud sa pelikulang ito, at dahil nga nasa Regal, kaagad na nai-book ito for theatrical showing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapanood na ito sa mga sinehan sa August 28.

Inaasahan kong lalaban sina RK at Jane, pati ang batang si John Tyronn ,sa iba’t ibang award-giving bodies next year.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cinemalaya XX top contenders: for best actor (top, from left) Cedrick Juan in Gulay Lang, Manong!; RK Bagatsing in Love Child; Enzo Osorio in The Hearing; and Sid Lucero in An Errand; for best actress (bottom, from left) Mylene Dizon in The Hearing; Jane Oineza in Love Child; Gabby Padilla in Kono Basho; and Marian Rivera in Balota.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results