JERRY OLEA
Noong Hulyo 10, 2024 ang mediacon ng Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas sa Metropolitan Theater ng Maynila, kung saan ini-announce na ang pelikulang Bona (MMFF 1980) ni Nora Aunor ang closing film.
Agosto 2-11, 2024 ang duration ng Cinemalaya XX filmfest, kaya Agosto 10, Sabado ng gabi, ang pagpapalabas ng Bona.
Ang huling gabi, Agosto 11, Linggo, ay para sa awards night.
Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane
Ayala Malls Manila Bay (AMMB) ang main venue ng Cinemalaya 2024.
Apat ang mga sinehan ng opening film na Gospel of the Beast, na libreng ipinalabas.

Apat ding sinehan ang inilaan para sa Bona, pero may bayad ang panonood niyon.
Sa Sabado ng 8:30 P.M. ang screening ng Bona sa Cinema 2, 8, 9 & 10 ng AMMB.

VILMA NIGHT EXHIBIT
Noong Agosto 6, Martes ng hapon, nakatanggap ako at ang ilan pang Vilmates ng paanyaya mula sa katotong Ambet Nabus.
Iyon ay para sa Vilma Night Exhibit na gaganapin sa Agosto 10, Sabado ng 5:00 P.M., sa isang art gallery sa Makati City.
Dadalo roon si Vilma Santos, at nakatakda ang interbyu o talkback session ng 6:00-6:30 P.M.
View this post on Instagram
Sasabayan ni Ate Vi ang Bona ni Ate Guy sa Cinemalaya?
Paglilinaw ni Ambet, “Nagkataon lang po. Noong Hulyo 27, Sabado ng 5:00-9:00 P.M. pa sana ang Vilma Night. Na-postpone dahil sa bagyong Carina.”
Actually, puwedeng lagariin ang dalawang event. Kung tapos na by 6:30 P.M. ang interbyu kay Ate Vi, may sapat na oras para magtungo sa AMMB at panoorin doon ang remastered version ng Bona (idinirek ng National Artist na si Lino Brocka).
Ang katapat ng Vilma Night ay ang Philippine premiere ng pelikulang AbeNida nina Allen Dizon at Katrina Halili, sa direksiyon ni Louie Ignacio.
Sabado ng 5:00 P.M. ang screening niyon sa Cinema 2 ng AMMB.
Take note na bahagi ng Digital Classics section ng Cinemalaya 2024 ang pelikulang Ikaw Ay Akin (1978) nina Nora, Vilma, at Christopher de Leon, sa direksiyon ni Ishmael Bernal.
Ngayong Agosto 9, Biyernes ng 2:00 P.M. ang screening niyon doon din sa Cinema 2 ng AMMB.
Ang tanong, dadalo ba si Nora sa Saturday night screening ng Bona?
STAR-STUDDED WAKE OF MOTHER LILY
Sa lamay ng Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde noong Agosto 8, Huwebes ng gabi, ay present sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Vilma Santos, Maricel Soriano, at marami pang iba.
Nandoon din si Matet de Leon, na ibinahagi sa eulogy ang message na ipinadala sa kanya ng inang si Nora. Ani Matet, baka hindi kaya ng kanyang mommy na pumunta sa burol.
Read: Who is Mother Lily Monteverde?
Noon ding Huwebes ng gabi ay inusisa ko sa Messenger ang PMPC President na si Rodel Fernando kung makakadalo ba si Ate Guy sa screening ng Bona sa AMMB.
Reply ng katotong Rodel, “Nung huli kaming nag-usap, aattend daw siya. Sana, kayanin po.”
Sina Nora, Vilma, at Maricel ay triple tie bilang best actress sa 40th PMPC Awards for Movies noong Hulyo 21 sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.
Present doon pareho sina Nora at Maricel. Wala si Vilma.

Read: Nora, Vilma, Maricel triple tie for best actress sa Star Awards
MOVIE PROJECT WITH VILMA SANTOS
Siyanga pala, bago ang gala premiere ng Cinemalaya XX entry na Kono Basho noong Agosto 6, Martes, sa AMMB, nakapanayam namin ni Nathalie Tomada ang Mentorque producer na si Sir John Bryan Diamante.
Pahayag ni Sir Bryan, matapos niyang iprodyus ang Mallari ni Piolo Pascual, pakiramdam niya ay handa na siyang ipagprodyus ng pelikula ni Ate Vi.
“Nung nag-usap kasi kami ni Ate Vi, wala kaming pakialam kung saan namin dadalhin,” sey ni Sir Bryan.
“Ang pangarap ko lang, gawan siya ng pelikula. And then, yung naging formula namin, ‘Ma’am, huwag na kaming mag-pitch. Sabihin mo kung ano ang gusto mo.’
“So, ganun ang nangyari. It started that way. So, may mga inspiration na mga pelikula, pinakita niya.
“And then, natuwa naman ako na grabe yung tulungan dito, e. Tonette [Jadaone], Dan [Villegas)], si Direk Irene [Villamor]…
“And when we presented to her the story, according sa trip niya, nagustuhan naman niya. Sobrang nagustuhan niya.”
NOEL FERRER
Sana nga, makarating si Ate Guy sa screening ng Bona bilang closing film ng 20th Cinemalaya filmfest.
Maganda ring makita siya ng publiko na talagang minahal siya lalo na sa kanyang mga classic na obra tulad ng Bona, Himala, Banaue, at Ikaw Ay Akin.
Dito niya damhin ang premiere vibe na na-miss niya sa Cannes.
Ngayon, mas mahalaga itong pagtitipon kasi mga kababayan niya ang magpapakita ng suporta sa kanya at sa pelikula.
Sana, makagawa pa si Ate Guy ng magaganda at makabuluhang pelikula tulad ng Bona!
GORGY RULA
Habang may Vilma Night sa Makati, screening naman ito ng AbeNida ni Direk Louie Ignacio sa Cinemalaya.
Pagkatapos nito ay ang closing film na Bona ng National Artist Lino Brocka at Nora Aunor.
Sana nga, makarating si Ate Guy. Pero narinig ko naman sa ilang taong malapit sa superstar, baka hindi pa raw niya kayaning dumalo.
EFFORTS FOR VILMA SANTOS NOMINATION AS NATIONAL ARTIST
Napansin ko namang puspusan ang ginagawang programa para sa Star For All Seasons, kagaya nitong Vilma Night na exhibit para sa kanya.
Obvious na isa lamang ito sa mga ginagawa nilang programa para makitang karapat-dapat siyang maging National Artist.
Alam ko, may iba pang nakaplano kay Ate Vi para lalong pagtibayin ang pag-nominate sa kanya ng AktorPh bilang National Artist.
Read: Aktor PH nominates Vilma Santos for National Artist
Sabi nga ni Ate Vi nung huli ko siyang nakatsikahan via Viber, “My heart is really full. I’m really so so so grateful.
"Kasi, walang nang pinakamasarap sa isang artista tulad ko na halos lumaki na sa industriya, more than 60 years in the industry, at madidinig mo ang magagandang salita mula sa mga kasamahan mo sa industriya, sa mga colleagues mo.
“Diyos ko! Hindi ko mapaliwanag kung ano ang nasa puso ko. Maraming maraming salamat.
“Yan yung Aktor na pinangunahan ng aming chairman na si Dingdong [Dantes], and at the same time, may iba pang organizations na medyo nagbibigay ng endorsement. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.
“Yung magagandang salita lamang at tiwala’t pagmamahal, yung suporta at magagandang salita at tiwala na ibinibigay nila, panalo na ako. Panalo na ako!
“Maraming maraming salamat sa kanilang lahat. I’m so grateful and punung-puno po ng kaligayahan ang puso ko.”
Malaking bagay rin kung maihabol sa 50th MMFF ang pelikulang ginagawa ng Mentorque at idinidirek ni Dan Villegas para kay Ate Vi, lalo na kung magiging best actress siya uli rito.
Pero sabi nga ng Star For All Seasons, ayaw niyang magpa-pressure na kailangang umabot ito sa deadline ng MMFF.
Nagustuhan lang daw niya ang project at isa raw ito sa dream projects na gusto niya talagang gawin.
Read: 15 Greatest Movie Actresses in Leading Roles, 2000-2020: No.1 - No.5
