GORGY RULA
Hindi pa rin natatapos ang mga hanash ng netizens sa sigalot ng mag-inang Angelica at Carlos Yulo.
Sabi ni Angelica, ang pagharap niya sa media noong Agosto 7, 2024, Miyerkules, ay huli na niyang pagsasalita tungkol sa isyu nilang mag-ina.
Read: Carlos Yulo's mother Angelica offers tearful apology to son: "Patawad, anak."
Pagbubunyag ng legal counsel ni Angelica na si Atty. Raymond Fortun, siya ang kumumbinsing muling magsalita ang kanyang kliyente, pagkatapos ng mga pahayag ni Carlos.
Sa TikTok live ni Carlos noong Martes, Agosto 6, sinagot niya ang mga pahayag ng ina tungkol sa alitan nila tungkol sa pera at sa girlfriend ng atleta na si Chloe San Jose.
Kinabukasan, agad na nagpa-presscon ang kampo ni Angelica.
Sabi ni Atty. Fortun, “I was the one who said, and I was able to convince her na, ‘Kapag tumahimik ka, ang mananaig dito at ang magsi-simmer ay yung huling salita ni Caloy.’
“And yun pong ano, yung talagang ang gusto sabihin para matapos itong isyung ito ay hindi mailalabas.
“Sabi ko, ‘When you would be able to do that?’ Sabi ko, the right time would be the quickest time, which is today.”
Ibig sabihin, gusto ng abogado ni Angelica na nasa kanila ang huling salita.
Pero sabi nga ng ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo, dapat ay mas mag-focus na lang sila sa pagkapanalo ng kanyang anak, at isantabi na ang isyu ng mag-ina.
Ang hangad ng karamihan ay magkaroon na ng healing at magkapatawaran.
Read: Ama ni Carlos Yulo, nilinaw na hindi pera ang ugat ng isyu nila
ANGELICA YULO ON SON CARLOS'S GIRLFRIEND
Doon sa presscon, pagkatapos humingi ng patawad ni Angelica kay Carlos, tinanong siya kung napatawad na rin ba niya pati ang girlfriend nitong si Chloe.

Naalangang sagot ni Angelica, “For now po, iyon yung kinakapa ko sa puso ko.
“Masyadong malalim kasi yung pain. So, sa ngayon, yun yung pinag-pray ko na mawala yung pain, and afterwards siyempre ang kasunod na is pagpapatawad.
“Kunsabagay, best time namang mag-move forward na kami pare-parehas, and kalimutan lahat na nangyari.”
“No comment” si Angelica Yulo sa tanong kung matatanggap na ba niya ang girlfriend ni Carlos.
Sinundan din siya ng tanong kung ano ang puwedeng gawin nina Carlos at Chloe para tanggapin sila bilang magkasintahan.
Sabi ni Angelica, “Matatanda na sila. So, alam nila ang dapat nilang gawin.
"Hindi ko puwedeng sabihin, kasi siyempre pag sinabi ko, gagawin nila for sure.
“So, gusto ko manggaling sa kanila mismo yung initiative kung papaano sila lalapit. Gusto ko sa kanila mismo manggaling.”
Read: Chloe San Jose reacts to interview of Carlos Yulo's mother
JERRY OLEA
Nagpaliwanag din si Angelica tungkol sa pagpu-post niya sa kanyang Facebook account ng, “Japan pa din talaga… lakas.”
Ito ay matapos masungkit ng Japanese gymnast na si Shinnosuke Oka ang gold sa all-around finals ng men's artistic gymnastics sa 2024 Paris Olympics.
Kabilang si Carlos sa nasabing kumpetisyon, kung saan pumuwesto siya ng 12th, kaya marami ang nagtaka sa post ng sarili nitong ina.
Read: Carlos Yulo's mother speaks up about "mukhang pera" accusations
Ayon kay Angelica, ipinost niya iyon bago pa nakakuha ng gold medals si Carlos.
Kaibigan din daw ni Oka ang anak niyang si Eldrew Yulo, na nag-training din ng gymnastics sa Japan.
Aniya, “Naging ibang meaning sa mga tao. Kasi parang natuwa lang po ako.
"Nakasama po siya ni Eldrew sa Japan. Nasa training camp lang sila, ang sabi, he’s only 19 years old.
“Gusto ko lang ipaalam sa mga anak ko na gawin nilang motivation, para ma-boost din po yung confidence nila.”
Wala raw ibang ibig sabihin iyon na parang patama kay Carlos.
“Honestly, wala po talaga. Nung pinost ko siya, parang nagulat lang ako na 19 years old na parang first time niya mag-Olympics and nakuha niya yung individual all-around.
"Yun lang po yun, wala po para sabihin na i-degrade si Caloy dahil siya lang yung pinost ko.
“Wala po yun… natutuwa lang din yung anak ko, kasi nakasama ng anak ko sa training.
“Wala po talaga ako idea para bigyan ng malicious na ano yung post ko,” sabi pa ni Angelica.
Read: Angelica Yulo explains why she posted about Japanese gymnast, not her son Carlos Yulo
Pero wala rin naman siyang ipinost para kay Carlos, lalo na nung nakakuha ito ng dalawang gold medals, kaya nagpatuloy ang batikos kay Angelica.
Sabi ni Angelica tungkol dito, “Yes, kasi nung mangyari yung hindi namin pagkakaunawaan, honestly, hindi na ako nagpo-post about him.
“Makikita niyo naman sa timeline ko, sa Facebook account ko, matagal na po… even po sa last winnings niya, hindi na po ako nag-post.
"Sa Asian championships, wala po,” pag-amin ni Angelica, na hindi naman nakatulong sa pagpapaliwanag ng gawain ng isang ina.
NOEL FERRER
Sana talaga, lahat ng efforts na ito ay nasa pag-aayos kina Caloy at girlfriend nitong si Chloe, at ang nanay nitong si Angelica at ng buong pamilya.
Sa pagbabalik ni Caloy, isang engrandeng parada at welcome ang naghihintay sa kanya.
Patuloy nating ipinapanalangin na ang mamayani ay ang tagumpay niya kaysa sa kahit anong drama.
Dahil ang tagumpay ni Caloy ay tagumpay nating lahat bilang mga Pilipino.
