JERRY OLEA
Sakdal husay sina Jane Oineza at RK Bagatsing sa Love Child, isa sa sampung full-length films na nagko-compete sa Cinemalaya Bente: Loob Lalim Lakas.
Napaiyak ako nang mapanood ang 100-minute drama film na ito na nag-gala premiere nitong Agosto 5, 2024, Lunes ng 5:00 P.M., sa Cinema 2 ng Ayala Malls Manila Bay.
Read: Jane Oineza at RK Bagatsing, package deal sa pelikula?
Sa istorya, power couple noong kolehiyo sina Ayla at Paolo. Pangarap ni Ayla na maging abogada, samantalang pangarap ni Pao na maging filmmaker.
Nagbunga agad ang mapusok nilang pagmamahalan at nag-drop out sila sa kolehiyo.
Makalipas ang apat na taon, natanto nila na ang kanilang anak na si Kali (ginampanan ni John Tyrron Ramos) ay autistic.

JANE OINEZA AND RK BAGATSING STRONG CONTENDERS
Tumitimo sa puso ang pagganap nina RK at Jane, kaya may laban sila sa pagiging best actor at best actress respectively ng Cinemalaya XX.
SPOILER ALERT!!!
Gustung-gusto ko iyong eksena ng Christmas presentation ng autistic school children sa saliw ng Ilonggo version ng "Silent Night."
Dalawang linya ni Jane kay RK ang tumatak sa diwa ko, “Deserve mo ng malalang sex mamaya” at “Ayaw ko ng dildo, Pao!”
Pahayag ni RK bago ang gala ng Love Child, “Wala naman kaming hinandang speech pero gusto lang po namin kayong pasalamatan sa oras niyo.
“At sana po, e, magustuhan niyo ang papanoorin niyo. And eventually, e, maikalat niyo po ang napanood nyo para sa mga mahal nating magulang sa buhay.”
Sabi naman ni Jane, “Gusto ko lang pong mag-thank you sa inyong lahat na nandito ngayon.
“Sobrang malapit sa puso namin itong movie na ito. And we’re just really, really proud na kami ang napili nilang Ayla and Pao, and si Kali is here with us.
“And we’re just really excited to share this movie and the movie this movie has sa inyong lahat.”
Ang Love Child ay full-length directorial debut ni Jonathan Jurilla.
Executive producers nito sina Lily Y. Monteverde, Roselle Monteverde, at Keith Monteverde ng Regal Entertainment.
Co-producers sina Sheron Dayoc at Sonny Calvento. Producer si Arden Rod Condez.
Present si Roselle sa gala premiere ng Love Child.
Bukas, Agosto 7, Miyerkules ng 5:00 P.M., ay mapapanood ang Love Child sa Cinema 3 ng UP Town Center, at Cinema 3 ng Greenbelt.
Sa Agosto 8, Huwebes ng 8:30 P.M., ay showing ito sa Cinema 10 ng Ayala Malls Manila Bay. May talkback session after the screening.

GORGY RULA
Bagay talaga kina RK Bagatsing at Jane Oineza ang role nila bilang sina Pao at Ayla sa Love Child.
Napakagaling nila, at puwede talaga nilang makuha ang Balanghai trophy ng Best Actor at Best Actress.
Pati ang gumaganap na anak nilang si Kali ay parang anak talaga nila, na magaling din ang batang ito.
Sinasabi nga nilang marami silang natutunan sa pelikulang ito para sa kanilang relasyon.
Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane
WEDDING TALKS
Pero doon sa gala premiere ay inihirit na rin namin kina RK at Jane ang tanong kung napapag-usapan na ba ang kasal.
Ani Jane, “Siguro, yun ay hindi siya minamadali…”
Dugtong naman ni RK, “Siguro more than things na natutunan din namin sa movie, is kailangan talaga ng planning.
“So, ngayon focus muna kami sa Love Child.”
Sabi pa ni Jane, “Sobrang nakasuporta kami kasi sa isa’t isa ngayon sa trabaho, and sobrang proud ako sa kanya sa lahat ng mga na-achieve niya at sa lahat na mga achivements, projects at sa lahat na blessings na dumarating sa kanya.”
Sabi naman ni RK, “Ever since, alam ko na tagal na siyang nag-start sa showbiz and she’s getting more opportunities. At ngayon naka-focus kami dun, and number one sa priority namin is to have a better career and eventually you know, iyun ang magdi-dictate ng future family namin.”
“Darating tayo diyan. Nakatakda naman yan,” nakangiting pakli ni Jane.
Read: Why RK Bagatsing, Jane Oineza are not yet ready to settle down
NOEL FERRER
Ang dami kong naririnig na magagandang feedback kay Jane Oineza bilang malakas na contender sa Best Actress dahil sa kanyang effective, natural, at hindi humihingi ng award na acting para sa Love Child.
Kaya naman, sabi ninyo, tuluy-tuloy ang luha ninyo from the Christmas scene hanggang sa highlight ng pelikula. Wagas.
Tapos, may reliable na nakapagsabi na napakahusay rin ni Mylene Dizon sa The Hearing na timplado ang acting at hindi umo-over at halos hindi umaakting.
I’ve yet to watch these films bago ako magbigay ng assessment at review ko.
Pero maganda iyan na hindi tayo nagpapadala sa mga press release at promo ng mga pelikula — at talagang nagbabayad tayo para suportahan ang mga ito — at talagang makatotohanan lang ang evaluation.
Kayo, ano na ang napanood ninyo at sinu-sino na ang mga bet ninyo sa major awards?
