PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vivamax movie Unang Tikim, may R-16 at R-18 versions sa sinehan

Deadpool & Wolverine, umabot na sa $824M ang worldwide gross.
by PEP Troika
Published Aug 6, 2024
unang tikim deadpool & wolverine
(Left) Unang Tikim, the first Vivamax movie to have a theatrical release, opens in 150 cinemas, Wednesday, August 7, 2024; (right) Deadpool & Wolverine, starring Ryan Reynolds & Hugh Jackman, has already grossed $824 million worldwide.

JERRY OLEA

On its second weekend sa U.S. at Canada, runaway winner pa rin ang f***ing masterpiece na Deadpool & Wolverine.

Ayon sa Box Office Mojo, $96.8M ang hinamig ng naturang irreverent superhero movie sa takilya ng North America last weekend, August 2-4, 2004.

Read: Deadpool & Wolverine, $444.6M agad-agad ang worldwide gross

Pangalawa ang Twisters with $22.8M, at nag-open sa third place ang Trap with $15.4M.

Certified flop ang Harold and the Purple Crayon na nag-open with $6.0M. Sa trailer pa lang ay amoy-semplang na ang fantasy comedy film na ito.

Ang worldwide gross ng Deadpool & Wolverine ay pumalo na sa $824M. Pangalawa na ito sa pinakamalakas ang global gross this year.

Ang nasa top position ay ang animated comedy na Inside Out 2 with $1.556B.

Ang worldwide gross naman ng Harold and the Purple Crayon ay kalunus-lunos na $9M. Tsk! Tsk! Tsk!

More and more ang Deadpool & Wolverine inspired art, na nire-repost ng Marvel Studios sa kanilang X account.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na dina-dissect ng Marvel-ous fans ang bromantic outing nina Ryan Reynolds at Hugh Jackman.

Read: Deadpool & Wolverine: Odd pairing delivers gore and laughs

deadpool & wolverine artcard
Inspired art by Zi Xu, reposted on X by Marvel Studios.

CINEMALAYA 2024

Samantala, ongoing ang Cinemalaya 2024 indie filmfest, na nag-umpisa noong Agosto 2, Biyernes at magtatapos sa Agosto 11, Linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang main venue na pinagpalabasan ng sampung competing feature-length films at dalawang set ng short films ay ang Ayala Malls Manila Bay (AMMB) na malapit sa City of Dreams.

Apat na sinehan ang inilaan ng AMMB para sa Cinemalaya XX.

Ang iba pang pinagpapalabasan ng Cinemalaya films ay Trinoma, Market! Market!, UP Town Center, at Grenbelt. Naglaan ang mga ito ng tig-iisang sinehan.

Read: Cinemalaya XX top best actress contenders: Marian, Mylene, Jane

cinemalaya 2024 schedule
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

UNANG TIKIM

Nasa Ghost Month na tayo, Agosto 4 hanggang Setyembre 2.

Limang pelikulang Pinoy ang may playdate na sakop ng Ghost Month.

Bukas, Agosto 7, Miyerkules, ang opening sa 150 sinehan ng GL movie na Unang Tikim, starring Angeli Khang at Robb Guinto, sa direksiyon ni Roman Perez Jr.

Nasa cast din ng Unang Tikim sina Susan Africa, Matt Francisco, at Audrey Avila. Ito ang unang Vivamax movie na may theatrical release.

Read: Angeli Khang at Robb Guinto, mapapanood na sa big screen

Dalawa ang version nito — merong R-16 kaya puwede sa SM Cinemas, at merong R-18.

Ang R-16 version ay may 29 sinehan sa Metro Manila, 41 sinehan sa Luzon, at 16 sa Visayas-Mindanao. Ang R-18 version ay may 18 sinehan sa Metro Manila, 30 sinehan sa Luzon, at 16 sa Visayas-Mindanao.

unang tikim poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaan na iyong 2012 horror movie nina Vilma Santos at Kim Chiu ay dalawa rin ang bersiyon. Merong R-13 para sa wide release, at R-18 para sa director’s cut.

Ayon sa Click The City website, kasabay ng Unang Tikim na mag-o-open bukas sa local cinemas ang foreign movies na Speak No Evil, It Ends With Us, Project Silence, at Borderlands.

Sa Agosto 14 nakapuwesto ang Un/Happy For You nina Julia Barretto at Joshua Garcia, kasabay ang The Roundup: Punishment at Alien: Romulus.

Kasado sa Agosto 21 ang Whispers in the Wind nina Carlo Aquino at Barbie Imperial, kasabay ang Blink Twice, Harold and the Purple Crayon, at Seventeen Tour ‘Follow’ Again To Cinemas.

Nasa August 28 playdate ang Real Life Fiction nina Piolo Pascual at Jasmine Curtis-Smith, maging ang Pagtatag! The Documentary ng SB19. Iyon din ang opening ng Look Back.

Maaari pang magkaroon ng pagbabago ang mga playdate na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa updates, bisitahin ang Facebook pages ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), SM Cinema at Ayala Cinemas, maging ang website ng Click The City.

NOEL FERRER

Kaugnay sa Cinemalaya XX ay may mga pelikula na LIBRENG mapapanood sa Metropolitan Theater ng Maynila.

Agosto 7, Miyerkules ng 1:00 P.M., mapapanood ang Cinema Shorts from the Regions bilang tribute kay Teddy Co.

Agosto 7, Miyerkules ng 4:00 P.M., mapapanood ang remastered version ng Jose Rizal, na idinirek ng National Artist na si Marilou Diaz-Abaya, at co-writer dito ang National Artist na si Ricky Lee.

jose rizal cinemalaya
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agosto 9, Biyernes ng 1:00 P.M., mapapanood ang digitally restored na Asedillo kung saan bida ang National Artist na si Fernando Poe Jr., sa direksiyon ni Celso Ad. Castillo.

asedillo cinemalaya

Kabilang sa mga pelikulang mapapanood sa Ayala Malls Manila Bay na main venue ng 20th Cinemalaya ang classics na Misteryo sa Tuwa, at Ikaw Ay Akin (starring Nora Aunor, Vilma Santos, and Christopher de Leon).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PREMIERE SCREENINGS

Magpe-premiere sa AMMB ang Lola Magdalena, Guardia de Honor, AbeNida, pati ang docu films na Brocka x Bernal at Asog, at ang short film na Transients.

Nasa Festival’s Best Section ang MMFF 2023 best picture na Firefly, at Puregold CinePanalo 2024 best picture na Under A Piaya Moon.

Nang makansela ang Cinemalaya screening ng documentary na Lost Sabungeros, ini-announce na ang Balota ang kapalit sa August 8, Thursday, 5:00 P.M. screening nito sa Cinema 2 ng AMMB.

Ini-announce sa Facebook page ng Cinemalaya ngayong Tuesday afternoon na hindi na Balota ang ipapalabas sa timeslot na iyon kundi iyong The Wedding Dance.

SINAG MAYNILA AND SINE SIGLA

While we are supporting the Cinemalaya 2024 films that are showing now, excited din tayo kasama ng mga partner theater groups natin sa dalawang events na parating.

Una ay ang 6th edition ng Sinag Maynila nina Direk Brillante Mendoza at Sir Wilson Tieng ng Solar Films, at pagkatapos ay ang Sine Sigla Sa Singkwenta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Agosto 8, Huwebes, ihahayag ang official entries ng independent film festival na Sinag Maynila 2024.

Ang Sine Sigla sa Singkwenta ay isang special program ng 50th MMFF bilang pagbabalik ng MMFF film classics na sana ay panoorin ulit ng mga manood sa sinehan.

Gaganapin ito sa Setyembre, kaugnay sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Magkakaroon ng mga talkback sessions sa ilang palabas at may viewing guide ang mga cineastes. Exciting times sa pelikulang Filipino.

Sana, patuloy nating suportahan ang mga obrang Pinoy.

GORGY RULA

Consistent na malakas ang Deadpool & Wolverine hanggang ngayong araw.

As of Sunday, August 4, ay umabot na ito ng PHP334M sa Pilipinas, at inaasahang magsasara ito sa halos PHP360M sa pangalawang linggo nito bukas, August 7.

Tutulay pa rin sa alambre ang mga pelikula nating magbubukas ngayong linggo, dahil curious pa rin ang karamihan sa Deadpool & Wolverine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ramdam mo talaga ang lakas dahil kahit ang kantang "Bye Bye Bye" ng N’Sync ay naririnig mo na rin sa radio.

Mabuti na lang medyo dumadami ang mga tao sa ilang sinehan sa Ayala Malls dahil sa mga pelikula ng Cinemalaya 20.

Madalas ay sold out ang Balota, The Hearing, at iba pang magagandang pelikula kagaya ng Love Child nina RK Bagatsing at Jane Oineza.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) Unang Tikim, the first Vivamax movie to have a theatrical release, opens in 150 cinemas, Wednesday, August 7, 2024; (right) Deadpool & Wolverine, starring Ryan Reynolds & Hugh Jackman, has already grossed $824 million worldwide.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results