JERRY OLEA:
Agosto 3, 2023 nang pumanaw ang dating child actor na si JM Canlas, 17, na bunsong kapatid nina Elijah Canlas at Jerom Canlas.
Read: Former child actor JM Canlas, youngest brother of Elijah Canlas, dies at 17
Noong araw na iyon ay nasa ibang bansa si Elijah.
Facebook post ni Elijah ngayong Agosto 4, 2024, Linggo ng umaga, “it’s been a year since you left but it already feels like forever.
“one year since i got the worst phone call ever. one year without your goofy ass.
“lagi’t lagi kitang naiisip at namimiss. araw-araw parin kitang kinakausap. araw-araw parin kitang hinahanap.
“i’m still so sorry with how things ended. i sometimes think life has lost all its meaning when you passed away.
“but we manage to find and give life different meanings each day to carry on. you’ll always be at the core of it though. never forgotten.
“sana’y lagi kang payapa at maligaya, kulit. miss na miss at mahal na mahal ka ni kuya. mahal na mahal na mahal ka namin.
“habang buhay. habambuhay.”
Kalakip ng post ni Elijah ang dalawang litrato nila ni JM.

Read: Elvis Gutierrez delivers moving eulogy for wife Alexa Gutierrez
NOEL FERRER:
Isang bubog talaga sa buhay ni Elijah at sa pamilya nila ang pagkamatay ni JM.
Noong nakaraang Gawad Buhay ng PhilStage, ang samahan ng mga taga-professional theater, isinama nila sa kanilang In Memoriam tribute si JM at lahat ay nagpalakpakan bilang pagkilala sa kanya.
Kasabay ng pag-alala sa kanya ay ang patuloy na pagdarasal natin sa pamilya, na sana’y maging panatag at payapa na sila na si JM ay kasama na ng Maykapal.
GORGY RULA:
Isang taon na nga ang nakaraang nang nakausap pa namin sa Cinemalaya 19 sa PICC si Elijah Canlas kasama ang buong pamilya niya, pagkatapos pumanaw ni JM Canlas.
Sumuporta sila noon sa entry ni Jerom Canlas na Huling Palabas, at sinabi pa nga sa amin noon ng kanilang ina na hindi pa sila nakakauwi sa kanilang bahay noong panahong iyun.
Isang taon na ang lumipas at natitiyak kong nandiyan pa rin ang sakit, at hindi na mawawala iyan. Hanggang sa makasanayan na nila ang pagdadalamhati.
Ngayong taon ay walang Cinemalaya entry si Elijah, at napapasok na ng aktor ang mainstream.
Tuloy pa rin ang takbo ng kanyang career, pero alam kong mahirap pa rin sa kanilang ipagpatuloy ang takbo ng buhay na nabawasan na ng pinakamamahal nilang miyembro ng pamilya.
Dalangin naming malagpasan nila ito, at kahit nandiyan pa rin ang sakit na nararamdaman, makakasanayan na nilang bahagi na talaga ito ng pagsulong ng kanilang buhay.
