GORGY RULA
Nasorpresa ang karamihan sa mga dumalong entertainment media na si Jennylyn Mercado pala ang ilulunsad na bagong brand ambassador ng beauty products na Beautederm.
Sa naturang launch na ginanap sa grand ballroom ng Solaire North sa Quezon City, ngayong Huwebes, July 18, 2024, inamin ni Jennylyn na tapos na ang kontrata niya sa GMA-7.
Pero hindi raw totoong may alok sa kanya ang ABS-CBN, o inalok niya ang sarili.
Read: Jennylyn Mercado not transferring to ABS-CBN
Wala raw ganoon dahil kahit hindi pa siya nakakapag-renew at freelancer siya ngayon, nananatili pa rin siyang Kapuso.
Under negotiation pa raw ang renewal ng kontrata sa Kapuso network.
“Palagi naman akong Kapuso,” bulalas ni Jennylyn.
“Ang daming nag-aantay nung sagot… ako naman, 20 years na po akong Kapuso, and I’m very thankful na hanggang ngayon po ay Kapuso pa rin.
“Meron pa ring nego-nego. Pero mabilis na lang po yan.
"We’re just waiting for the contract, pero happy pa rin akong Kapuso. Kung gusto pa rin nila ako,” dagdag niyang pahayag sa tanong namin kung magkakaroon ba ng renewal sa kanyang mother studio.
Paglilinaw pa ni Jennylyn, “Basta ganito, kung gusto pa rin nila akong Kapuso, happy pa rin akong maging Kapuso.
“Wala pong offer sa ibang network.”
NEW ENDORSEMENT
Ang bongga ng pag-welcome kay Jennylyn ng beauty products na pag-aari ni Ms. Rei Anicoche-Tan.
Kasama ni Jennylyn si Ms. Rei na naglakad patungong stage habang kumakanta silang dalawa ng "I Won’t Last A Day Without You" ng Carpenters, at saka sila nag-contract signing.

Sabi ni Ms. Rei, sa bagong endorsers na kinukuha niya ngayon, pinakamahalaga sa kanya ang attitude ng isang celebrity. Iyon daw ang number one na kinu-consider niya.
“Napansin ko, ang bait ni Jen. Sumasabay siya sa mga staff na kumakain.
"Tapos, bare face siya. Ay! Ako lang yung naka-shades, ako lang yung feeling!” natatawang pahayag ni Ms. Rei.
Dagdag niya, “Tapos siya ay bareface, walang makeup. Humaharap sa mga tao, kumakain siya sa pantry kasama yung mga staff.
“I did my research na napakabait niya talaga, at very good friend ko rin talaga si Tita Becky,” pagtukoy niya sa long-time talent manager ng aktres na si Becky Aguila.
JERRY OLEA
Sa ngayon ay inaasikaso raw muna ng mag-asawang Jennylyn at Dennis Trillo ang ipinapatayo nilang bahay at ang sisimulan nilang film production.
Read: Dennis Trillo, Jennylyn Mercado break ground for family home
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo mark the inception of their new home through an intimate groundbreaking ceremony.
Sabi ni Jennylyn, “Blessing yan. Siyempre yung family house namin, yung tinitirhan namin ngayon ay bahay ko pa, yung wala pa akong asawa.
“Lumalaki na yung pamilya. So, kailangan na namin ng mas malaking shelter sa amin.
“Yung production naman, iyon yung bago naming production, ang Brightburn Productions po. Magpo-produce na rin kami ng pelikula, series, ganyan.”
Kasama raw nila rito ang kanilang management team kay Becky Aguila, ang Aguila Entertainment.
Hindi pa raw muna niya puwedeng sabihin kung ano ang first project na gagawin ng kanilang Brightburn Productions.
NOEL FERRER
Doon pa rin sa launch kay Jennylyn ay nag-react ang aktres sa pamba-bash kay Dennis Trillo dahil sa comment na “may ABS pa ba?” — na kagagawan daw ng hacker sa TikTok account ng aktor.
Read: Did Dennis Trillo really ask, "May ABS pa ba?"
Nagulat na lang daw siya nang ikinuwento sa kanya ang nangyari sa TikTok account ni Dennis.
Kuwento ng aktres: “Nasa pictorial ako nun ng Beautederm. Nagulat ako, sabi ko, ‘Anong nangyari?’
“Yung management ko ang nagsabi sa akin. Sabi ko, ‘Imposibleng mangyari yan. Hindi si Dennis yan. Hindi siya ganun.’
"Sa tagal naming magkasama, sa tagal ng pagkakilala ko sa kanya, hindi talaga siya ganun.
“And advice ko nga sa kanya, ‘Hirapan mo nga yung password mo!’
“Tumatawa lang siya. Wala naman siyang ano… sabi niya, ‘Wala, e. Ganun talaga. Anong gagawin ko?’
“Na-bother ako dun sa mga sinabi nung hacker. Pero siyempre, bilang hindi naman totoong siya yun, okay lang.”
