JERRY OLEA
Number 1 na naman sa takilya ng North America nitong nakaraang weekend, Hulyo 12-14, 2024, ang animated comedy na Despicable Me 4.
Read: 50th MMFF entries: comedy, drama, action, horror, at musical
Ayon sa Box Office Mojo, ang shenanigans ni Gru at ng minions ay humamig ng $43.6M sa takilya ng US at Canada mula noong nakaraang Biyernes hanggang Linggo.
Malakas ang pagbubukas sa pangalawang puwesto ng horror movie na Longlegs with $22.4M.
Mahina ang opening sa fifth place ng Fly Me To The Moon, na naka-$9.4M lamang.
Lumagapak sa pampitong puwesto on its second weekend ang Horizon: An American Saga - Chapter 1, with $2.2M.
Bale $29.6M pa lamang ang worldwide gross ng Horizon: An American Saga - Chapter 1, at available na ito sa streaming platforms o premium video on demand umpisa Hulyo 16, Martes. Tatlong oras at isang minuto ang running time nito.
Nagpasya ang producer at distribution partner na i-pull out sa August 16 release ang Horizon: An American Saga - Chapter 2. Tsk! Tsk! Tsk! Tsk!
Apat na kabanata ang plano ni Kevin Costner sa Western epic na ito. Ang Chapter 3 ay nag-umpisa nang mag-shooting noong Mayo.
Sa nakaraang limang weekend, animated movies ang rumatsada sa takilya ng North America.
Topnotcher ang domestic grosses ng animated coming-of-age drama na Inside Out 2 noong Hunyo 14-16, Hunyo 21-23, at Hunyo 28-30.
Umariba sa pagiging numero uno ang domestic grosses ng Despicable Me 4 noong Hulyo 5-7, at Hulyo 12-14.
TOP 5 BOX-OFFICE FILMS WORLDWIDE
Sa usapang worldwide gross, ang Top 5 so far ay Inside Out 2 ($1.349B), Dune: Part Two ($712M), Godzilla x Kong: The New Empire ($568M), Kung Fu Panda 4 ($545M), at Despicable Me 4 ($434M).
Lahat iyan ay pawang sequel. Tatlo ang animated — Inside Out 2, Kung Fu Panda 4, at Despicable Me 4.
Of course, mababago pa ang ranking ng Top 5 global grosses ng 2024, lalo pa’t may malalaking pelikula na inaasahang magpapakitang-gilas sa pelikula.
Maging sa Pilipinas ay umariba ang Inside Out 2 at Despicable Me 4.
Ang Pinoy movies na nangahas makipagbardagulan habang showing ang mga ito ay Playtime, Fruitcake, Karma, Kuman Thong: Black Magic Baby, That Kind of Love, at Marupok A+ na dating Marupok AF.
Ngayong Hulyo 17, Miyerkules ay showing sa local cinemas ang apat na banyagang pelikulang Twisters, Escape, Don’t Turn Out The Lights, at ang exclusive sa SM cinemas na Uranus 2324.

Bukas, Hulyo 18, Huwebes ang opening day ng animated musical fantasy sci-fi na Doraemon: Nobita’s Earth Symphony.
At sa Hulyo 24, palabas na sa mga sinehan ng Perlas ng Silanganan ang Deadpool & Wolverine.
Kasabay nito ang All My Friends Are Dead at Sagrada Luna starring Rash Flores and Alexa Ocampo.
Read: Moro, bakit walang theatrical release at diretso sa Netflix?
GORGY RULA
Noong Disyembre 14, 2022 ay ipinalabas sa labinlimang sinehan ng bansa ang launching film ni Jeric Gonzales na Broken Blooms.
Tinapatan nito ang Avatar: The Way of Water.
Sa Hulyo 24, 2024 naman ay sasabayan ng Sagrada Luna nina Rash Flores at Alexa Ocampo ang Deadpool & Wolverine.
Magpi-premiere night ang Sagrada Luna bukas, Hulyo 18, Huwebes, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Suportado sina Rash at Alexa nina Jeffrey Santos, Simon Ibarra, Leandro Baldemor, at Lara Morena. May special participation sina Stephanie Raz, Micaella Raz, Millen Gal, at Angela Morena.
Ang nakakalungkot, nabalitaan ng PEP Troika na magsasara na ang isang film company na maraming naprodyus na de kalidad na pelikula.
Producer ito ng ilang pelikulang nag-best picture, ipinalabas sa international filmfest, nag-compete sa Cinemalaya filmfest, at ang mga bida at bahagi ng production ay nagkamit ng tropeo ng pagkilala.
Tipid-tipiran ang film company the past few months, at akala ng mga empleyado ay aabot pa sila sa Pasko.
Pero iyon pala, hindi man lang sila aabot ng Todos Los Santos.
Matunog na magsasara sila sa kasagsagan ng Ghost Month.
Read: Piolo Pascual switches roles with Baron Geisler in Moro
NOEL FERRER
Ayon pa sa Box Office Mojo, labing-walong (18) pelikula na ang lumampas sa $100M ang worldwide gross this year.
Ang mga ito ay Inside Out 2 ($1.349B), Dune: Part Two ($712M), Godzilla x Kong: The New Empire ($568M), Kung Fu Panda 4 ($545M), Despicable Me 4 ($434M);
Kingdom of the Planet of the Apes ($396M), Bad Boys: Ride or Die ($378M), A Quiet Place: Day One ($220M), The Garfield Movie ($219M), Ghostbusters: Frozen Empire ($202M); IF ($186M), Bob Marley: One Love ($179M), The Fall Guy ($178M), Furiosa: A Mad Max Saga ($173M), The Beekeeper ($153M), Civil War ($122M), Mean Girls ($104M), at Madame Web ($100M).
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Kung ratsada sa mga sinehan ang animated movies na Inside Out 2 at Despicable Me 4 for the past five weeks or so, kahapon at ngayon ay dominated ng mga animated series ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Walo sa mga iyon ay shounen anime, na ang target audience ay young boys.
May iba pang klase ng anime based sa target audience: ang seinen na marketed towards young men, shoujou for young girls, at josei na generally ang tina-target ay older women.
Nasa Top 10 TV shows ng Netflix PH nitong Hulyo 16 at 17 ang Wistoria Wands & Sword (shounen anime, sci-fi & fantasy); Alya Sometimes Hides Her Feelings in Russian (Japanese anime based on a light novel); Mashle Magic and Muscles: The Divine Visionary Candidate Exam Arc (shounen anime, sci-fi & fantasy); Fairy Tail 100 Years Quest (shounen anime, sci-fi & fantasy); Demon Slayer: Hashira Training Arc (shounen anime, sci-fi & fantasy); Kaiju No. 8 (shounen anime, sci-fi & fantasy); Exploding Kittens (US TV shows, comedy); at The Elusive Samurai (shounen anime).
Sa Top 10 Movies ng Netflix PH yesterday and today, kabilang ang animated films na Mummies at Minions: The Rise of Gru.
