PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cedrick Juan, mag-best actor din kaya sa 20th Cinemalaya?

Cedrick Juan, inulan ng offers pagkatapos manalo sa MMFF
by PEP Troika
Published Jul 10, 2024
cedrick juan cinemalaya
MMFF 2023 best actor Cedrick Juan plays another lead role in the Cinemalaya 2024 entry Gulay Lang, Manong!.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Matapos magbida sa 49th MMFF official entry na GomBurZa, lead actor naman si Cedrick Juan sa 20th Cinemalaya filmfest entry na Gulay Lang, Manong!.

“Malakas yung adbokasiya ng pelikula na dapat mapanood ng lahat,” pahayag ni Cedrick sa mediacon ng Cinemalaya 2024: Lalim, Loob, Lakas nitong Hulyo 10, 2024, Miyerkules, sa ballroom ng Metropolitan Theater sa Ermita, Manila.

Read: Cedrick Juan still willing to do theater, nude scenes after winning MMFF 2023 best actor

Ano ang papel niya sa movie?

“Part ako ng government, pulis ako. And eventually, magkakaroon siya ng… parang masasabi ko na… parang change of heart,” tugon ni Cedrick.

“About sa pananaw natin when it comes to yung paghihirap ng mga magsasaka sa mga probinsya, at yung adbokasiya pagdating sa mga medicinal cannabis.”

gulay lang manong
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CEDRICK JUAN NOT EXPECTING ANOTHER BEST ACTOR AWARD

Naging best actor siya ng MMFF 2023 sa pagganap bilang Padre Jose Burgos sa GomBurZa. May pressure ba, o nag-e-expect siyang maging best actor din sa Cinemalaya?

Read: Cedrick Juan, big break ang GOMBURZA sa 10 taon sa pag-arte

Napangiti si Cedrick, “Lagi, lagi pong wala. Laging wala.”

Pagkatapos ng GomBurZa, mas mapili na ba siya sa role?

“Siguro personally, hindi ako nagiging picky. Mas yung schedule,” pagtatapat ni Cedrick.

“Parang ganun, e. Kasi siyempre, super-thankful. Super na-appreciate ko na ang daming pumasok na opportunity after MMFF.

“So, yung ano na lang, kung paano nagsaswak din siya sa schedule talaga.”

Tanong ng katotong Archie Liao, may conscious effort ba siya na pumili ng mga pelikulang may social statement, o nationalistic ek-ek?

“Siguro hindi ek-ek yung nationalistic!” bulalas ni Cedrick.

“Siguro ano, kung nabibigyan ng chance. Ang pinakamahalaga talaga ay yung aware tayo sa social issues talaga natin sa Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At as an artist, yun ang pinakamahalaga. Yung laging maging parte ng social responsibilities.”

CEDRICK JUAN ON THEATER AND TELEVISION

Ang MMFF 2023 best supporting actor na si JC Santos (Mallari) ay nagbalik-teatro sa Virgin Lab Fest noong nakaraang buwan. Nagbida si JC sa one-act play na The Foxtrot.

Si Cedrick ba, babalik din sa teatro, o wala nang oras para roon?

“Sana, sana… makabalik. Definitely if ever na ahead of time, maibigay sa akin, mapasok siya sa schedule, at mapagkasunduan namin ang schedule… why not?” sambit ni Cedrick.

“Kasi yun naman yung gusto ko lagi, magbalik sa theatre dahil yun ang discipline talaga.”

Sa telebisyon, meron na siyang project?

“Meron akong gagawin under TV5, yung Ang Himala ni Niño. So, nagsisimula na sila,” sey ni Cedrick.

“August pa ata ako magsisimula sa kanilang mag-taping.”

Ang Gulay Lang, Manong! ay idinirek ni BC Amparado.

Nasa cast din nito sina Perry Dizon, Lui Manansala, BJ Forbes, Ranzel Magpantay, Brian Sy, at Dong Abay. May special participation dito si Ricky Davao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Second movie ito ni Cedrick sa Cinemalaya. Kabilang siya sa supporting cast ng Cinemalaya 2023 film na Huling Palabas.

Gaganapin ang 20th Cinemalaya sa Agosto 2-11 sa Ayala Malls Manila Bay.

Read: Cedrick Juan still willing to do theater, nude scenes after winning MMFF 2023 best actor

GORGY RULA

May mga nagma-manifest na makatrabaho sana ni Cedrick Juan si Kathryn Bernardo sa pelikulang Elena 1942. May feelers na ba?

“Wala. Alam mo, sana. Sana. Pero sa ngayon, wala pang pumapasok na inquiry,” sabi ni Cedrick.

“Pero parang nakikita ko nga yan sa social media.”

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Kathryn ang syuting sa Canada ng movie nila ni Alden Richards na Hello, Love, Again.

NOEL FERRER

Kumusta na si Cedrick Juan matapos maging crazy ang kanyang schedule dahil sa pagkapanalo niya sa MMFF?

“I just have to find time also to rest. Kasi, mahirap na yung ma-burnout din,” sabi ni Cedrick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero feeling ko kasi, since GomBurZa kasi, parang wala akong napag-commit-an na project na matagal.

“Parang itong ano na lang, pagpasok ng second quarter ng 2024. Kaya sabi ko, ‘Sige, parang gusto ko na ulit magtrabaho.’

“Parang baka mamaya, makalawang na. So ayun, kaya simula summer, may mga trabaho na ako.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2023 best actor Cedrick Juan plays another lead role in the Cinemalaya 2024 entry Gulay Lang, Manong!.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results