PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes, di binanggit si Coco sa kanyang acceptance speech

Julia Montes, tinalo ang ka-batch na si Kathryn Bernardo for best actress.
by PEP Troika
Published Jul 8, 2024
julia montes 7th the eddys best actress
PHOTO/S: Boy Borja

GORGY RULA

Nagpaunlak si Julia Montes ng panayam sa entertainment media pagkatapos ng awarding ceremony ng 7th The EDDYS.

“Ayyyy!” parang kinikilig niyang reaksyon sa sinabi naming hinihintay na isi-share niya kay Coco Martin ang nakuha niyang award.

Read: 7th EDDYS big winners: Piolo Pascual, Julia Montes, Charlie Dizon

Nakuha ni Julia ang Best Actress award at isa siya sa anim na Box-Office Heroes ng 7th The EDDYS, pero hindi niya nabanggit si Coco sa acceptance speech.

Sa katunayan, bago siya pumunta sa Marriott Grand Ballroom para dumalo sa 7th The EDDYS ay pinadalhan pa siya ni Coco ng flowers na parang ito siguro ang lucky charm niya nung gabing iyun.

“Ay, hehehe! Baka nga po,” natatawang sagot ni Julia.

Lagi naman daw nakasuporta sa kanya si Coco, lalo na sa kanyang career.

“Sobrang lagi po siyang supportive. Lahat naman po siguro na napuntahan ko ngayon, narating ko po ngayon, parte rin naman po siya,” lahad ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dahil una po ang Walang Hanggan, siya po ang nakasama ko dun hanggang… nung nag-e-extra pa lang po kami, kami na rin yung magkasama.

“So, parang parte na rin po ng naging journey ko.”

Napag-usapan na rin ang nakaraang bakasyon nila sa Europe na dapat ay makapagpahinga raw ang Hari ng Telebisyon.

Read: Coco Martin at Julia Montes, bumiyahe sa Spain

Ang awards night ng 7th The EDDYS ay ginanap nitong Hulyo 7, 2024 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Ang delayed telecast ng 7th The EDDYS ay nakatakda sa Hulyo 14, 2024, Linggo, sa ALLTV.

7th the eddys winners
Julia Montes (right) with co-7th The EDDYs winners Enchong Dee (lef), Best Supporting Actor for GomBurZa, and Gladys Reyes (center, Best Supporting Actress for Apag).
Photo/s: Boy Borja
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Mas na-inspire si Julia dahil sa nakuha niyang parangal mula sa 7th The EDDYS. Marami raw aabangan sa kanya ngayong taon.

Matipid ang sagot niya kapag napag-usapan ang tungkol sa gagawing project nila ni Megastar Sharon Cuneta.

“Soon po,” pakli ni Julia.

JULIA ON BEATING KATHRYN FOR BEST ACTRESS

Natalo niya si Kathryn Bernardo dito sa 7th The EDDYS, pero alam daw niyang masaya sila sa success ng bawat isa.

Ani Julia, “Sobrang saya kapag nakikita ko siya, na binibigyan ng parangal, na na-nominate kami.

“Ang layo na po ng narating po namin, e. Yung mga pangarap po namin, at ako ang pinaka-proud sa kanya.

“Sabi ko nga, kami ang magkapatid by heart, kami ang loveteam by heart.

“So, kung ano yung success ng isa, ganun din po ang saya ng isa. Kasi hindi yun nakikita ng tao sa social media, pero sobrang supportive siya.”

Sana raw, magsama sila uli sa isang project.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Yes, actually we really pray and hoping po na merong magandang project na ibigay po sa amin.

“Kasi iba rin makipag-work sa taong alam mo at mahal mong makatrabaho.

“So, sana hopefully soon meron pong project for us,” sambit ni Julia.

Read: 7th EDDYS: Vilma, Maricel, Marian, Kathryn for Best Actress

JERRY OLEA

Bilang External Vice President ng SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors), ako ang nag-abot ng tropeyo ni Julia Montes as one of the six Box-Office Heroes.

Iyon ay para sa pelikula nila ni Alden Richards na Five Breakups And A Romance, kung saan homoree rin si Alden bilang isa sa mga kampeon ng takilya noong nakaraang taon.

Masaya si Julia sa nasabing special award, pero mas masaya siyempre siya sa best actress award kung saan katabla niya si Charlie Dizon ng Third World Romance.

Waley si Charlie sa 7th The EDDYS kaya kay Julia na muna ang tropeo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan ko ang kaibigang Leandro Baldemor na gumawa ng extra trophy for Charlie, at agad siyang umoo.

Si Leandro ang nagdisenyo ng 31 trophies ng 7th The EDDYS. Bantog ang mga Baldemor ng Paete, Laguna sa paglililok.

jerry olea leandro baldemor
Jerry Olea (left) and Leandro Baldemor (right)
Photo/s: Boy Borja

JULIA MONTES'S ACCEPTANCE SPEECH

Bahagi ng acceptance speech ni Julia bilang best actress, “Wala pa akong masabi kundi maraming-maraming salamat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung alam inyo lang po, ako bilang nagtatrabaho po sa ating industriya, manominado pa lang po ay napakasarap na po sa pakiramdam.

“Pero itong ibinigay niyo pong parangal ngayon, sobra-sobrang nakaka-inspire pa po na lalo pa pong pagbutihan.

“Magpapasalamat po ako ulit dahil si Direk Irene [Emma Villamor] ang nagpalabas ng kung anong nilabas ko sa movie na ito dahil sobrang duwag ko po na tao.

“Sobrang dami ko pong takot at ahhh hindi naniniwala sa kakayanan ko kaya siya po ang nagpalabas niyan.

“Kay Kuya Mac [Merla] ulit na siya talagang nagkumbinsi sa akin na gawin talaga ito at kayanin ko…”

Pinasalamatan ni Julia ang mga tumulong at nagtiwala sa kanya noong nag-uumpisa pa lang siya sa local entertainment industry.

Aniya, “Kay Direk Bobot [Edgar Mortiz] sa Goin’ Bulilit, kayo po ang unang nagbigay sa akin ng oportunidad na magkaroon ng mainstay show na hindi na ako papalitan kapag nasa set.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mr. M [Johnny Manahan], ang lagi rin pong naniniwala sa akin. At siyempre, hindi ko pa rin po makakalimutan si Sir Deo [Endrinal] sa lahat po ng role na binigay niyo po sa akin.

“First adult roles, na serious roles na binigay niya po, siya po ang unang naniwala sa akin.

“At siyempre po, sa aming bosses sa ABS-CBN. CVV [Cory Valenzuela-Vidanes], maraming-maraming salamat po.

“At sa mga hindi ko pa po napasalamatan, pasensya na po. Pero mula po sa aking puso, maraming-maraming salamat po.

“Sa pamilya ko, mahal na mahal ko kayo. Maraming salamat po.”

Kasama na kaya si Coco Martin sa “pamilya” ni Julia?

Sa pakikipagtulungan ng Newport World Resorts at ALLTV, kasama ng SPEEd sa pagtatanghal ng The 7th EDDYS ang Globe Telecom at iFern/Kim's Diary.

Katuwang din ng grupo ngayong taon sina DILG Secretary Benhur Abalos, Mayor Albee Benitez, Beautéderm ni Rhea-Anicoche Tan, Unilab, Frontrow, Kat Corpus Atelier, Sen. Chiz Escudero, Sen. Bong Revilla, Camille Villar, Sen. Nancy Binay, former Ilocos Sur Governor Chavit Singson, Rep. Arjo Atayde, Emelette Gorospe, Rowena Gutierrez, Kamiseta, Casa Juan, at ang Echo Jham Entertainment Production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In behalf of SPEEd, maraming-maraming salamat po sa lahat ng nakibahagi upang maging matagumpay ang 7th The EDDYS!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Boy Borja
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results