JERRY OLEA
Suportado ni Congressman Richard “Goma” Gomez ang nominasyon sa Star for All Seasons na si Vilma Santos aka Ate Vi para maging National Artist.
Read: Aktor PH nominates Vilma Santos for National Artist
“OK naman si Ate Vi. Ang laki ng body of work ni Ate Vi,” pagmamatuwid ni Cong. Goma nitong Hunyo 28, 2024, Biyernes, sa Sutuwaki restaurant sa Ormoc City.
“Ang laki ng contribution niya sa movie industry. At saka malaki rin ang naitulong niya noong siya ay naging governor.”
Mahigit dalawang daang (200) pelikula ang nagawa ni Ate Vi sa anim na dekada na niya sa local showbiz.
Dagdag ni Cong. Goma, “Andami niyang natulungan, andami niyang naturuan sa movie industry.
“So these are some of the criteria for National Artist. Kung tatanungin mo ako, karapat-dapat bang ma-nominate si Ate Vi?
“Karapat-dapat… Talagang magaling na artista si Ate Vi. Very inspiring.”
Nagkasama sina Ate Vi at Cong. Goma sa mga pelikulang Tagos ng Dugo (1987), Kapag Langit Ang Humatol (1990), Ibigay Mo Sa Akin Ang Bukas (1987), at Yesterday, Today & Tomorrow (1986).

Nobyembre 23, 2023, inilunsad sa NCCA office sa Intramuros, Manila, ang nominasyon para sa bagong set ng National Artists.
Noong Hunyo 30, 2024, Linggo, ang huling araw ng pagsusumite ng nominasyon.
CRITERIA FOR NATIONAL ARTIST
Ang CRITERIA para maging Pambansang Alagad ng Sining:
- Living artists who are Fillpino citizens at the time of nomination and at the awarding, as well as those who died after the establishment of the award in 1972.
- Artists who through the content and form of their works have contributed in building a Filipino sense of nationhood.
- Artists who have pioneered in a mode of creative expression or style, thus, earning distinction and making an impact on succeeding generations of artists.
- Artists who enjoy broad acceptance through: A. Prestigious national and/or international recognition; B. Critical acclaim and/or reviews of their works; C. Respect and esteem from peers.
Noong Biyernes, Hunyo 28, ay nagpa-mediacon sa Manila Hotel ang Aktor (League of Filipino Actors) na pinamumunuan ni Dingdong Dantes para ihayag ang nominasyon nila kay Ate Vi para maging National Artist.
Read: Dingdong Dantes isinaad ang mga dahilan sa National Artist nomination ni Vilma Santos
Ayon sa isang NCCA insider, bawal i-divulge ng kanilang ad hoc committee kung sinu-sino pa ang nominado para sa susunod na batch ng Pambansang Alagad ng Sining.
Anim na buwan ang pagre-research kaugnay sa nominees, mula Hulyo hanggang Disyembre 2024.
Limang buwan naman ang inilaan para sa deliberation, mula Enero hanggang Mayo, 2025.
Nakatakda ang awarding at conferment sa Hunyo 30, 2025.
Read: Vilma Santos on fans lobbying for her National Artist nomination
GORGY RULA
Sang-ayon si Eric Quizon sa pagsusulong maging National Artist si Vilma Santos.
“Bakit hindi? Siyempre, si Ate Vi yan, di ba?” sabi ni Eric nitong Hulyo 2, Martes ng hapon, sa office ng Brightlight Productions, Samar Avenue, Quezon City.
“At alam naman natin ang body of work niya, and what she’s done for the entertainment industry. Sa kanyang contribution.
“Bukod doon ang humanitarian purpose niya, saka contribution niya hindi lang sa entertainment kundi sa sambayanang Pilipino.”
Nagkasama sina Vilma at Eric sa mga pelikulang Ibulong Mo Sa Diyos (1988), Pahiram ng Isang Umaga (1989), at Hahamakin Lahat (1990).

Kumustang katrabaho si Ate Vi?
“Siyempre, of course, I was so privileged at a very young age, nakatrabaho ko si Ate Vi,” tugon ni Eric.
“Of course, siyempre, sana makatrabaho ko pa siya ulit.”
May nag-nominate ba muli sa ama niyang si Dolphy para maging National Artist?
“I don’t know. Hindi na namin inaano. Kasi, kung may mag-nominate, then thank you. Kung hindi, OK lang din,” sambit ni Eric.
Read: Why Dolphy cannot be declared National Artist yet despite strong clamor
Siyangapala, si Eric ang magdidirek ng 7th EDDYS Awards na gaganapin sa Hulyo 7, Linggo ng 7:00 P.M. sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City.
Kabilang si Ate Vi sa anim na best actress nominees. Nominado si Ate Vi para sa MMFF 2023 official entry niyang When I Met You In Tokyo.
Ang lima pang best actress nominees ng 7th The EDDYS ay sina Kathryn Bernardo (A Very Good Girl), Charlie Dizon (Third World Romance), Julia Montes (Five Breakups And A Romance), Marian Rivera (Rewind), at Maricel Soriano (In His Mother’s Eyes).
Read: 7th EDDYS: Vilma, Maricel, Marian, Kathryn for Best Actress
NOEL FERRER
Ang maganda sa nominasyon ni Ate Vi, yung mismong sektor na pinanggalingan niya ay nagkakaisa na dapat siyang maparangalan.
Significant din na iba’t ibang grupo ang nag-consolidate para i-nominate siya.
Nasa pagtatasa na iyan ng three levels na screening group para iluklok siya roon.
Nang makausap ko siya, ang attitude ni Ate Vi ay isang karangalang na-nominate at ma-endorse ng mga katrabaho mo mismo. Pero hindi roon nakadepende ang kanyang halaga sa sarili.
Basta, we wish her all the best!!!
