PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Charlie Dizon at Carlo Aquino, nabuking na ikakasal na

Diretsahang tinanong ni Gorgy Rula ng PEP Troika si Charlie Dizon!
by PEP Troika
Published Jun 9, 2024
Charlie Dizon and Carlo Aquino to tie the knot on June 9, 2024
Hindi sinasadyang narinig ang komento ng director na si Dwein Baltazar (not in photo) tungkol sa aniya'y kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino (kanan). Ang nasa kaliwang litrato ay kuha kay Charlie nang manalo siya sa kakatapos na 47th Gawad Urian.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @thecraveseries via @jose_liwanag Instagram

JERRY OLEA

Napakagandang regalo para kay Charlie Dizon ang pagkapanalo niya bilang best actress sa 47th Gawad Urian nitong Hunyo 8, 2024, Sabado ng gabi, sa The Verdure, Henry Sy Sr. Hall, De La Salle University, Manila.

Ito ay para sa pelikulang Third World Romance na pinagtambalan nila ng kasintahang si Carlo Aquino, sa direksyon ni Dwein Baltazar.

Read: Romnick Sarmenta, Charlie Dizon win at 47th Gawad Urian

CHARLIE DIZON ACCEPTANCE SPEECH

Nag-uumapaw ang galak ni Charlie sa kanyang acceptance speech, “Magandang gabi po sa ating lahat. Ako po ulit si Charlie Dizon.

“Unang-una, gusto ko pong magpasalamat sa lahat ng bumubuo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino, sa 47th Gawad Urian. Maraming-maraming salamat po.

“Kung hindi niyo lang po alam, sobrang gandang regalo po nito sa akin ngayon!”

Sabi-sabi, kasal nina Charlie at Carlo this Sunday, June 9. Wedding gift iyon, kumbaga.

Charlie Dizon at 47th Gawad Urian
PHOTO/S: GORGY RULA. charlie dizon and joey reyes
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy ni Charlie, “And forever po akong grateful na nakatanggap, isa po ito sa pinakapangarap ko. So, thank you, Lord!

“And sa lahat po ng bumubuo ng Third World Romance, of course, I share this with all of you.

"Kay Direk Dwein lalo na, alam kong hindi madali yung pinagdaanan natin.

“Hindi talaga madali pero alam ko kung gaano mo kamahal itong project na ito, and kung gaano mo gustong tapusin ito na maganda kaya thank you very much, Direk.

“And of course, sa lahat po ng gumabay sa amin. Black Sheep production, sa Anima production po, and kay Inang Olivia Lamasan…

“And, siyempre, sa partner ko po and my lucky charm, kay Carlo, I share this with you.

“Wala siya dito ngayon, pero yan, may trophy tayo! Thank you po.

“And, siyempre, sa ABS-CBN management, sa Star Magic family ko po sa lahat ng suporta. And sa lahat po ng sumuporta sa Third World Romance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Dati po kasi, gustung-gusto ko lang makapasok ng industriyang ito pero hindi ko po alam paano and anong gagawin.

“Pero hindi ko rin po akalain na mamahalin ko ang pag-arte nang sobra. Kaya sobrang thank you po sa lahat ng naniniwala, and sa lahat ng sumusuporta.

“And ayan, thank you po sa lahat. Ay! Sa pamilya ko po pala! Sorry!”

Tawanan ang audience.

Sey pa ni Charlie, “Ino-offer ko po ito sa pamilya ko, nandito po sila ngayon from U.S., kaya ayan, may regalo ako sa kanila.

“Maraming-maraming salamat! Thank you!”

Congrats, Charlie! Best wishes sa inyo ni Carlo!!!!

Read: Charlie Dizon among PEP BEST BETS 2024: The Scene Stealers

GORGY RULA

Malapit kami sa table ng Third World Romance, at nasa likod lang kami ni Direk Dwein Baltazar, kaya dinig na dinig naming may sinasabihan siyang wedding ni Charlie Dizon kinabukasan nang binanggit ng aktres na “sobrang gandang regalo” itong pagkapanalo niyang Best Actress sa Urian.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya nang nagkaroon kami ng pagkakataong makausap si Charlie, diretsahan naming tinanong kung best wedding gift ba ito sa kanya.

“Hehehe, abangan niyo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!” masaya niyang sagot sa amin.

Sinundan pa rin namin kung gaano siya ka-excited para bukas, at patanong ang sagot niya sa amin kung ano bang meron bukas.

Sinagot namin siya ng, “Wedding siyempre.”

“Wedding niyo po ba?” pakli niya. “Sa inyo na po galing yan, thank you so much,” sambit ni Charlie sa sinabi naming double celebration na ito para sa kanya.

Binanggit din ni Charlie sa kanyang acceptance speech na nandito ngayon ang pamilya niya galing Amerika.

Paiwas pa rin ang sagot niya sa tanong namin kung bakit nandito sila ngayon.

“Dahil gusto po nila,” pakuwela niyang sagot.

Seryoso na ang kasunod naming tanong kung ano ang gusto niyang iparating sa mga fans at supporters kung…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kayo po ang nagsasabi talaga niyan, bahala kayo diyan,” iwas ulit ni Charlie, sabay hawak sa kamay ko na tila pinatitigil na ako sa patuloy na pangungulit tungkol sa kumakalat na balitang nakatakda na ang kasal nila ni Carlo Aquino.

“Ako, sobrang thankful ako forever sa mga fans, sa lahat na sumusuporta pa din. Lahat na nandiyan since day one. From nakilala nila ako sa Bagani, sa Seven Sundays po, yung lumang-luma pa, andiyan pa rin sila.

“Sobrang grateful po ako na yan nag-aabang pa rin sila kapag may bago akong project at nakasuporta talaga sila.

"Ahhh… alam ko naman, hindi madami fans ko. Pero talagang grateful po ako na sinusuportahan pa rin po nila yung mga projects na ginagawa ko.

"So, sana abangan niyo, hindi pa po ako mawawala. Abangan niyo po ang mga projects na gagawin ko pa,” saad ni Charlie Dizon.

Parang nairita na siya sa pahabol kong magiging CA na ba siya as in Charlie Aquino? “Ikaw talaga! Good night!” natatawang tugon ni Charlie Dizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Charlie Dizon says her parents approve of boyfriend Carlo Aquino

NOEL FERRER

Mahal ko si Charlie Dizon! Alam niya iyan! At masaya ako para sa kanya!

Kung anuman ang meron siya ngayon ay pinaghirapan niya iyan talaga. At kung anong success ang tinatamasa niya ay deserved niya talaga.

Basta, Congratulations, Charlie! In the best sense na puwede nitong ipakahulugan! Mahal ka namin ng Ate Iza Calzado mo lagi-lagi!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hindi sinasadyang narinig ang komento ng director na si Dwein Baltazar (not in photo) tungkol sa aniya'y kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino (kanan). Ang nasa kaliwang litrato ay kuha kay Charlie nang manalo siya sa kakatapos na 47th Gawad Urian.
PHOTO/S: Gorgy Rula / @thecraveseries via @jose_liwanag Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results