PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sanya Lopez, nakausap ang tunay na comfort women

Sanya Lopez, no boyfriend since birth pa rin.
by PEP Troika
Published Jun 5, 2024
sanya lopez playtime
Sanya Lopez on finding a man to be her first boyfriend: “Siguro, hindi ko na lang talaga hinahanap. Dapat ako ang hinahanap niya. Hintayin nila yung time na puwede ako!”
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram

GORGY RULA

Napamahal na kay Sanya Lopez ang role na ginagampanan niya sa upcoming historical drama series ng GMA-7 na Pulang Araw.

Ginagawa pa nila ito ngayon, at tuluy-tuloy na raw ang taping.

SANYA LOPEZ AS A COMFORT WOMAN

Isang comfort woman ang role ni Sanya sa Pulang Araw. Ang dami raw niyang natutunan sa totoong kuwento ng ating kasaysayan, lalo nang may nakausap siyang totoong comfort women.

Read: Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco headline historical action-drama Pulang Araw

“Nung dumating kasi yung giyera… nang dahil sa Hapon, walang sinisinu-sino yan. World War II, walang mayaman, walang mahirap nung mga panahon na yun.

“So, sa character ko, medyo mabigat siya. Kasi galing ako sa mayamang pamilya, e, na ginawang comfort woman. Pinahirapan ng mga Hapon.

“So, iyon yung mangyayari, na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat yung character,” saad ni Sanya nang sandali nakapanayam ng PEP Troika sa nakaraang media conference ng pelikulang Playtime ng GMA at Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Sanya, dalawang comfort women ang nakausap niya, at ramdam na ramdam daw niya ang hirap na pinagdaanan ng mga ito.

“Nung nakita ko sila… habang ginagawa ko nga yung eksena, naiiyak na ako agad, kasi alam ko at naikuwento na sa akin to,” dagdag niya.

Bukod sa Pulang Araw ay tini-tape din ni Sanya ang Sang’gre, at kailangan daw niya ang promo ng Playtime dahil sa June 12 na ang showing nito sa mga sinehan.

NOEL FERRER

Nagpapasalamat si Sanya na sa kanya ipinagkatiwala ng GMA-7 ang role ng isang comfort woman para sa Pulang Araw.

Nagpapasalamat din siya sa dalawang comfort women na kaagad daw nagtiwala sa kanya at ikinuwento ang mga pinagdaanan nila nung panahon ng Hapon.

“Ang sarap lang na isa ka sa… hindi siya masarap na alam mo yun? Pero masarap na pinagkatiwalaan ako ng taong ito.

"Sinabi niya sa akin lahat yung buong buhay niya kung ano ang nangyari sa kanya… nung comfort woman siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, gusto kong maging boses nila dito sa ginagawa naming Pulang Araw.

“Pag nagkukuwento sila sa yo, parang nandun ka rin. Parang ramdam na ramdam mo yung hirap nila, yung sakit nila,” saad ni Sanya.

pulang araw cast
Pulang Araw cast and director: (from left) Jeffrey Quizon, Angelu de Leon, David Licauco, Barbie Forteza, director Dominic Zapata, Sanya Lopez, Alden Richards, Rochelle Pangilinan, and Adrian Veneracion
Photo/s: @sparklegmaartistcenter on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LIFE DURING THE WAR

Magandang mapanood daw ng mga kabataan sa ngayon ang Pulang Araw, para lalo nilang maintindihan ang buhay noong panahon ng giyera, lalo na ang mga napagdaanan ng mga comfort women.

Sabi ni Sanya, “Meron nga silang parang tumatak sa amin na sinabi niya sa amin na parang, ‘Suwerte kayo ngayon, kasi hindi niyo naranasan yung bagay na naranasan namin nung bata pa kami.’ Ang bigat! Ang sakit sa dibdib.

“Isa yun sa mga tumatak sa akin na ang sarap lang na gawin to, para mas maging aware din yung bagong generation tungkol sa nga nangyari nung World War II.”

Paano kaya kung ito ang ginawang pelikula — baka mas may chance ito!

Read: GMA-7 levels up program content with historical dramas

JERRY OLEA

I wonder kung ilang taon na iyong dalawang comfort women na nakatsikahan ni Sanya Lopez.

Malamang na nonagenarian na ang mga iyon, di ba? Kasi, ang World War II ay nagtapos noong Setyembre 2, 1945. Pitumpo’t siyam na taon na ang lumipas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya kung ang dalawang comfort woman na kausap ni Sanya ay dose o trese anyos sa pagtatapos ng World War II, nasa early 90s na ang mga iyon. Mabuti at buhay pa sila hanggang ngayon upang isiwalat ang masaklap nilang karanasan.

NO BOYFRIEND SINCE BIRTH

Samantala, ibang-iba si Sanya sa pelikulang Playtime na idinirek ni Mark Reyes.

Ginagampanan niya ang role ng isang kilalang vlogger na isa sa nabiktima ng isang sexual predator kagaya ng karakter na ginagampanan ni Xian Lim.

Kasama ni Sanya rito sina Coleen Garcia at Faye Lorenzo, na parehong naranasan nang makipagrelasyon. Siya lang daw ang hindi nakaka-relate dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya nagka-boyfriend.

playtime poster
Playtime poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naranasan daw ni Sanya makipag-date sa ilang manliligaw, pero hindi pa umabot sa pakikipagrelasyon. Kaya nakantiyawan na naman siya sa pagiging NBSB niya.

Wala raw siyang magagawa dahil wala pa talagang lalaking dumating sa kanyang buhay na nakikita niyang willing siyang makipagrelasyon.

“Siguro, hindi ko na lang talaga hinahanap. Dapat ako ang hinahanap niya. Hintayin nila yung time na puwede ako!” natatawa niyang sagot.

“Kasi, mahirap yung klase ng trabaho na meron ako. Kaya naman, kung kaya niyang tanggapin… katulad nga ng sinabi ko, may Sang’gre, may Pulang Araw, meron pa tayong Playtime. Kung kaya niya yun tanggapin kung saan siya sisingit dun, e, di okay, ganun.

“Sa ngayon kasi, lagi ako nandun sa pag sure na sure na siguro makikita niyo na lang,” dagdag niya.

Nakatakdang ipalabas ang Playtime sa mga sinehan sa Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Kasabay nito ang showing ng Inside Out 2, Fruitcake, Love You As The World Ends, Latency, at Skye Hoshi: Anime Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakapuwesto naman sa June 19 playdate ang Karma, Cabrini, at The Bikeriders.

At nasa June 26 playdate ang A Quiet Place: Day One at Marupok AF (Where Is The Lie?).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanya Lopez on finding a man to be her first boyfriend: “Siguro, hindi ko na lang talaga hinahanap. Dapat ako ang hinahanap niya. Hintayin nila yung time na puwede ako!”
PHOTO/S: @sanyalopez on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results