JERRY OLEA
Pagkatapos ng Lady Guard, may bagong pelikula si Anthony Davao na mag-i-streaming sa Vivamax.
Ito ay ang Linya, na matutunghayan na sa Hunyo 7, 2024, Biyernes. Co-stars niya rito sina Cess Garcia, Sheila Snow, Chester Grecia at VJ Vera, sa direksiyon ni Carlo Alvarez.
Read: Anthony Davao admits to feeling the pressure for his latest role
Mahigit isang dosena na ang mga proyekto ni Anthony sa Vivamax.
Nakasama siya sa mga pelikulang Sweet Release, Tayuan, Room Service, at Kara Krus; at sa mga seryeng AN/NA at Lovely Ladies Dormitory.
Si Anthony ay anak ng dating aktor na si Charlon Davao. Kapatid ni Charlon sina Ricky Davao at Bing Davao. Lolo ni Anthony si Charlie Davao.
Kumusta na ang ama niyang si Charlon?
“Daddy is OK naman po, galing siya ng L.A. Umuwi siya nung November. Six months siya dun, then bumalik siya,” kuwento ng 26-anyos na si Anthony.
“And then, he plans on going back again.”
Nagpaalam ba siya kay Charlon na magbi-Vivamax siya?
“Actually, siya talaga ang nag-push sa akin na pumasok sa Viva, which is kasi…”
NO TO BL?
Pero iba ang Viva sa Vivamax!
Napangiti si Anthony, “Opo and yun, alam naman din ni Daddy at sinabi ko kanya nung pumasok ako dun.
“And then ang sabi lang naman niya is, ‘Basta masaya ka sa ginagawa mo and OK sa yo, di ba, gawin mo.’
“Pero andun tayo sa mga restrictions din natin sa Vivamax. Like sa frontal, saka for me, yung male-to-male scenes, yan. BL [boys love], ganun.
“For me kasi, yung BL, kumbaga yung karakter ko sa showbiz, gusto ko makilala ako as, like, manly lang.
“Kumbaga, sexy actor na manly. Not only sexy actor but actor din siyempre.”
Ang uncle niyang si Ricky Davao, ang galing-galing sa gay roles!
At nung bata-bata pa ito, mapangahas sa pelikulang White Slavery (1985) ni National Artist Lino Brocka, mula sa panulat ni National Artist Ricky Lee. Napanood ba niya ang mga iyon?
Read: Ricky Davao, suportado ang sexy image ng pamangking si Anthony Davao
“Wala nga po akong napanood kay Uncle Ricky. Narinig ko lang po talaga yung mga sexy acting niya before,” pag-amin ni Anthony.
Meron na ba siyang nakahalikang lalaki?
“Wala po. Wala pa.”
Ayaw niya sa BL?
“Ayaw ko lang makita yung karakter ko sa showbiz na ganun. Gusto ko, ano lang, manly lang talaga, hunk na alam mo yun, sa girls lang ako,” saad ni Anthony.
Read: Pinoy Boys Love series: a genre that boomed during the pandemic
Niligawan na ba siya ng bading?
“Niligawan? Ahh hindi naman po ligaw pero… may mga indecent proposals online, yan, mga ganun po,” sey ni Anthony, na nagba-basketball nung high school siya sa Parañaque.
“Pero hindi ko na lang sila… alam mo yun. I just take it as support na lang nila.
“May mga nagbibigay, mga shoes, ganyan. Or foods, ganyan.”
Nakatsikahan namin si Anthony sa thanksgiving party ni Manay Aster Amoyo noong Mayo 10, Biyernes, sa Viva Cafe, Cubao, Quezon City.
NOEL FERRER
Normal sa Vivamax stars, lalaki man o babae, ang mag-plaster sa maseselang eksena.
Read: Massimo Scofield clarifies "plaster incident" in love scene with Ayanna Misola in Putahe
“Yun talaga actually, halos lahat naman talaga, plaster. May iba talaga, wala. Pero so far, sa lahat ng nakatrabaho ko, lahat din sila, nakaplaster,” lahad ni Anthony.
“And ako, yun, restriction ko rin talaga na magplaster ako. And sabi rin yun sa akin ng tita ko, at ni daddy…
“Personally, hindi ko rin kaya na walang plaster, ganun. Tsaka ano na rin siya, alam mo yun, nasa family ko na rin.
“Kahit nasa artista kami, andun pa rin kami sa… what do you call this ba… nasa religious family pa rin kami.”
Sanay na sanay na siyang mag-plaster? Hindi na awkward ang pakiramdam niya pag nakaplaster?
Tumango si Anthony, “Opo, nasanay na po talaga.”
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Ano ba ang background niya sa akting? Nag-theater ba siya?
“Actually nung pumasok ako ng Viva, wala akong experience sa mga workshops and all,” pag-amin ni Anthony.
“And then nag-workshop lang ako once sa basic acting workshop ng Viva. And then ayun po, after nun, nabigyan ako ng project.
“And then unti-unti po hanggang sa dumating na po, pan-twelve na po yata iyong Lady Guard na first lead role ko.”
GORGY RULA
First time siyang maghubo’t hubad sa seryeng AN/NA na pinagbidahan ni Janelle Tee, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
“Nung nakita po ako ni Direk Jose Javier Reyes, nagulat siya. Kasi nga, dati, assistant director siya and naabutan pa niya si Daddy,” pagsisiwalat ni Anthony.
“And then hanggang sa naabutan na niya yung anak ni Charlon Davao. Kaya ayun, tuwang-tuwa naman po siya.”
Ano ang feeling niya noong magtalop na siya?
“Feeling ko, kahit nasa mindset ko na parang alam ko na yung gagawin ko, pero nung naghubad na ako and all, nakakailang talaga,” pagtatapat ni Anthony.
“And ang hirap lang i-act na parang OK lang lahat, parang walang ilang, walang ganun.
“Pero I had to, like, show them na parang OK lahat, and then parang alam mo yun, you’re really doing the scene na parang totoo. Ganun.”
Read: Hubadero 2024 1Q Edition: Vivamax sexy actors deliver the goods
Pakiwari ba niya, magaling siya sa sexy scenes?
“There’s always a lot of improvement naman palagi. And feel ko naman, every project ko talaga, natututo talaga ako,” tugon ni Anthony.
“Mas madami akong kayang ilabas pa and potential ko, every project, natututo ako sa mga directors ko and all.”
Pero ayaw niyang ilabas ang kuwan…
Natawa si Anthony, “Ha! Ha! Ha! Ang iyong pinakatalento po pala! Ha! Ha! Ha! Ha! Huwag na po nating ilabas yung pinakatalento po na yun.
“Idaan na lang po natin sa akting.”
Inamin ni Anthony na 14 years old siya nang ma-devirginize sa babae.
“Maaga lang namulat,” napapangiting sambit ni Anthony.
Kaya pala minamani na lang niya ang sexy scenes!
“Hindi naman! Grabe naman sa minamani! Ha! Ha! Ha! Ha!”
