GORGY RULA
Simple at walang make-up si Sheryl Cruz na dumalo sa opening ng bagong dermatology and plastic surgery clinic na Skinlandia sa SM Fairview noong Hunyo 1, 2024, Sabado.
Parang nagkilay lang siya at konting lipstick, pero ang ganda na niya.
Read: Sheryl Cruz, inalok ng kasal noon ni Anjo Yllana
Nang binati namin siya, tinanong na rin namin kung meron na bang nagpapasaya sa kanya ngayon.
“Actually, merong apat na manliligaw pero they’re not here from the Philippines,” kaswal na sagot ng 50-year-old actress sa PEP Troika.
“With the permission of my daughter, I do communicate with them. Hindi ko naman dini-deny.
"But you know what, it’s so difficult for me to have another whirlwind romance, because I’m not that age anymore na 20s ako, 25.
“Because, you know, pag ganun ka kabata, then you have the second chance.”

LESSONS FROM PAST RELATIONSHIPS
Marami na siyang natutunan sa nakaraang relasyon, kaya alam na raw niya sakaling pumasok siya sa panibagong relasyon.
“At my state and time right now, my age right now, marami na rin akong pagsubok na actually kinasangkutan or na-experience sa buhay o pinagdaanan. Ayoko na ma-experience pa uli as much as possible,” sabi ni Sheryl.
Bukod sa pamilya ay nae-enjoy ni Sheryl ang trabaho lalo na’t maganda ang ratings ng Lilet Matias: Attorney-At-Law.
Noong nakaraang Biyernes, Mayo 32, ay ito ang pinakamataas na rating sa mga programa sa hapon.
Naka-9.4% ito, at tinaasan ang laging nangungunang Abot-Kamay Na Pangarap na naka-9.1% noong araw na iyon.
NOEL FERRER
Sakaling pumasok si Sheryl sa panibagong relasyon, hindi raw kailangang taga-showbiz, guwapo o celebrity.
“I’m not really looking for somebody who looks like a model. I want somebody who I can depend on, somebody na I can work in partnership talaga.
“Because ayoko yung parang nagkakaroon kami ng parang paligsahan pagdating sa aming mga career. Kasi, dun kami usually di nagkakatugma,” saad ng aktres.
Ang ikinaloka niya, karamihan sa mga nanliligaw sa kanya ay mas bata sa kanya.
“Actually, this is my problem. The people who actually like me right now are younger than me.
“But they do look a little more mature because, I guess, we’re Asians or I don’t know… they look younger. Especially sa side ng mother ko.
“They actually get surprised when I tell them my age,” sabi ni Sheryl, na ang ina ay ang dating aktres na si Rosemarie Sonora.
JERIC GONZALES
Naaalala tuloy namin yung pagkaka-link niya kay Jeric Gonzales. Kaya kinumusta namin kung okay naman sila ng Kapuso hunk actor.
Ani Sheryl, “Okay naman. Ayos naman kami. Hindi naman kami ever na hindi okay.
“Yung best friend niya, laging bumibisita sa akin sa set. Si Rhen… si Mama Rhen. He always visits me when he has time.”
Yung si Mama Rhen na binanggit ni Sheryl ay presidente pala ng fans club ni Jeric Gonzales.
Read: Sheryl Cruz admits Jeric Gonzales is "very special" to her
JERRY OLEA
Lalong naurirat ang lovelife ni Sheryl dahil sa nabuhay ang isyu nila noon ni Anjo Yllana.
“Nagpapakatotoo lang naman. Natanong. Hindi naman kasi ako yung ano, yung isang tao na lalo na kung nangyari.
“Masaya na kaming friends, ganun kami. But you know, I really do admire him, and everyone naman na nandun sa past ko na maayos naman nilang naitataguyod ang kanilang mga pamilya at ang kanilang mga anak,” saad ni Sheryl.
Read: Anjo Yllana clarifies past relationship with Sheryl Cruz
ROMNICK SARMENTA
Natanong na rin siya tungkol kay Romnick Sarmenta, at napangiti na lang ang aktres.
“Kay Nico naman, kasi siyempre, hindi ko naman kasi alam yung pinaggagawa nila, e. And especially, di ba?
“Ayoko na rin masangkot sa mga kumbaga, anu-ano pang mga issues, especially pagka masyado pang guwapo yung tao, parang ganun.
“Ayokong merong may nagseselos sa akin na kahit sino,” sambit ni Sheryl.
Okay naman daw siyang magkaroon sila ng reunion project ni Romnick.
“Ako, evers ince before, never ko tinanggihan. So, yung sa akin lang, it’s a matter of time, it’s in God’s time.
“Siguro, alam ko lahat, excited na magkaroon kami ng reunion. Sino ba ang hindi, di ba?
“But that would be up to the one of them kung kailan Niya kami pagsasamahin sa isang proyekto,” sabi pa ni Sheryl.
Read: Romnick reveals why he turned down reunion project with Sheryl Cruz in the past
