PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cai Cortez inihayag kung bakit siya pabor sa Divorce Bill

Cai: “Nakiusap po ako sa mga mahal nating senador."
by PEP Troika
Published Jun 2, 2024
Cai Cortez smiles for the camera at the Skinlandia SM Fairview opening.
“Nakikiusap po ako na lawakan po natin ang ating isip pagdating sa Divorce bill. Dahil, marami pong babae, lalo na ang mga Pilipina na hindi natatahimik, hindi nagkakaroon ng payapang buhay, dahil hindi kami makawala," pahayag ni Cai Cortez na ibinunyag na nasa gitna siya ng child custody case laban sa estranged husband, ang Tunisian na si Wissem Rkhami.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Sana, maipasa ang Divorce Law dito sa Pilipinas.

Ito ang hiling ng character actress na si Cai Cortez nang nakapanayam namin sa grand opening ng bagong dermatology at public surgery clinic na Skinlandia sa SM Fairview nung Sabado, June 1, 2024.

Cai Cortez along with other guests at Skinlandia SM Fairview opening.
Cai Cortez (dulong kanan), isa sa mga celebrity na dumalo sa opening ng Skinlandia dermatology and public surgery clinic sa SM Fairview kahapon, June 1, 2024.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi gaanong ikinuwento sa amin ni Cai ang hirap na pinagdaanan niya sa kanyang estranged husband na isang Tunisian na si Wissem Rkhami.

Read: Cai Cortez marries foreigner boyfriend in a civil ceremony

Limang taon lang tumagal ang kanilang pagsasama, hanggang naghiwalay na sila ilang taon na ang nakaraan, at umabot na sila sa pagsampa ng kaso.

Ongoing pa itong kaso na child custody para sa dalawa nilang anak na 7 at 4 years old.

Read: Cai Cortez gives birth to second baby

“Hindi ko pa completely ma-divulge kasi baka maapektuhan yung kaso. It involves the kids,” pakli ni Cai.

Naka-block na raw sa kanya ang dating asawa, kaya wala nang kuneksyon sa kanila.

Walang sustento o suportang nakakarating sa dalawa nilang anak.

“Kasi kung ako, kung wala sa akin ang mga anak ko, gagawin ko ang lahat, di ba? Papadala ako ng regalo, aalamin ko kung saan nakatira.

“Hindi ko pa makuwento nang buo. Siguro kapag may nangyari na lang. Kasi baka maano pa,” maingat pa ring pahayag ni Cai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang daw niya maidetalye kung anong pang-aabuso ang inabot niya sa dating asawa at damay pa raw ang kanilang mga anak.

“Nilayo ko, kasi may threat na e na pati sila… lagi niyang sinasabi na ilalayo niya, dadalhin niya sa ibang bansa. Pag hindi ko siya sinundan, yung gusto niya, uuwi na lang ako na wala na sila. Ginaganun niya ako nung kami," pahayag ni Cai.

“Kaya ngayon na naghiwalay na kami… basta naramdaman ko na lang na wala nang respeto sa akin. Kahit na sa mother na lang ng mga bata.

“Pag nararamdaman ko na wala nang respeto sa akin. Kahit na sa mother na lang ng bata, wala na. Wala na rin ako… sobrang controlled. Nalayo ako sa mga kaibigan, sa pamilya.

“May abuse, yes. Hindi ko na lang po i-specify kung ano yun," sabi pa ni Cai.

“Yun sa akin kasi, kaya ko pang tiisin, e. Kasi ganun din yung mga generations before me, e. Tiis-tiis kahit may ibang kiyeme. Ganyan. Laban lang.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Pero yung merong mga threat na sa mga bata, doon na po ako hindi na puwede. Sa mga bata lang yung delikado."

JERRY OLEA

Sa totoo lang, mas nauna pa raw itong kaso niya sa kesa kay Pokwang. Humingi na rin daw siya ng payo sa komedyante.

“Minessage ko po si Mamang [Pokwang]. Actually, mas nauna po ako sa kanya… sa mga proseso. E, last year lang siya, e. Ako po, mga 4 years na.

“Nag-advise naman po siya. Binigay niya yung number ng lawyer niya and everything, but yun po, tinatrabaho din talaga niya nang matindi,” pakli ni Cai.

Hindi lang daw niya magawang mag-ingay sa social media kagaya ng ginawa ni Pokwang, dahil iniisip pa rin daw niya ang kapakanan ng dalawa niyang anak.

“Ayoko po kasing maramdaman nila na… kasi my kids are half me, half my ex. So, kung magsalita po ako ng pangit dun sa asawa ko, kalahati nila, they’ll feel bad about it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako lang po yun. No judgment sa mga vocal sa ganun. Pero ako po, hangga’t kaya pa na hindi pa magsalita, ano lang ako, chill lang muna.

“Of course! Kasi kung magalit sila sa papa nila, magalit din sila sa part ng half nila, di ba? Nakakagulo yun sa chemical make up ng bata, e.

“Na habang kinikilala nila yung sarili nila…Although transparent naman ako, dahil nakikita naman ng panganay ko lahat ng nangyari sa akin, yung pagtrato sa akin.

“So, hindi ko naman maa-undo yun. And I let him have his own feelings, pero hangga’t maari ay hindi na ako gagatong.

“Yung bunso ko, walang pakialam, happy lang siya. Panganay ko yung mas ano.”

NOEL FERRER

Kaya ang pakiusap ni Cai sa mga mambabatas natin, sana umayon na sila sa Divorce Law dito sa atin, para maging madali raw sa kanilang makawala sa mga challenges na pinagdaanan sa hihiwalayang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakiusap po ako sa mga mahal nating senador, tulungan niyo po kaming mga ano…naiipit sa impyerno na makawala na please.

“Nakikiusap po ako na lawakan po natin ang ating isip pagdating sa Divorce bill. Dahil, marami pong babae, lalo na ang mga Pilipina na hindi natatahimik, hindi nagkakaroon ng payapang buhay, dahil hindi kami makawala.

"Hindi ako makapag-invest para sa mga anak ko, dahil may porsyento siya dun," tukoy ni Cai sa kanyang estranged husband.

“Nandun pa rin yung pangalan niya. Kaya ang hirap pong maging successful sa ngayon.".

Nakikipag-date na si Cai sa iba. Non-showbiz daw ang bagong karelasyon, pero mas gusto niyang tapusin na muna itong kaso sa dating asawa.

“Nagpapasaya lang. Siyempre, nandun pa rin ako sa bahay ng parents ko. Focus sa mga anak ko. May mga nagpapasaya pero, yung para mag-live in pa o ikasal ulit, wala pa naman po akong balak.

“Saka, may bago nang anak yung ex ko…kapapanganak lang nung January,” dagdag ni Cai.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta ang gusto na lang daw niya ay matapos na ito at makawala na siya sa ano mang kuneksyon sa hiniwalayang asawa.

“Wala na po akong pakialam sa kung sino ang tama o mali, basta I just want him out of my life. And I want to protect my kids,” sabi ni Cai.

At naging viral din ang pahayag ng aking talent na si Atom Araullo sa isang iWitness documentary on divorce.

Ang sabi niya, “May divorce man o wala, ang masasayang pagsasama ay mananatiling masaya. At ang nakalalasong relasyon ay mananatiling nakalalason.

“Ang tanong ngayon, kung hindi para sa iyo ang diborsyo, bakit mo ito ipagkakait sa iba? Lahat naman tayo, may karapatang maging masaya at malaya.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nakikiusap po ako na lawakan po natin ang ating isip pagdating sa Divorce bill. Dahil, marami pong babae, lalo na ang mga Pilipina na hindi natatahimik, hindi nagkakaroon ng payapang buhay, dahil hindi kami makawala," pahayag ni Cai Cortez na ibinunyag na nasa gitna siya ng child custody case laban sa estranged husband, ang Tunisian na si Wissem Rkhami.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results