JERRY OLEA
Na-shock si Manay Lolit Solis nang makatanggap ng birthday gift mula kay Kris Aquino.
“Kasi, nasa abroad siya, di ba?” katuwiran ni Manay Lolit nang makatsikahan namin nitong Mayo 30, 2024, Huwebes, sa Chili’s restaurant, Tomas Morato Avenue, Quezon City.
“Tapos yung pinadala pa, di ba, yung para ma-remember niya? Na-shock ako dun talaga. Gusto ko ngang maiyak dun, e.
“Dahil, di ba, yung parang… parang… parang melancholia. OK lang sana kung andito siya, e, saka kung wala siyang sakit. OK lang sana.
“Pero yung para ma-remember ka niya na nasa abroad siya, di ba?”
Read: Lolit Solis, na-touch sa pag-aalala sa kanya ni Kris Aquino
Nagkausap ba sila ni Kris?
“Hindi! Hindi ko alam ang telepono niya!” bulalas ni Manay Lolit.
“Talagang na-shock ako nung tumatawag si Alvin [secretary ni Kris], ‘Andidiyan kayo sa bahay?’ chu-chu-chu-chu.
“Yun pala, may ipapadala pala.”
Anong mensahe niya kay Kris?
“Ever since naman, lagi kong sinasabi, si Kris, very naughty, pero walang mean bone,” tugon ni Manay Lolit.
“Di ba? Talagang mag-aaway kayo, saan ka naman nakakita ng nag-a-attend kayo ng Mass, ‘Peace be with you, peace be with you,’ pagkakita sa yo, iirapan ka?”
CASH GIFTS WORTH ALMOST PHP2 MILLION
Ika-77 kaarawan ni Manay Lolit noong Mayo 20, Lunes. Nag-birthday lunch siya the day before sa Oriental Palace sa Morato Avenue, Quezon City.
Read: Lolit Solis, hindi pinagsisisihan ang Manila Filmfest scam
Ang regalo ni Kris ay gift certificates ng S ‘n R worth P77,000.
Ikinagulat din ni Manay Lolit na nakatanggap siya ng birthday gift mula kay PBBM. At ang gift sa kanya ni Christopher de Leon ay P100,000.
Ang nabilang na cash gifts ni Manay Lolit ay P1.9M. Hindi pa niya nabilang doon iyong cash mula kay Nanette Medved.
Noong Huwebes ay nakatanggap pa siya ng cash gifts mula kay RS Francisco at sa Frontrow. May na-receive din siyang Louis Vuitton na bag.
Natatawang sambit ni Manay Lolit, “Naisip ko, parang ano ito, parang abuloy na yata. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
NOEL FERRER
Dalawa ang birth certificate ni May Lolit.
Ang birthyear niya, magkaiba sa dalawang certificate — 1945 at 1947.
Minabuti niyang 1947 ang panindigan para mas bata siya, 77 years old.
Pero mas maganda na ang ipagdiwang niya next year ay 80th birthday, para more and more ang maggi-give ng P80,000.
“From 77, next year, e, 80? Jump agad? Ang laki naman ng jump!” pagkunot-noo ni Manay Lolit.
Iyan si Manay Lolit, masaya na lang sa simpleng buhay kasama ng mga kaibigan at pamilya.
Hindi na niya sineseryoso ang anumang issue na dumarating at ipinupukol sa kanya. Enjoy na lang.

GORGY RULA
Na-touch nang lubos si Manay Lolit sa presence ni Nanette Medved sa 77th birthday celebration niya.
Read: Paolo Contis, nagbayad ng 300K para maging manager si Lolit
“Kasi, parang iba na ang mundo niya, e. Di ba? Parang iba na ang grupo niya, iba na ang chu-chu-chu,” saad ni Manay Lolit.
“Basta andidiyan siya talaga. Na antagal-tagal niyang ganun, nag-eeklayan sila ni Alice Eduardo, yung mga charity chu-chu.”
Dedmadela si Nanette kahit napag-usapan sa birthday celebration ang 1994 Manila Film Fest Scam.
Sa mga personalidad na sangkot sa 1994 MFF Scam ay bukod-tanging si Nanette ang present sa pagdiriwang ni Manay Lolit.
Read: UNTOLD STORIES: Details Lolit Solis has never revealed about Manila Film Fest Scam
LOLIT SOLIS WANTS TO REUNITE WITH GABBY CONCEPCION
Inimbitahan ba ni Manay Lolit ang dati niyang alaga na si Gabby Concepcion?
“Alam mo yun, ang talagang ano ko, kumpleto sana yung ligaya ko that time kung andudun si Gabby,” pag-amin ni Manay Lolit.
“Si Gabby kasi, ibang ugali. Kung si Bong [Revilla Jr.] yun, pag nagkabati na kayo, di na niya iisipin na, ‘Tatarayan ako niyan pag nakita ako!’
“Si Gabby kasi, duwag, e. Iisipin niya, ‘Baka tarayan ako sa harap ng maraming tao.’ Ganun ang nasa isip niya, e.
“Sana, huwag na niyang isipin yun. Kasi, kahit naman nung nagkahiwalay kami, wala ka namang narinig na masama kay Gabby. Wala naman siyang sinabing masama against me.
“At saka ako rin naman, wala akong sinabing masama against him, di ba? Kaya sana, kalimutan na niya. Kalimutan na niya yung fear.”
Magtatatlong dekada na ang 1994 MFF Scam sa Hunyo 22…
“May mga trauma ka kasi sa buhay na hindi mo maaano. Siya siguro, yun ang pinaka-traumatic sa kanya,” sabi ni Manay Lolit.
“Siguro na-shock siya talaga. Punyetang scam ito, napakalaking pala. Ha! Ha! Ha!”
