PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Isay Alvarez, nakaranas ng pag-a-attitude ng young star

Isay Alvarez, gustong makita si Kathryn Bernardo sa teatro.
by PEP Troika
Published May 30, 2024
isay alvarez on stars with attitude
Veteran theater actress-singer Isay Alvarez relates experiences with a young star and a veteran actress with attitude and do not want to rehearse with her before actual take.
PHOTO/S: @isayasena on Instagram

GORGY RULA

Para sa magaling na theater actres at singer na si Isay Alvarez, si Kathryn Bernardo ang gusto niyang makitang nagpe-perform sa isang stageplay o kahit musical play.

Nakita raw niya ang disiplina at propesyonalismo sa kasalukuyang superstar, kaya sana raw ay makasama ito sa isang production sa entablado.

Read: Isay Alvarez, napakanta nang makita ang malaking saging

KATHRYN BERNARDO WORKSHOP

Nang nakatsikahan namin si Isay sa DZRH, ikinuwento niya sa amin na bata pa noon si Kathryn ay nag-workshop ito sa kanya at isa siya sa nagturo.

Ani Isay, “Alam mo, meron kaming Performing Arts School nun, e. Nagtuturo kami ng singing, musical instruments, at saka mga workshops.

“Alam mo yung si Kathryn, dahil gusto niyang magkaroon pa ng ibang magtuturo sa kanya, nag-take up siya ng musical theater workshop sa amin.

“And I was one of the teachers, ako ay isa sa mga mentors. Bata pa siya nun, and I was really impressed by her talent.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung time na yun… acting, excellent na siya, e… dancing. She was trying to hone her singing skills and performing on stage.

"And because of that, hats off talaga ako sa bata na yun.”

Isa raw si Kathryn sa mga nakatrabaho ni Isay na talagang pinuri niya ang dedication sa trabaho bilang isang artista.

NOEL FERRER

Hindi rin nakaligtas si Isay sa mga nag-a-attitude na young stars na nakatrabaho niya.

Ayaw niyang banggitin ang pangalan ng naturang artista, pero hindi niya makalimutan ang hindi magandang karanasan niya rito. Ibang-iba raw sa kabaitan ni Kathryn bilang katrabaho at kaibigan.

Read: Lorna Tolentino on young stars with attitude problem: "Maldita rin ako nung araw."

YOUNG STAR WHO REFUSED TO REHEARSE WITH ISAY

Kuwento niya: “Meron kaming matinding director na very demanding.

"Ang gusto niya pag yung eksena iri-rehearse niyo nang matagal para pag nag-take perfect, and meaning to say, kailangan niyong i-memorize lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, minsan nagtutuhog yun, pagkatapos ng eksena yung tuluy-tuloy.

“So, you really have to really ano your lines, yung blocking palipat-lipat yun.

“Dahil magulo yung mangyayari sa eksena, I asked lang pag nung umalis na yung director. E, usually, di ba?

“Nasabi na sa inyo kung saan kayo pupunta, kung ano yung gagawin niyo. Pupunta na siya sa system. So, maiiwanan na kayo sa set.

“Ako, meron akong ugali na baka hindi niya type yung ganung ugali na hangga’t hindi nagti-take, kung puwede mag-rehearse muna, i-rehearse ko muna para mas swabe kung ano yung mangyayari.

“Sinabi ko dun sa artista, for example, ‘Ganda, puwede ba nating i-rehearse yung mga linya natin?’

"Sinagot ba naman ako, tinawag ba naman… for example ang pangalan ng floor director, Lina. 'O Lina, i-rehearse mo daw si Tita Isay.'

“Ano naman ang makukuha ko... of course, I can throw lines with the floor director. Pero iba pa rin yung ikaw na kaeksena kong maganda ka, e, makapag-rehearse naman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Well, ayaw niya. Nainis na lang ako sa kanya.

"Sabi ko, 'Talaga itong babaeng ito!' But anyway, hindi naman siya ganun kasikat ngayon. Kaya okay lang.”

Read: Cherry Pie Picache, imbyerna sa attitude ni young star sa senior stars

JERRY OLEA

Hindi lang sa kabataang artista nakaranas ng pag-a-attitude si Isay. Natarayan na rin daw siya ng isang beteranang artista.

Akala raw kasi ng iba ay mai-intimidate sa kanya ang kaeksena dahil taga-teatro siya. Pero nabigla raw siya sa inasal ng nakaeksena niyang beteranang aktres.

“Meron lang sigurong mga beteranang artista na nakasabay ko na medyo tinatarayan ako na hindi pa kami nagkatrabaho.

“Nagkita kami sa isang eksena, sabi niya, ‘You’re from the theater [nagmuwestrang nairap].’

"Sabi ko, ‘Ahh, opo.’

“Ay! Anyway, ayaw din niyang mag-rehearse, ayun, paulit-ulit siya.

“Hayaan na lang natin. Pero alam naman natin… taga-teatro man ako, pero pare-pareho lang naman tayong nagtatrabaho,” kuwento ni Isay.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran theater actress-singer Isay Alvarez relates experiences with a young star and a veteran actress with attitude and do not want to rehearse with her before actual take.
PHOTO/S: @isayasena on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results