GORGY RULA
Natupad ang matagal nang wish ni Gladys Reyes na makapag-hula hoop sa iba’t ibang bahagi ng London.
Nandoon pa si Gladys dahil balak pa niyang puntahan ang ibang tourists spots sa United Kingdom para makapag-hula hoop.
Read: Is Gladys Reyes Hula Hoop Queen of the Philippines?
Nakatsikahan namin si Gladys via Zoom sa DZRH noong Lunes, Mayo 27, 2024, habang nag-iikot siya sa London.
Tuwang-tuwa siyang ibinalita sa aming nakapag-hula hoop na siya sa Abbey Road, sa Tower Bridge, at sa tapat ng Buckingham Palace.
View this post on Instagram
Sabi ni Gladys, “Naisakatuparan ko dito sa London ang aking magiging ‘Gladys Knight’ yung pagiging concert queen. Pero hula hoop concert queen, ha?
“Actually, hindi ko na-pack ang aking hula hoop kasi mabigat talaga yung hula hoop. Pero luckily, meron palang naghu-hula hoop dito na mga kababayan natin. So, yun nga, sila nag-provide ng hula hoop ko.
“So, sabi ko talaga, parang isa sa mga wish ko, e, makapag-hula hoop sa isa sa mga iconic spots sa London, tulad ng Abbey Road.
"Soon, I’ll be posting also sa mismong Tower Bridge o tinatawag nilang London Bridge sa Pilipinas.
“Pero actually, Tower Bridge ang tawag nila dun. Tapos nag-hula hoop din ako habang nasa background ang Buckingham Palace, mga ganun.
“Kasi ano e, advocate tayo of fitness and hula hoop. So, inaano ko… because I wanna promote it a way to exercise and at the same time, masayang gawin.”

May iba pang lugar sa London na gusto rin daw niyang puntahan at magpasiklab ng hula hoop. Abangan na lang daw ang mga susunod na ipo-post niya sa kanyang social media account.
View this post on Instagram
JERRY OLEA
Inimbitahan si Gladys ng mga kaibigan at ang iba ay ka-brethren niya sa Iglesia ni Cristo nung nagkita-kita sila.
Marami raw sa mga kababayan natin ang gusto siyang makita, kaya pagkatapos niya sa Black Rider ay itinuloy na niya ang pagpunta sa London para mapagbigyan ang request ng ilang Filipino community doon.
“Siyempre, natapos na yung character ni Madame Sasha, pero I’m happy pa rin naman na naging part ako ng Black Rider and, kumbaga, remarkable pa rin naman yung binigay sa akin na role.
“Ang dami pa rin tumatawag sa akin dito sa London, tinatawag nila ako Madame Sasha. Tinatanong nila ako, hindi ka na ba babalik Madame Sasha, sabi nila sa akin. 'Hindi ka na ba babalik sa Black Rider?'” saad ni Gladys.
Read: Black Rider star Gladys Reyes "invades" Batang Quiapo night at Jaclyn Jose's wake
MOTHER-AND-SON BONDING IN LONDON
Pero ang ikinatuwa ni Gladys ay nakapag-bonding sila sa London ng panganay niyang anak na si Cristophe Sommereux.
Lahat na mga anak nina Gladys at Christopher Roxas ay French passport ang hawak, kaya madali lang daw sa kanila ang pumunta ng Europe.
Si Christophe lang daw ang pumuwede dahil magga-graduate na ang iba niyang anak. At ang nakakatuwa pa raw ay nakapagpakitang-gilas ang anak niya sa galing nito sa pagkanta.
View this post on Instagram
“Unang-una, first time niya to be here sa UK, tapos London pa. He’s a fan of Beatles, kaya excited siya to come here with me. Kaya isinama ko siya.
“Alam mo si Cristophe, ang na-realize ko sa bonding namin as magnanay, kasi parang two-in-one na, bonding na rin, kasi parang nagpasaya kami dito sa mga Filipino communities.
“Parang siya nga yata ang mini me ko dahil he’s a people person. Tapos parang nagta-transform siya when he performs, e.
“Pag nasa stage na siya, talagang all-out. Nakakatuwa lang kasi nae-enjoy niya ang pag-perform.
“In-enjoy talaga namin ni Cristophe dito. Actually, punta kami ng Liverpool, dahil nga alam mo na, gusto niya yung history ng Beatles, ganyan.
“Ang daming nag-request, kasi nung nakita nila yung mga videos namin, nanghinayang sila na hindi sila nakapunta,” sabi pa ni Gladys.
Read: Gladys Reyes, Christopher Roxas celebrate 20 years of marriage
NOEL FERRER
Pagbalik ni Gladys ng bansa ay baka matuloy na siya sa paggawa ng pelikulang gustung-gusto niyang gawin.
Nagulat lang daw siya dahil akala ng iba ay ipapasok siya sa Kapuso afternoon dram series na Abot-Kamay Na Pangarap bilang kontrabida.
Pero ipinasok na si Pilar Pilapil bilang bagong kontrabida sa Abot-Kamay Na Pangarap, pagkatapos namatay ang karakter na ginagampanan ni Pinky Amador.
Nagtataka raw si Gladys kung bakit tina-tag siya sa afternoon drama na ito ni Jillian Ward.
“Tina-tag lang naman ako ng mga fans. Nakakatuwa naman na parang they want to consider me to be the next villain sa Abot-Kamay dahil ang tagal na rin ng Abot Kamay.
“Of course, I would love to work with Jillian again, dahil ang batang yan, napaka-talented, napakagaling, and probably with Richard Yap ano first time na na… if ever lang naman, no? Pero wala pa naman so far. Nagulat lang ako sa mga fans.
“Even si Direk LA Madrilejos, tinag niya ako. Nakakatuwa. Kaya sabi ko, 'Anong ibig sabihin nito, Direk?' 'Ahh, hindi, ang daming nagre-request, sabi niya.' Sabihin nga raw niya,” natatawang tsika ni Gladys.
Napapanood ang mga video at posts ni Gladys sa social media at aliw ako at kasama ang kanyang anak na performer din.
Sayang din lang na wala si Gladys dito sa graduation ng isa pang anak niya, pero ang asawa niyang si Christopher Roxas ang umasikaso naman.
At nami-miss na natin ang London, sana makabalik tayo roon soon!
