JERRY OLEA
Star-studded ang 72nd FAMAS Awards noong Mayo 26, 2024, Linggo, sa Manila Hotel kung saan nagkasama-sama sina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Coco Martin, Alden Richards, Piolo Pascual, at Kathryn Bernardo.
Read: 72nd FAMAS: Kathryn Bernardo, Piolo Pascual, Alfred Vargas win top acting honors

Pero mas pinag-usapan ang pambabastos sa beteranang aktres na si Ms. Eva Darren, na nagbayad ng PHP20,000 para sa apat na plato pero pinalitan pa rin bilang presenter sa awards ceremony.
Read: Veteran actress Eva Darren, dinisrespeto sa 72nd FAMAS Awards?
AKTOR STATEMENT ON EVA DARREN-FAMAS ISSUE
Naglabas ng mensahe ang AKTOR (League of Filipino Actors) kaugnay sa usaping ito ngayong Mayo 28, Martes ng hapon, sa Facebook.
Ang kabuuan ng kanilang mensahe: “An awards night is a moment of celebration, extending beyond mere victory and trophies. It serves as a gathering for the entire community, offering a chance to unite and acknowledge the talents and artistry of each member.
“It is ironic that the event last Sunday, which was supposed to honor the iconic pillars of the country, was marred by an unfortunate incident that happened to one of our respected and beloved peers during a celebration with industry members at one of the oldest award-giving bodies.
“We are deeply saddened by the seeming lapse in the management of the program.
“While acknowledging shortcomings in execution, our aim is to underscore the broader culture surrounding award ceremonies. We aspire to revive the genuine essence of these events and bring back the glory of these gatherings, by fostering intimate celebrations that embrace every individual without fear of exclusion and discrimination. Now, more than ever, it's crucial to safeguard and honor the Filipino film industry, restoring both respect and authenticity to its events.
“AKTOR, the League of Filipino Actors, extends its warmest support and solidarity to Ms. Eva Darren.”

FAMAS TO REIMBURSE EVA DARREN'S PAYMENT?
Ayon sa reliable source ng PEP Troika, ang best actress na si Kathryn Bernardo (A Very Good Girl) ay hindi nagbayad ng plato.
“Nag-stay sa isang room si Kathryn. Kaya nang tawagin ang name niya bilang best actress, sa backstage siya nanggaling,” kuwento ng source ng PEP Troika.
“Nagulat nga si Kathryn dahil marami pa ring tao kahit late na.”
Marami ang nagsasabing dapat i-reimburse ng FAMAS ang PHP20,000 na ibinayad ni Ms. Eva para sa apat na plato — para sa kanya at tatlo niyang mga apo. Ire-reimburse kaya iyon ng FAMAS?
Read: FAMAS apologizes to veteran actress Eva Darren
NOEL FERRER
Facebook post ni Rita Avila noong Mayo 27, Lunes, “The feelings of Ms. Eva Darren and family are understandable. Totoo naman! I am glad that her son posted about it.
“And I agree a 100% to the comments that said: ‘Inimbita ka, ikaw pa magbabayad ng meal mo?’ ‘Nananahimik ka tapos iimbitahin ka, gagastos ka mula sa damit, make up, gasolina hanggang sa pagkain mo para ano? Para sa NINGNING?’
“Si Ms. Eva Darren ay pumunta DEFINITELY hindi para sa NINGNING pero dahil NIRESPETO nya ang imbitasyon. NIRESPETO BA SHA?
“Kahit naman sa mga MEDIACON/PRESSCON, invited ang cast, nagbihis, nag-ayos, gumastos sa gasolina para lang magmukang tanga ang marami. Mga bida naman ang gustong interviewhin ng press eh di sana mga bida na lang ang mag-attend di ba?
“Dapat sa showbiz eh tayo ang mag-alagaan sa isa’t isa. Tayo ang magbigay respeto sa isa’t isa. Tayo ang magbigay dignidad sa isa’t isa.”
Ngayong Martes ay nag-post si Rita ng litrato nila ng beteranang aktres na si Perla Bautista.
Ang caption ni Rita, “Ms. Perla Bautista!!! She was supposed to receive an Icon Award from Famas but begged off due to personal reasons. No intruiging reason naman, OK?
“So happy Kate, dog Uriela and I visited her today. Ang ganda pa rin nya!”
Ang best supporting actress ng 72nd FAMAS ay si Gloria Diaz (Mallari).
Noong Linggo ng gabi ay nag-stay si Gloria sa lamay ng namayapa niyang manager na si Leo Dominguez doon sa St. Alphonsus Chapels sa Magallanes, Makati City.
Read: Leo Dominguez, veteran talent manager, dies
May epekto kaya ang Eva Darren issue sa nalalapit na Gawad Urian, The Eddys, at Star Awards for Movies?
GORGY RULA
Maganda sanang napagsama-sama ng FAMAS ang mga beteranong artista at mga nasa kasalukuyang henerasyon. Nandiyan pa rin ang paggalang nila sa pinakamatandang award-giving body.
Pero naging commercial na at pinagkakitaan na ang FAMAS ng grupong may hawak nito.
Sana, makabawi sila sa susunod na taon dahil naging maganda naman ang takbo nito nung hinawakan ng National Artist na si Ricky Lee.
Read: FAMAS, nagbabagong-bihis sa pangunguna ni Ricky Lee; indie films, dinomina ang nominasyon
Kaya sa ngayon, ang mga Manunuri pa rin ang iginagalang ng karamihan dahil hindi ito naging commercial. Hindi sila humihingi ng sponsorship, at napagkasya lang nila ang kung anong meron sila at sa tulong na rin ng ibang grupo at kumpanya na naniniwala sa Urian.
Pero teka lang po. Tinabunan na ng ingay ng FAMAS ang mainit pa ring pinag-usapang pagkapanalo ng morena beauty na si Chelsea Manalo sa Miss Universe Philippines.
Na-eclipse agad ng FAMAS ang naispatang pamamasyal nina Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa South Korea.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea
Hindi na rin napag-ukulan ng tamang pagpupugay ang pagpanaw ng Hari ng Komiks at nagpauso ng massacre films na si Direk Carlo J. Caparas.
Read: Carlo J. Caparas dies at 80
Maghintay na naman tayo ng mas mainit na iskandalo para makalimutan ang ginawa ng FAMAS kay Ms. Eva Darren.
