PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lani Mercado at Bong Revilla, nagbigay-pugay kay Carlo J. Caparas

Carlo J. Caparas, "nagparamdam" kay Cory Quirino
by PEP Troika
Published May 26, 2024
lani mercado bong revilla carlo j. caparas
Lani Mercado and husband Bong Revilla pay tribute to the late writer-director Carlo J. Caparas (right photo, with shades).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Bong Revilla Facebook

GORGY RULA

Si Cory Quirino ang guest speaker sa Gala night ng Rotary Club of Aseana Manila na ginanap sa Great Eastern Hotel noong Mayo 25, 2024, Sabado ng gabi.

Nagbigay siya ng inspirational message tungkol sa women empowerment. Ibinahagi niya ang kanyang karanasan nang na-kidnap siya noong September 23, 1995.

Read: Cedric Lee found guilty of kidnapping daughter with Vina Morales

cory quirino rotary club
Cory Quirino (center) with the officials of Rotary Club of Aseana Manila
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

THE CORY QUIRINO MOVIE

Ikinuwento niya kung paano nabuo ni Direk Carlo J. Caparas ang movie project tungkol sa pagka-kidnap sa kanya. Isinapelikula ito noong taong 2003 na pinamagatang The Cory Quirino: NBI Files na isinulat at idinirek ni Carlo J.

the cory quirino movie

Isinalaysay ni Cory Quirino kung paano nila napili si Ara Mina na magbida sa pelikulang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa TV host at manunulat, si Ruffa Gutierrez ang first choice nilang gumanap, pero nabuntis daw ang aktres.

Ang susunod daw na pinili nila ay si Dawn Zulueta, pero ayaw raw payagan ng asawang si Anton Lagdameo.

Hanggang sa nag-decide silang kunin si Ara Mina, na best actress sa MMFF 2002 para sa pelikulang Mano Po.

Ibinahagi ni Cory na meron siyang idinadasal noong na-kidnap siya at naniniwala siyang ito ang nagsalba sa kanya. Hindi raw nawala ang pananalig niya sa Panginoon noong hawak pa siya ng kidnappers.

Kaya hiniling daw niya kay Direk Carlo J. Caparas na dapat ay ilagay sa pelikula ang panalanging ginawa niya noong na-kidnap siya.

Read: Man who went missing for 28 years found in neighbor’s house

Noong panahong iyon ay nakilala si Direk Carlo J. sa massacre movies, tapos ang pelikula niya ay merong panalangin. Mahaba ang kuwento niya tungkol sa pelikula nila ni Direk Carlo Caparas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagkaupo ni Cory ay ibinalita ni Cong. Lani Mercado-Revilla sa kanyang baka hindi pa niya alam na pumanaw na si Dirrk Carlo J. Caparas.

Kinilabutan si Cory nang ipinarating namin sa kanya ang balitang ito. Hindi raw niya alam, bakit tungkol sa pelikulang ginawa nila ni Direk Carlo J. ang ibinahagi niya sa kanyang inspirational speech.

Sa tingin daw niya ay nagparamdam si Direk Carlo J. Caparas. Kaya tinanong niya kami kung saan ito nakaburol para makapunta raw siya.

Read: Veteran director Carlo J. Caparas dies at 80

JERRY OLEA

Si Congresswoman Lani Mercado ang isa sa awardees sa gala night ng Rotary Club of Aseana Manila.

Siya ang ginawaran ng medal of honor bilang Outstanding Public Servant of the Country.

lani mercado rotary club
Congresswoman Lani Mercado was awarded by Rotary Club of Aseana Manila with medal of honor as an Outstanding Public Servant of the Country.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LANI AND BONG SADDENED BY CARLO'S PASSING

Ayon kay Cong. Lani, nalungkot sila ni Senator Bong Revilla nang nabalitaan nila ang pagpanaw ng beteranong manunulat at direktor na si Carlo J. Caparas.

Kaagad na nagpadala ng bulaklak si Senator Bong sa pinagburulan kay Direk Carlo sa Golden Haven Memorial Chapels sa Las Piñas.

Sabi pa ni Cong. Lani, itinuturing ni Senator Bong na mentor si Direk Carlo J.

“Yung movie na pinagtambalan namin ni Senator Bong Revilla, Sa Dibdib ng Sierra Madre [1985], was directed and written by Direk Carlo J. Caparas.

“Yung Dugong Buhay [1983] na launching ni Bong with his dad [Ramon Revilla Sr.] sa Viva Films was a Carlo J project, written and directed by Carlo J. Caparas…"

dugong buhay poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Cong. Lani, “Constantly tumatawag si Senator Bong kay Direk Carlo for advice, lalo na nung… he would send messages to Direk Carlo and gets advice for what project he should do.

"Kasi sabik nun siya makabalik sa pelikula after his incarceration sa Camp Crame, di ba? So, tumatawag siya kay Direk Carlo.

“Parang mentor niya, kasi first movie niya si Direk Carlo na, e.

“Kinikilala ko ang mga likha ni Direk Carlo mula sa mga komiks na ginawa niya, sa mga scripts na ginawa niya.

"Yung series na ginagawa nila with Philippine Charity Sweepstakes before with Donna Villa, ano siya, e… malikhain siya.”

RECOGNITION FOR CARLO J. CAPARAS

Kaya ang mungkahi ni Cong. Lani na sana ay bigyan ng pagkilala si Direk Carlo J. Caparas sa mga naiambag nito sa entertainment industry.

“He’s a very good writer. Malalim ang kanyang paglikha ng mga pelikula, mga obra niya. Saludo ako sa kanyang mga gawain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s sad to say nga na we found out na siya ay sumakabilang buhay na. So, pakikiramay po sa pamilya ni Direk Carlo J. Caparas.

“We lost another institution in the industry. And sana bigyan siya nang pagkilala, kahit papano, sa lahat na mga ginawa niyang obra, mapa-komiks, mapatelebisyon, mapapelikula,” dagdag ni Cong. Lani.

BONG REVILLA ON CARLO J. CAPARAS'S DEATH

Ang Facebook post ni Senator Bong ngayong Mayo 26, Linggo, “Isang malungkot at madamdaming pamamaalam sa isang taong aking tinitingala at itinuturing na mentor — Direk Carlo J. Caparas — sa kanyang pagpanaw.

“Mula sa aking launching movie na Dugong Buhay hanggang sa Panday, kinikilala ko ang lahat ng iyong paggabay Direk. Hindi ako magiging isang Bong Revilla kung wala ka.

“We have all lost a great creative mind. Hindi matatawaran ang iyong naging papel sa pagpapalaganap at paglago ng kulturang Filipino — mula sa paglikha ng mga kuwento, mga karakter, mga sinubaybayang komiks, at sa mga pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Our culture is vastly richer because of you.

“Maraming salamat sa lahat Direk!

“Rest in peace!”

NOEL FERRER

Wala pang inilalabas na detalye ang pamilya ni Direk Carlo Caparas kung kailan at ano ang dahilan ng pagpanaw nito.

Pero ayon sa nasagap ng PEP Troika, noong Biyernes ng umaga Mayo 23, raw pumanaw si Direk Carlo Caparas sa UST Hospital, kung saan meron siyang doktor na anak sa naturang hospital.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinugod daw si Direk Carlo sa hospital noong Mayo 19, Linggo, dahil sa pneumonia. Hindi na idinetalye ng aming source kung gaano ito kalala at kung ano pa ang nangyari. Pero hindi ito nalagpasan ng direktor at pumanaw siya noong Biyernes.

Noong Sabado ng hapon, Mayo 25, ay dinala na ang mga labi ni Direk Carlo sa Golden Haven Memorial Chapels sa Las Piñas.

Hindi inilagay sa directory na nakaburol doon ang manunulat at direktor. Tila itinatago muna nila ito sa mga tao.

Mga pamilya lang ang nasa unang araw ng burol nito, at bukas, Mayo 27, pa nila bubuksan ang burol para sa mga gustong makiramay.

Finally, magsasama na ulit sina Direk Carlo at Donna Villa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lani Mercado and husband Bong Revilla pay tribute to the late writer-director Carlo J. Caparas (right photo, with shades).
PHOTO/S: Gorgy Rula / Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results