PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Showbiz couple, nagbunga na ang pag-career magka-baby

Aktres, kumpirmadong buntis sa panganay nila ng asawang aktor.
by PEP Troika
Published May 25, 2024
blind item celebrity couple
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Kinumpirma sa PEP Troika ng isang taong malapit sa kilalang showbiz couple na nagdadalantao na raw si Aktres.

Nung na-check ko ang Instagram account ng mag-asawa, wala pa silang ipin-post o kahit tipong teaser sa magandang balitang ia-announce.

Pero mukhang may ilang taong malapit sa kanila na tila alam ang kalagayan ni aktres, kaya may nagko-comment na ng “baby reveal pls.”

Itong pagbubuntis na kaya ni Aktres ang tinutukoy niya?

Sinabi naman ni Aktor sa mga nakaraang interviews na kakarerin daw nilang mag-asawa na magka-baby. Kaya magandang balita ito para sa kanila at sa buong pamilya.

Ayon sa ilang napagtanungan namin, masyado pang maaga na i-announce kaya tahimik muna sila.

Hindi lang sure ang aming source kung apat o limang buwan na ang ipinagbubuntis ni Aktres. Kaya abangan na lang daw ang kanilang announcement kapag okay na okay na ang kalagayan ni aktres.

Ngayon pa lang ay binabati na namin ang mag-asawa ng congratulations at hangad namin ang safe na pagbubuntis ni aktres. Sana talaga!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Good news ito, na ikinatutuwa natin. Lalong titibay ang samahan ng showbiz couple sa pagkakaroon ng supling.

Masaya tayo na may ganitong balita. Mabigat kasi sa dibdib iyong mga kaganapan sa mga araw na ito.

NOEL FERRER

Mukhang tama ang bulong sa atin ng ibong on the family way.

Igalang na lang natin ang tiyempo nila katulad ng isa pang showbiz couple na nagdadalantao ang aktres for the first time.

Swerte raw ang pagkakaroon ng baby… lalo pa’t masasaya at handang-handa ang mga magulang nitong mga isisilang na nilalang na ito!

Ipagdarasal natin ang dalawang pamilyang ito!

At oo, expect nating maging mabuting mga anak at magulang ang mga nasa balitang ito!!!

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results