PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nora Aunor, wala sa special screening ng Bona sa Cannes

NCCA at MET, nagbigay-pugay sa kaarawan ni Nora Aunor.
by PEP Troika
Published May 21, 2024
nora aunor in bona
The remastered version of the 1980 film, starring National Artist and Superstar Nora Aunor, will have a special screening in the ongoing Cannes Film Festival. Unfortunately, Nora was not be able to attend the special screening because of her health.

JERRY OLEA

Ika-71 kaarawan ng National Artist na si Nora Aunor ngayong Mayo 21, Martes.

Ayon sa super-Noranian na si Rodel Ocampo Fernando, walang birthday celebration si Ate Guy today.

Read: Superstar at National Artist Nora Aunor: “Pulubi pa rin ako hanggang ngayon!”

Ifinorward ni Rodel sa PEP Troika ang Mensahe ng Taus-Pusong Pasasalamat ni Nora kaugnay sa pagpapalabas sa Cannes ng remastered version ng pelikulang Bona (MMFF 1980), na iprinodyus at pinagbidahan niya, sa direksiyon ng National Artist na si Lino Brocka.

bona poster
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NORA AUNOR'S STATEMENT

Pahayag ni Nora: “Bago ko pa man ipagdiwang ang aking nalalapit na kaarawan, isang napakagandang regalo na po ang ating natanggap at lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng sumusuporta at natutuwa sa pangyayaring ito.

“Tinutukoy ko po ang restoration ng ating pelikula BONA , at ang muling pagpalabas nito bilang bahagi ng CANNES CLASSICS ngayong ika 77 edisyon ng Festival de Cannes sa France. Nakakatuwa po na makalipas ng apatnaput tatlong taon, muling nagkakaroon ng panibagong buhay at lakas ang pelikulang ito na ating pinagbidahan at prinodus noong kasagsagan ng ating matagumpay na karera.

“Tinatanaw ko ang malaking utang na loob sa mga kapwa artista ko sa nasabing pelikula, sa mga staff and crew, sa buong creative at business teams at kay Direk Lino Brocka, na maituturing na isang dakilang henyo ng pinilakang tabing hindi lamang ng ating bansa, kundi ng buong mundo.

“Siyempre nagpapasalamat ako sa mga nanguna ng restoration ng pelikulang ito at sa mga cineaste sa Europa at Amerika na sumusuporta sa Bona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpapasalamat rin po ako sa aking mga fans, ang mga nananatiling tapat at masugid na mga Noranians na laging nakaabang at nagpapasalamat sa anumang gantimpala at parangal na ating natatanggap.

“Nagpapasalamat din po ako sa mga tao at ahensyang nagpaabot ng kanilang interes na tulungan tayo upang makadalo sa Cannes, ngunit hindi po talaga kakayanin ng inyong abang lingkod ang haba ng biyahe.

“Hindi po ako pinayagan ng ating doktor dahil sa maselang kondisyon ng ating kalusugan. Anuman, ipinapasalamat ko na rin lang na sa ngayon napakainit ng pagtanggap sa ating pelikulang Bona.

“Nagpapasalamat po ako sa mga reporters, sa media, dito at sa abroad, sa mga kritiko at sa mga vloggers at sa mga nag-share at naglike ng mga social media posts tungkol sa Bona.

“Asahan po ninyo na inaayos na po natin na maipalabas rin ang restored version ng pelikula sa Pilipinas at sisikapin rin nating muli itong maipalabas sa iba pang panig ng Asya partikular sa Japan, Singapore at Hongkong, dahil na rin sa tayo pa rin po ang may hawak ng rights para sa area ito. Ipagdasal po natin na maging matagumpay ang mga planong ito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Totoong may sariling buhay ang anumang likhang-sining, tulad ng pelikulang Bona. Nagpapatuloy ang mga pelikula natin na hanapin ang iba’t ibang panahon at audience. Kaya nga natutuwa ako dahil sa pamamagitan ng bagong restored na Bona, sana’y mas dumami pa ang makapanood nito at maiparating pa rin ang mensahe ng pelikula na nanatiling totoo sa ngayon.

“Ang mensahe ni Bona ay mensahe ng pagpapalaya sa sarili. Totoo malilito tayo, madadala sa silaw ng ating mga iniidolo, ngunit lagi nating tandaan na higit sa iba, kailangan lagi nating titingnan at aalagaan din po ang ating mga sarili.

“Gusto ko pong isipin na sa mga bagong manonood, lalo na sa mga kabataan natin, na may makikita silang mga magagandang aral sa pelikulang ito at sana’y maging panawagan rin ito sa mga producers na patuloy na lumikha ng makabuluhang pelikula.

“Huwag lamang po sanang tumaya sa mga tumatabo sa takilya, higit sa lahat, kailangan po nating magtulungan, tumaya sa mga bagong talents, pakinggan ang iba pang kuwento, ang mga kuwentong katulad ni Bona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Maraming salamat po, Dyos mabalos sa lahat at mabuhay ang pelikulang Filipino!”

Nasa cast din ng Bona sina Phillip Salvador, Raquel Montesa, Rustica Carpio, Marissa Delgado, Venchito Galvez, Ruby Ruiz, Joel Lamangan, Spanky Manikan, Archi Adamos, at Nanding Josef.

nora aunor phillip salvador bona
Nora Aunor and Phillip Salvador in a scene from Bona

Sa interbyu ko kay Direk Adolf Alix Jr. kamakailan, ibinalita niyang pumayag na si Nora na gawin ang sequel ng Bona. If ever, co-star dito ni Nora ay si Sid Lucero.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nora Aunor, pumayag gawan ng sequel ang classic film niyang Bona

GORGY RULA

Bilang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ay nasa Cannes ang multi-awarded scriptwriter-director na si Jose Javier Reyes.

Facebook post ni Direk Joey recently, “Finished screening the restored version of BONA at the Cannes International Film Festival proving once and for all that NORA AUNOR and LINO BROCKA are indeed the PHILIPPINE NATIONAL ARTISTS for Cinema.

“Forty years after its showing, the genius of Brocka as a Filipino filmmaker and Aunor as a masterpiece of an actress remain unquestioned and celebrated.

“Mabuhay ang mga Pambansang Alagad ng Sining.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang pagbati ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) kay Nora today sa Facebook: “Greetings to National Artist Nora Aunor on her 71st birthday!

“Nora Aunor, the ‘Superstar’ has an extensive filmography — 170 films — is exceeded only by the number of awards and citations she has received from local and international organizations.

“In 1972, her performance in And God Smiled at Me earned her a Best Actress trophy at the Quezon City Film Festival.

"In 1976, she bagged her first Best Actress victories at the Gawad Urian and FAMAS for Tatlong Taong Walang Diyos.

“In 1990, she scored a grandslam: all of the five award-giving bodies — Urian, FAMAS, FAP, MMFF and PMPC — gave her the Best Actress trophy for her performance in Gil Portes’ Andrea, Paano ba ang Maging Isang Ina?.

“In television, Aunor starred in her own musical-variety show that ran for over two decades. She conquered the stage, performing in two major productions of the Philippine Educational Theater Association (PETA).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In 1992, Aunor was elevated to the FAMAS Hall of Fame. She was given the FAP Lifetime Achievement Award the following year.

“And in 1999, she was one of the recipients of the Centennial Honors for the Arts, given by the Cultural Center of the Philippines to 100 Filipinos who have made significant contributions to culture and the arts in the 20th century.”

Read: Nora Aunor finally gets elusive National Artist for Film recognition

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MET ON NORA'S BIRTHDAY

Pagbati naman ng MET sa FB: “Binabati ng Tanghalang Metropolitan ng Maligayang Kaarawan ang nag-iisang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining para sa Pelikula at Broadcast, Nora Aunor.

“Si Nora Cabaltera Villamayor ay mas kilala bilang si Nora Aunor, isang Pilipinong artista, recording artist, at producer ng pelikula. Bukod sa pelikula, siya ay lumabas rin sa ilang mga stage play, palabas sa telebisyon at konsiyerto sa loob at labas ng ating bansa.

“Si Nora Aunor ay ang nag-iisang Filipino actress na nanalo ng tatlong sunud-sunod na best actress award sa Film Academy of the Philippines noong 1989,1990, at 1991.

“Siya rin ang nag-iisang Filipino actor na nakakuha ng pitong Metro Manila Film Festival best actress awards at ang unang aktres na kinoronahan bilang ‘Box Office Queen of Philippine Cinema’ taong 1971.

“Noong 2022, ginawaran si Nora Aunor ng The Order of National Artists of the Philippines for Film and Broadcast Arts, kasabay ng pagdiriwang ng ika-50 taon ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ilan sa mga pelikula ni Nora Aunor ang ipinalabas sa Tanghalang Metropolitan at tinangkilik ng kanyang mga tagahanga at mga bagong henerasyon ng kabataan na ninanais matunghayan ang kanyang galing sa pagganap ng iba’t ibang karakter sa larangan ng pelikula.

“Muli, Maligayang Kaarawan sa nag iisang Superstar at Pambansang Alagad ng Sining, Nora Aunor. Panalangin namin ang iyong kaligayahan at mabuting kalusagan mula sa Tanghalang Metropolitan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The remastered version of the 1980 film, starring National Artist and Superstar Nora Aunor, will have a special screening in the ongoing Cannes Film Festival. Unfortunately, Nora was not be able to attend the special screening because of her health.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results