GORGY RULA
Sinuportahan ni Gabbi Garcia ang nobyong si Khalil Ramos sa premiere night ng pelikulang Fuchsia Libre na ginanap sa Cinema 4 ng SM Fairview noong Lunes, Mayo 13, 2024.
Read: How Gabbi Garcia and Khalil Ramos handle their nearly seven-year relationship
Tinanong namin ang magkasintahan kung nape-pressure ba sila sa mga balitang nag-break na showbiz couples, yung ibang engaged na ay hindi pa natutuloy ang kasal.
Pinag-uusapan na ba nila ang kasal?
“Lagi na lang nga kaming abay sa kasal!” natatawang pahayag ni Gabbi.
Mas gusto raw nilang tahimik na lang at kung ano man ang plano nilang dalawa, mas mabuting sa kanila na lang daw muna ito.
Sabi ng Kapuso actress, “Kasi kaming dalawa, for the past seven years, very tahimik naman talaga yung relasyon namin.
"Parang hindi naman kami masyadong maintriga pagdating sa love life.”
Ayon naman kay Khalil, “We do talk about it naman, you know. It’s something that we hope to the both of us.
"Pero, yeah! Kagaya nga ng sinabi ni Gab, if it happens, sa amin na muna yun."
Showing na ang Fuschia Libre ngayon sa mga sinehan.
Read: Gabbi Garcia and Khalil Ramos reveal secret to six-year relationship
KHALIL RAMOS ON FUCHSIA LIBRE
Maganda ang role at magaling si Khalil sa Fuchsia Libre. Siya ang gumanap sa papel na Patron, ang lider ng parang sindikato ng underground na laban ng wrestlers na sinalihan ng bading na si Fuchsia Libre (Paolo Contis).
View this post on Instagram
Sabi ni Khalil, updated si Gabbi habang sinu-shoot niya ang Fuchsia Libre dahil pinapadalhan niya ito ng footage ng ilang kuha niya sa pelikula.
Tuwang-tuwa raw si Gabbi na parang nakukulitan sa kanya.
“Sobrang nag-enjoy ako, more than anything, it was, like, going back to my high school self kasi napakakulit nung character.
“There was challenge, pero medyo madali ko siyang napuntahan,” pakli ni Khalil.
Excited daw si Gabbi na mapanood ang kabuuan ng pelikula.
JERRY OLEA
Excited sina Gabbi at Khalil sa malaking project na pagsasamahan nila, pero hindi pa raw iyon puwedeng i-reveal.
“Hindi pa namin… wala pa e. Baka magbayad ako. Hindi puwede. Soon!” bulalas ni Gabbi.
Itong project ang dahilan kaya hindi tumuloy si Gabbi sa drama series na Widow’s War ng GMA-7.
“Kaya hindi kami naka-commit agad kasi talagang nag-conflict yung schedule. Nagkasabay. Sayang,” dagdag niya.
Hindi rin muna nagbigay ng detalye si Gabbi tungkol sa partisipasyon niya sa Sang’gre.
Lumabas na sa TikTok at X nung Martes ang make-up transformation ni Gabbi bilang si Alena.
“Actually, open naman sina Direk Mark [Reyes] about it. They’ve been talking about it.
“And yes, pero hindi pa namin puwedeng sabihin kung paano siya papasok. Pero definitely, magkakaroon ng participation. Exciting,” napapangiting pahayag ni Gabbi.
Read: Faith Da Silva, Angel Guardian, Kelvin Miranda join Bianca Umali in Encantadia Chronicles: Sang'gre
NOEL FERRER
Meron ding naka-lineup na gagawin ni Khalil sa GMA-7, pero pinag-uusapan pa lang.
Ang wish ni Khalil, sana ay makagawa siya ng isa pang project sa theater ngayong 2024.
Siyanga pala, maliban sa Fuchsia Libre ay may anim pang bagong bukas na pelikula sa local cinemas umpisa Mayo 15.
Ang mga ito ay Isang Gabi, IF, Monkey Man, Sting, A Southern Haunting, Back To Black, at HAIKYU!! The Dumpster Battle.