PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis at Yen Santos, hiwalay na nga ba?

Paolo Contis, tinanong ng press kung sila pa ni Yen Santos.
by PEP Troika
Published May 14, 2024
Paolo Contis and Yen Santos rumored breakup
Paolo Contis on real score with Yen Santos: "Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment."
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram

GORGY RULA

Pawang “no comment” lang ang sagot ni Paolo Contis sa sunud-sunod na tanong namin tungkol sa kanila ni Yen Santos.

Read: Paolo Contis, pagod na sagutin kung break na sila ni Yen Santos

Safe na safe ang mga sagot ni Paolo nang sandali namin siyang nakapanayam sa red-carpet premiere ng pelikula niyang Fuchsia Libre ng Mavx Productions.

Hindi niya kasama si Yen Santos doon sa premiere night na ginanap sa SM Fairview nung Lunes, Mayo 13, 2024. Mga co-stars lang niya na sina John Arcilla, Khalil Ramos, at ang director nilang si RC delos Reyes ang dumating sa event.

Fuchsia Libre ang pinag-usapan, pero sabi nga namin, libre naman ang magtanong. Kaya diretsahan na naming tinanong kung totoong break na ba sila ni Yen Santos.

“No comment. Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment,” mabilis niyang sagot.

Paolo Contis and Yen Santos rumored breakup

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa dinelete ni Yen ang birthday post niya kay Paolo, wala na rin itong pina-follow. Si Paolo naman ay tanging si Yen lang ang pina-follow niya sa Instagram.

Sagot niya sa ilang reporters na nagtanong sa kanya, “Dati pina-follow kita, pina-follow ko si Gorgy. Pero in-unfollow ko kayong lahat. Ang ibig sabihin ba, maghihiwalay na tayong lahat?” palusot nito.

Pero patuloy pa rin siyang kinukulit kung sila pa rin ba ni Yen, at kung okay pa rin ba ang pagsasama nila.

“Isang magandang no comment!” kaagad niyang sagot.

“As I always say, masyado na kayong maraming alam sa buhay ko. So, I’d like to keep my personal life, personal,” dagdag niya.

Presscon of the movie Fuchsia Libre: Buknoy Gonzales, director RC delos Reyes, John Arcilla, Paolo Contis, Khalil Ramos, and Milo Elmido Jr.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PAOLO CONTIS'S MOVIE WITH JOHN ARCILLA

Mas gusto raw muna niyang dito sa Fuchsia Libre na mag-focus dahil Mayo 15, Miyerkules na ang showing nito.

Excited daw siya dahil first time itong pagsasama nila ni John Arcilla sa pelikula, na pareho silang magaling dito.

“Very fun! Very entertaining. Family-oriented siya pero R13 kasi medyo bloody siya nang konti. May mga kissing scene ako.

“I’m very proud na nakasama ko sa isang full length movie si Sir John. I’m very happy.

“Very professional, very giving na actor. Kaya… sabi nga namin bitin, e. Kasi mabilis lang pag pelikula, di ba? So bitin,” sabi pa ni Paolo.

John Arcilla and Paolo Contis at the presscon of the movie Fuchsia Libre

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Paolo Contis, ipinagkibit-balikat ang pagli-link sa kanila ni Arra San Agustin

JERRY OLEA

Puring-puri rin ni John Arcilla si Paolo sa pelikulang ito. Ilang beses niyang sinabing nagulat siya sa galing ni Paolo na nagno-Nora Aunor daw sa pelikulang ito.

“Paolo Contis is such an amazing actor here. You know what? He is so versatile here.

“Kung nakita niyo yung mga trailer? Alam mo yung, 'Aba numo-Nora Aunor yung anak ko, ah?! May ganun!'

“Yung subdued lang yung acting, pero ang lalim. And then at the same time, funny.

“Alam mo yung isa lang siya sa mga actor ngayon na ang galing magtimpla ng comedy and drama, at yung pagitan nung dalawa. Iba kasi yung nagko-comedy ka lang, tapos nagda-drama lang.

“Siya, nami-mix niya yung dalawa sa gitna, na habang serious siya, may sipa ng comic, ang galing. So, isa yun sa mga kailangang hintayin ng audience,” nai-excite pang pahayag ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang wrestler na bading dito si Paolo, na nagkaroon ng conflict sa kanyang amang isang pulis.

Family movie ito, pero ang isa raw sa gustong ipakita ng pelikulang ito ay wala sa kasarian ang gustong ma-achieve na pangarap ng isang tao. Babae ka man, lalaki, tomboy, o bading.

“Gustong ipakita ng film na wala sa gender yung choice mo ng physical na… like sports, something like that. Wala yun sa gender.

“So, gustong ipakita na kahit LGBTQ member ka, puwede kang maging champion sa boxing or sa mga work ng isang tunay na lalaki. So, yun yung gustong panindigan ng pelikula,” saad ni John.

Read: Blooming bride-to-be LJ Reyes posts prenup photos with fiancé Philip Evangelista

NOEL FERRER

Sinuportahan din si Paolo nina Buboy Villar at Kokoy de Santos na sobrang bilib kay Paolo sa pelikulang ito.

Pagkatapos ng screening ay nakipagsiksikan din sina Buboy at Kokoy sa mga fans na nagpapirma kay Paolo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang idol ko yan pagdating sa acting talaga. Sana, makagawa rin ako ng ganyang pelikula,” sabi sa amin ni Kokoy pagkatapos nilang pagtripan si Paolo na nagpa-autograph sa aktor.

Sinabi na rin sa amin ni Gabbi Garcia na meron daw silang ginagawa ni Khalil na isang napakagandang project, pero hindi pa raw sila allowed na sabihin kung anong project ito.

“Pumirma kami ng NDA, baka pagbayarin pa ako!” natatawang bulalas ni Gabbi.
Kaya pala hindi niya nagawa ang Widows' War dahil sa project na ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Paolo Contis on real score with Yen Santos: "Libre naman magtanong, pero yun ang sagot ko, no comment."
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results