NOEL FERRER
Narito ang ratings noong Sabado, April 20, 2024.
Pagkatapos ng It’s Showtime, sumunod ang Abot-Kamay na Pangarap na naka-9.4%.
Ang Tadhana ay 8.3%, at ang Wish Ko Lang! ay 6.8%. Sumunod ang Pinoy Crime Stories na 6.4%.
Read: Eat Bulaga!, hindi nababahala sa pangunguna sa ratings ng It's Showtime?
Pagdating sa prime time, sinimulan ito ng 24 Oras Weekend ng GMA-7 na naka-6.6%, at ang katapat nitong TV Patrol Weekend ng Kapamilya Channel ay 0.6%. Ang Frontline Pilipinas Weekend ng TV5 ay 1.7%.
Sumunod ang Daig Kayo Ng Lola Ko na 7.1%, at ang consistent pa ring okay ang rating ng Pepito Manaloto na 10.6%, at ang katapat na The Voice Teens na 4.9%.
Pinabulaanan ng ilang napagtanungan naming matsutsugi na ang Pepito Manaloto. Marami pa rin ang tumututok dito.
Read: Michael V. quashes rumored finale of Pepito Manaloto
Ang Daig Kayo ng Lola ang mawawala kapag pumasok na ang Running Man Philippines sa Mayo 11 at 12.
Pagkatapos ng Pepito Manaloto ay na-maintain din ang mataas na rating ng Magpakailanman na naka-12.4%, at ang katapat na I Can See Your Voice ay 3%.
Ang Open 24/7 naman ni Vic Sotto ay 6.6%. Okay pa rin yun.
Pero ang lagi kong iniisip, kung totoo ngang wala nang network war at collaboration at hindi kumpetisyon ang dapat asikasuhin, bakit may ganito pa ring comparative ratings?
GORGY RULA
Kapansin-pansing mababa ang viewership ng mga programa tuwing Linggo. Medyo tumataas lang pagdating sa prime time.
Noong Linggo, April 21, ay live ang All-Out Sundays, pero naka-3.4% lang ito. Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To ay 2.4%.
Sumunod ang GMA Blockbuster na palabas ang Adik Sa Yo nina JM de Guzman at Cindy Miranda, at Sunday Blockbuster ay 3.3%.
Ang Regal Studio Presents naman ay 3.4%, at sumunod ang Resibo na naka-4%.
Pagdating sa prime time ay na-maintain na ganun pa rin ang ratings ng mga programa sa GMA-7.
Ang 24 Oras Weekend ay 5.1%. Ang TV Patrol Weekend ay 1.1%. Ang Frontline Pilipinas Weekend naman ay 1.8%.
Sumunod ang Bubble Gang na 7.8%. Ang Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis ay 9.7%.
Ang Kapuso Mo, Jessica Soho ay 16.1%, at ang The Boobay and Tekla Show ay 4.4%.
JERRY OLEA
Tuwing Sabado at Linggo, waging-wagi ang Kapuso programs, sa pangunguna ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Hopia, asado, at expectorant tayo na one of these days ay magwa-one-on-one sina Jessica Soho at Vice Ganda.
Natsismis na kesyo sisibakin na ang Pepito Manaloto.
May mga nag-akala ring magsi-season break ito alang-alang sa bagong season ng Running Man Philippines. Pero ayon sa sources ng PEP Troika ay haka-haka lamang iyon.
Ang magpapahinga muna ay ang Daig Kayo ng Lola Ko. Tuluy-tuloy pa rin ang Pepito Manaloto.
Siyanga pala, dalawa ang mananalo ng P1M grand prize sa Kapuso Bigtime Panalo ng GMA Network simula Abril 27, Sabado.
Maaaring sumali ang mga mamimimili at sari-sari store owners nationwide sa Kapuso Bigtime Panalo para sa chance silang manalo ng tumataginting na P1M.
Araw-araw ay mamimigay ng P1K cash prizes, at linggu-linggo ay P7,000 at P70,000 ang ipapamudmod.
Mahigit P8M ang kabuuang cash prizes na ipamimigay, alinsunod sa DOH-FDA CFRR PERMIT NO. 0486 S. 2024.
Tingnan natin kung tataas pa lalo ang ratings ng mga Kapuso programs kapag rumaratsada na ang Kapuso Bigtime Panalo!!!
