GORGY RULA
Bukas, Lunes, Abril 22, 2024, ay lalabas na ng hospital si Senator Bong Revilla, pagkatapos operahan ang Achilles tendon sa kanang paa niya.
Sandali naming nakausap si Sen. Bong pagkatapos niyang mag-recover sa operasyon, at aminado siyang nalulungkot dahil sa naantalang shooting ng pelikulang Birador: Alyas Pogi 4, na sinimulan nila nung nakaraang linggo.
“Nakakalungkot din, di ba? Kasi pinaghandaan ko, e. Nagpaganda ka ng katawan, nagpakondisyon ka, workout talaga. Lahat ginagawa ko, e.
"Even my work in the Senate, tinatapos ko lahat, ina-accomplish ko na before the campaign starts.
“Yun ang nakakalungkot dun, pero importante, buhay tayo, di ba?
“Parang sinabi siguro ng Diyos… o, slow down ka lang muna, masyado kang mabilis,” napangiti niyang pahayag nang dinalaw namin ito sa hospital.
Read:
Celebrities spotted at Angelica Panganiban-Gregg Homan's Siargao wedding
Angelica Panganiban, Gregg Homan wed anew in Siargao
How much it costs to stay at Inara Siargao, Angelica Panganiban and Gregg Homan's wedding venue
BONG REVILLA PLANS TO RESUME SHOOTING
Pero gusto raw talaga niyang ituloy ang shooting ng pelikula niya.
Pinag-uusapan na raw nila ng production kung paano nila ito gagawin na hindi naman masyado ma-stress ang kanyang paa.
“Yun nga! Paano ang gagawin? Kaya pinaplano na namin yung mga ibang action scenes… as is pa rin yun.
“Napakalaking pelikulang iyan. Napakaganda ng casting. Basta tuluy-tuloy. Basta kung kailan ako ready, i-shoot namin. Kung abot tayo sa festival o sa playdate na November 30, dun tayo,” dagdag niya.
JERRY OLEA
Pagkatapos ng operasyon ay tatlong linggong hindi puwedeng itapak ni Sen. Bong ang kanang paa.
“It will take some time,” pakli niya.
Kailangang na i-therapy ang kanyang paa sa loob ng tatlo hanggang limang buwan.
“Pero hindi ito magiging hindrance para hindi makapagtrabaho. Tuloy ang trabaho ko, kahit nakaganito tayo, even sa movie, ang work sa senate.
“Pero palalakasin ko muna yung Achilles heel, siyempre, yun yung tinamaan, e.
“So, ni-restore yung aking Achilles heel, naputol siya, e. Kaya medyo mahaba-haba ang recuperation,” dagdag niya.
BONG REVILLA'S MOVIE CAST
Sina Ara Mina at Epy Quizon pa lang ang nakakaeksena ni Sen. Bong sa sinimulan niyang pelikulang Birador: Alyas Pogi 4.
Pero ang dinig namin, matitindi ang line-up na cast na kinabibilangan nina Christopher de Leon, Andrea Brillantes, at Carlo Aquino.
Pero hindi pa kinumpirma kung sino ang magiging leading lady niya rito.
NOEL FERRER
The show must go on!
Responsibilidad iyan na sanay nang harapin ni Senator Bong Revilla—lalo pa’t ang dami na niyang pinagdaanang pagsubok sa buhay.
Magsilbi sana siyang example kay Kuya Ipe (Philip Salvador) na nagpo-float ang pangalan sa pagtakbo for public office, na hindi talaga madaling magbalanse ng pampersonal at pampubliko, at yung pagsesebisyo sa taong-bayan.
Nakaugat iyan sa pamilya at komunidad, bagay na naging priority na ni Senator Bong all these years.
WATCH:
