GORGY RULA:
Maganda at masayang blended family ang meron kina Sofia Pablo na masasaksihan sa kanyang debut party ngayong April 20, 2024, Sabado ng gabi, sa Raffles Hotel, Makati City.
Read: Sofia Pablo on planning her tropical-themed 18th birthday party: "Magastos po."
Ayon sa pagkaalala ni Sofia, apat na taon pa lamang siya noon ay sila na lang ng mommy niya ang magkasama, dahil hiwalay na ito sa kanyang ama.
Pero ngayong nagkaisip na siya, naintindihan na niya ang mga pangyayari at maganda raw ang kanilang samahan kahit magkahiwalay ang kanyang magulang.
Read: Sofia Pablo's new ride worth PHP1M marks end of her 'passenger princess' era
SOFIA PABLO'S DAD TO ATTEND HER DEBUT
Present sa kanyang debut ang kanyang Daddy kasama ang pamilya nito. Okay na okay raw ang Mommy at Daddy niya kahit matagal na silang magkahiwalay.
“Yung stepmom ko po kasi is really nice, and si Daddy rin po kasi, he’s not the type na parang porke’t iba na yung family, hindi na kita aalagaan, hindi na kita susustentuhan.
“He’s really a good Dad. Hindi niya po ako pinababayaan. Kapag may gusto ako, ‘Daddy I want this,’ ginagawa naman niya,” napangiting pahayag ni Sofia.
“I’m blessed po talaga that both my parents are cool. Hindi sila yung type na parang hiwalay na parents na ay hindi kami mag-uusap. Like they still talk and they’re okay po, lalo na pagdating sa akin.”

Bahagi ang Daddy niya sa 18 tropical flowers. Pang-17 ito at magti-Tiktok daw ang kanyang Daddy.
NOEL FERRER:
Ang maganda kay Sofia, hindi raw siya nakaramdam ng galit o kahit malungkot na ganun ang set-up nila.
Lumaki raw siyang ang Mommy lang talaga ang kasama niya, at malayo sa kanila ang kanyang ama.
“Like, ever since I was 4, kami lang po talaga ni Mommy. So, parang hindi naman ako lumaki talaga na may father. Hindi rin ako nanibago.
“Of course, when I was one to three years old, hindi pa naman super conscious yung mind ko na, ‘I have a Dad,’ ganun.
“So, parang lumaki po ako na sanay na yung Dad ko sa ibang bansa, may iba. Kami po talaga ni Mommy, we’re like best friends,” sambit ni Sofia.
SOFIA PABLO'S BLENDED FAMILY
Magkahiwalay man ang kanyang magulang, nakikita raw niyang okay sila para sa kanya.
“Kasi like, okay po talaga sila, e. Hindi sila yung type na ‘hindi kami magpapansinan, hindi ako sisipot!’
“Kunwari po pag may family gatherings si Daddy like kasama ko yung family sa side niya, sina lola, tito, titas, kasama po si Mommy. So, ganun po ka-open,” dagdag niya.
May ibang pamilya na ang kanyang ama, at bukas siya sa posibilidad na baka makakita rin ng panibagong pag-ibig ang kanyang Mommy.
“Okay lang po. Kasi like… never ko naman sila kinontrol na gusto ko kayo lang. Kasi I believe na anak lang naman ako.
“It’s still their life. They have the right kung gusto nilang ma-in love, kung ano ang gusto nilang gawin,” napangiting pahayag ni Sofia.
JERRY OLEA:
SOFIA PABLO'S UPCOMING SERIES
Pagkatapos ng debut party ni Sofia, sisimulan na niya next week ang taping ng bagong drama series nila ni Allen Ansay na Prinsesa ng City Jail.
Talagang pinag-aralan daw niya rito ang role niya na may pagka-jologs, at challenging daw ito sa kanya.
“Inaaral ko po talaga is how to sound sort of jeje. Since lumaki nga po ako sa tabi ng kulungan at naging barkada ko yung mga inmates.
“So, of course, very detailed na kailangang magre-reflect na… ‘ah, lumaki siya sa loob ng city jail.’ Iyon po yung challenge sa akin, kung paano ko gagawin ang ganun.
“Nag-script reading kami kahapon, sabi ni Dirrk Jerry [Sineneng], ‘Dear, you sound so sosyal pa rin. You have to make it more masa.’ So, tina-try ko po talaga.
“Bago po ito talaga e,” natatawang pahayag ni Sofia.
Take note na iyong Abot-Kamay Ang Pangarap ni Jillian Ward ay naka-500 episodes na.
Matatapatan kaya o malalampasan ng Prinsesa ng City Jail ang record ng Abot-Kamay Na Pangarap?
