PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo's Family Prefers Alden Richards?

Donny Pangilinan, naudlot ang panliligaw kay Kathryn Bernardo.
by PEP Troika
Published Apr 17, 2024
kathryn jericho jericho donny white tops
Kathryn Bernardo (extreme left) is reportedly being courted by Jericho Rosales second from left) and Alden Richards (second from right), and was also courted by Donny Pangilinan (extreme right).
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Tatlong aktor ang napapabalitang nanliligaw o pumuporma kay Kathryn Bernardo.

Sa vlog ni Ogie Diaz ay pinanindigan ng komedyante at vlogger ang tungkol sa panliligaw ni Donny Pangilinan kay Kathryn, pero naudlot daw ito.

Sumunod ay pumasok sa eksena si Jericho Rosales, na namataan kasama ni Kathryn na nag-jogging sa Marikina. Dumalo pa ang aktor sa birthday celebration ng tinaguriang Asia’s Superstar sa El Nido, Palawan.

Read: Kathryn Bernardo and Jericho Rosales spotted together on a night jog

Pero mas matunog na pinag-uusapan ang panliligaw umano ni Alden Richards kay Kathryn. Mas boto raw ang ina ng aktres na si Mommy Mhin at ang buong pamilya ni Kathryn kay Alden.

Read: Alden Richards on real score with Kathryn Bernardo: "What you see is what you get."

Sino sa kanilang tatlo ang totoong nanliligaw?

Ayon sa mga reliable source ng PEP Troika, mas true raw itong kay Jericho.

Pero kapag natatanong ang aktor tungkol dito, hindi niya ito sinasagot. Totoo bang ayaw ni Mommy Mhin kay Echo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero itong kay Alden ay hindi kaya paghahanda lang sa sequel ng Hello, Love, Goodbye?

Pagkatapos ng KathNiel, pinapalakas na ang KathDen love team.

Ayon sa nasagap ng PEP Troika, ikinakasa na ang project na ito ng Star Cinema at GMA-7.

Totoo bang inaayos na ang pagsu-shooting sa Canada? Kasi, di ba, sa ending ng kuwento ng Hello, Love, Goodbye ay pumuntang Canada si Kathryn?

So, doon na ang susunod na kaganapan, kapag matuloy ang pagsasapelikula nito.

Read: Kathryn Bernardo-Alden Richards reunion movie, sisimulan na sa August 2024

Nakorner namin si Joross Gamboa sa presscon ng Barangay Singko Panalo sa TV5 Studio sa Novaliches ngayong Miyerkules, Abril 17, 2024. Siya ang bagong ka-tandem ni Jerald Napoles bilang si Kags Jo.

Kung regular ang taping niya sa naturang sitcom at game show, paano niya maisisingit ang shooting sa Hello, Love, Goodbye?

“Ano naman e. Lahat naman magagawan ng paraan. Kung ipagkakaloob ng Diyos, e dun tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi naman… hindi ko alam. Mati-tape naman,” medyo naaalangan pang sagot ng aktor.

Naintindihan namin kung ayaw pang magsalita ni Joross tungkol dito dahil wala pang official announcement.

“Mapapag-usapan naman natin, when we get there naman. Sa ngayon pa naman… maano naman sa barangay, oo.

“Ayoko pa naman magsalita ng ano, depende pa rin naman sa kanila.

“Wala pa po akong alam masyado. Nag focus lang po ako dito sa barangay muna bilang kagawad,” natatawa nang pahayag ni Joross, na hindi na alam kung ano pa ang isasagot niya.

Read: Direk Cathy Garcia-Sampana on rumored KathDen romance: "Let's not judge or assume something."

joross gamboa finger heart

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Joross Gamboa

NOEL FERRER

Mahalaga ang role ni Joross sa orihinal na Hello, Love, Goodbye, at dahil sa proyektong ito ay naging close sila at tropa ni Alden Richards.

Bago pa man namin tinanggap ang Barangay Singko, aware ang mabait na produksiyon ng TV show na ito, sa pangunguna ni Direk Perci Intalan, na may ganung offer na sequel na Hello, Love, Goodbye si Joross.

Ang sabi lang nito ay gagawan nila ito ng paraan para makapagbangko siya ng episodes.

Mukhang solid ang grupo ni Direk Cathy Garcia-Sampana para sa sequel ng Hello, Love, Goodbye, at masaya ako para kay Joross din at parang naa-align ang sked niya sa mga magagandang bagay at proyekto na nais niyang gawin!

JERRY OLEA

Ang all-time highest-grossing Filipino film (hindi adjusted sa inflation) noon ay ang The Hows Of Us nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na ipinalabas noong Agosto 2018.

Kinabog iyon ng Hello, Love, Goodbye kung saan si Alden Richards naman ang katambal ni Kathryn. Nag-showing ito noong Hulyo 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Is Hello, Love, Goodbye now the highest grossing Filipino movie of all time?

May gagawin sana noong movie ang KathNiel, at inaasahang tatalbugan niyon ang record ng KathDen movie.

Lumaganap ang pandemya noong Marso 2020, at naudlot ang reunion movie ng KathNiel.

Nobyembre 30, 2023 opisyal na inamin nina Kathryn at Daniel na hiwalay na sila matapos ang labing-isang taon.

Read: Kathryn Bernardo confirms breakup with Daniel Padilla

Read: Daniel Padilla on breakup with Kathryn Bernardo: "Ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan."

Umariba sa MMFF 2023 ang pelikulang Rewind nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Tinaob nito ang record ng Hello, Love, Goodbye.

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Kasama si Joross Gamboa sa tatlong pinakamalalakas na Pinoy movies — Rewind, Hello, Love, Goodbye, at The Hows Of Us.

Naturalmente, nasa cast si Joross ng sequel ng Hello, Love, Goodbye na nakatakdang kunan sa Canada.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Joross Gamboa reacts to “box office lucky charm” tag of netizens

Made-develop kaya sina Kathryn at Alden sa reunion movie nila?

Di ba, dumalaw pa noon si Daniel Padilla sa shooting ng Hello, Love, Goodbye sa Hong Kong? If ever, dadalaw kaya si Jericho Rosales sa shooting ng sequel ng Hello, Love, Goodbye?

Ito bang sequel ng Hello, Love, Goodbye ay ilalahok sa 50th edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF)? If ever, mababawi kaya ng KathDen movie ang korona sa Rewind?

Andaming tanong na naglalaro sa ating isip.

Totoo rin ba ang naulinigan ng PEP Troika na pagsasama-samahin sa isang maaksiyong teleserye sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, at Enrique Gil?

If ever, bongga raw kung ang bidang babae sa teleseryeng iyon ay si Nadine Lustre.

Abangan natin ang mga susunod na kaganapan!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo (extreme left) is reportedly being courted by Jericho Rosales second from left) and Alden Richards (second from right), and was also courted by Donny Pangilinan (extreme right).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results