PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Abot-Kamay Na Pangarap's Double-Digit Ratings

Isang Kapuso show lang ang nauungusan ng kalabang programa.
by PEP Troika
Published Apr 11, 2024
jillian jo elle kapuso drama
GMA Kapuso afternoon prime continues to dominate the ratings game with Abot-Kamay Na Pangarap starring Jillian Ward (left), Lilet Matias starring Jo Berry (center), and Makiling starring Elle Villanueva (right).
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tumaas ang ratings ng ibang afternoon shows ng GMA-7 ngayong linggo.

Noong Abril 8, 2024, Lunes, ay 10.6% ang Abot-Kamay Na Pangarap.

Naka-9.8% ang Lilet Matias: Attorney-At-Law, at ang Makiling naman ay 8.2%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na 5.1%, at ang Yumi’s Cells ay 3.7%.

Waging-wagi na ang Kapuso Network sa mga panghapong programa!

Read: It's Showtime, patuloy ang pamamayagpag sa ratings mula nang umere sa GMA-7

JERRY OLEA

Noong Abril 9, Martes, tumaas ang Abot-Kamay Na Pangarap, kung saan nakaligtas sa panganib si Lyneth (Carmina Villarroel), pero meron pa ring masamang balak sa kanya si Dr. Carlos (Allen Dizon). Naka-11.3% ito.

Ang Lilet Matias ay 10.2%, na sinundan ng Makiling na 8.3% naman.

Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4.8%, at ang Yumi’s Cells ay 2.8%.

Ang Family Feud kung saan ay naglaro ang mga taga-TBATS na sina Super Tekla at Boobay ay 8.5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa prime time, ang 24 Oras ay naka-14%. Ang TV Patrol ay 2.6%, at ang Frontline Pilipinas ay 2.8%.

Sumunod ang Black Rider na 12.1%, at ang FPJ’s Batang Quiapo ay 13.9%.

Consistent na double digit ang My Guardian Alien na naka-10.4%, pero lumalaban ang katapat nitong Linlang na naka-10.2%.

Sumunod ang Asawa ng Asawa Ko na 7.2%, at ang katapat na Can’t Buy Me Love ay 6.5%.

Bukod-tanging ang Black Rider ni Ruru Madrid ang taob sa ratings. Hirap itong talunin ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

NOEL FERRER

Noong Abril 10, Miyerkules, ay mataas pa rin ang Abot-Kamay Na Pangarap na 10.9%.

Ganundin ang Lilet Matias na 10.4%, at ang sumusunod na Makiling ay 8.6%.

Sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda, kung saan special guests ang mag-asawang Ronnie Ricketts at Mariz, na naka-5.4%.

Sumunod ang Yumi’s Cells na 3.1%, at Ang Family Feud ay 8.1%.

Sa prime time naman ay naka-14.9% ang 24 Oras. Ang TV Patrol ay 2.6% at ang Frontline Pilipinas ay 2.8%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagyang tumaas ang Black Rider na naka-12.9%. Pero ang Batang Quiapo ay 14.5%.

Medyo nag-overlap ang Linlang na naka-9.7%. Pero ang My Guardian Alien ay mataas pa ring naka-10.8%.

Sumunod ang Asawa ng Asawa Ko na 6.9%, at ang Can’t Buy Me Love ay 6.5%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA Kapuso afternoon prime continues to dominate the ratings game with Abot-Kamay Na Pangarap starring Jillian Ward (left), Lilet Matias starring Jo Berry (center), and Makiling starring Elle Villanueva (right).
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results