PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MMFF 2023 movies GomBurza at Becky & Badette, namamayagpag sa Netflix

Hanggang kailan kaya mamamayagpag ang GomBadette sa Netflix?
by PEP Troika
Published Apr 11, 2024
gomburza becky & badette
GomBurZa, starring Cedrick Juan (left), and Becky & Badette, starring Eugene Domingo and Pokwang (right), currently hold the Top 2 spots in Top 10 Movies on Netflix.

JERRY OLEA

GomBadette sa Netflix!

Nangunguna ang GomBurZa sa Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix, at pangalawa ang Becky & Badette.

Ang GomBurZa at Becky & Badette ay parehong official entry sa 49th Metro Manila Film Festival, kung saan topgrosser ang Rewind.

Nasa Top 10 Movies pa rin ng Netflix PH ang Rewind, sa ikapitong puwesto.

Tatlong Pinoy movies ang nasa Top 10. At ang top 2 movies ay parehong gawang-Pinoy.

Ang GomBurZa ay nag-umpisang mag-streaming noong Abril 9, 2024, Martes, Araw ng Kagitingan.

Read: GomBurZa as OG of Pinoy pride and identity

Antabayanan natin kung hanggang kailan ang GomBadette sa trono.

Tatlo pang pelikulang Pilipino ang kasado nang mag-streaming sa Netflix.

Streaming na sa Abril 12, Biyernes, ang A Journey nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia.

a journey poster

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abril 18 ang streaming ng MMFF 2023 entry nina Derek Ramsay at Beauty Gonzalez na Kampon, at Abril 24 ang streaming ng horror comedy nina Empoy Marquez at Kim Molina na My Zombabe.

Samantala, parehong likhang-Koreano ang Top 2 TV Shows sa Netflix PH, ang sci-fi na Parasyte The Grey, at ang romcom na Queen of Tears.

Ang pangatlo ay ang Japanese animé na 7th Prince, na ang buong title ay I Was Reincarnated as the 7th Prince So I Can Take My Time Perfecting My Magical Ability.

Ang isa pang likhang-Koreano sa Top 10 TV Shows ay ang competition reality show na Physical 100, na nasa ikasampung puwesto.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — GomBurZa, Becky & Badette, Sisu, The Bad Guys, Knights of the Zodiac, The Tearsmith, Rewind, Man in Love, Sniper GRIT, at The Wages of Fear.

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Parasyte The Grey, Queen of Tears, 7th Prince, Can’t Buy Me Love, 3 Body Problem, Crooks, Avatar: The Last Airbender, Solo Leveling, Testament: The Story of Moses, at Physical 100.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Ang logline ng GomBurZa, “Embroiled in a bitter campaign against inequality, three priests suffer the fury of Spanish colonial rule in the Philippines. Based on historical events.”

Tampok sa GomBurZa sina Dante Rivero, Cedrick Juan, at Enchong Dee, sa direksiyon ni Pepe Diokno.

Nasa cast din sina Piolo Pascual, Elijah Canlas, Ketchup Eusebio, Tommy Alejandrino, Jaime Fabregas, Dylan Ray Talon, Peewee O’Hara, Star Orjaliza, Leo Rialp, Neil Ryan Sese, Joel Saracho, at Arnold Reyes.

Ang GomBurZa ang most awarded film sa MMFF 2023.

piolo pascual gomburza

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang logline naman ng Becky & Badette ay, “Two broke best friends unexpectedly find stardom after pretending to be lovers at their school reunion — until an old flame triggers a fierce rivalry.”

Bida sa Becky & Badette sina Eugene Domingo at Pokwang, sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana.

Nasa cast din sina Romnick Sarmenta, Agot Isidro, Adrian Lindayag, Peewee O’Hara, Angie Castrence, Sue Prado, at Diane Alferez.

eugene pokwang becky & badette

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Congratulations, GomBurZa at Becky & Badette.

Pag-alabin pa natin at pasayahin ang pelikulang Filipino sa pagsuporta ng magagandang pelikulang ito!!!

GORGY RULA

Parang see-saw ang pag-trending ng Becky & Badette.

Pagkalipas ng isang araw, bumaba agad siya mula sa number one, pero hindi rin nagtagal, balik na naman siya sa number one.

Nalaglag na naman siya pagpasok ng GomBurZa.

Masusubukan ang lakas ng GomBurZa pagpasok ng A Journey nina Paolo Contis, Kaye Abad, at Patrick Garcia.

Maganda ang kuwento ng A Journey, kaya ang taas ng expectations ko na maganda ang kalalabasan ng pelikula dahil magagaling ang mga artista.

Kinuha agad ito ng Netflix para sa kanilang Netflix Originals. Kaya lang, parang hindi nila gaanong na-promote.

Hindi kagaya ng Keys To The Heart na may malaking billboard sila sa Skyway 3. Pero tingnan natin kung kaya nitong A Journey magpa-No. 1 nang matagal.

At least, sa top trending ngayon ng movies ay nandiyan ang tatlong magagandang MMFF 2023 movies na GomBurZa, Becky & Badette, at Rewind.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa TV shows naman ay biglang taas ulit sa pang-apat na puwesto ang Can’t Buy Me Love, kasi ang ganda ng 127th episode nila.

Read: DonBelle's Can't Buy Me Love main cast and their roles

Crayola pagaspas ako sa matinding eksenang pag-aayos ng mag-inang Bingo (Donny Pangilinan) at Annie (Ina Raymundo).

Hindi siya pang-soap ang drama, natural ang eksena kung paano nagmakaawa si Annie na patawarin na siya ng kanyang anak na si Bingo.

donny ina can't buy me love

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Donny Pangilinan and Ina Raymundo

Hindi siya magsasawang kakatok sa puso ng kanyang anak na tanggapin siya uli. Hindi corny ang mga kasunod na eksena nang magkaayos na sila at ipinaghanda ni Annie ng pagkain ang kanyang anak.

Hindi ko mapigilang mapahagulgol sa eksenang yun at naka-juxtapose din ang eksena ng paghingi ng patawad ni Wilson Tiu (Rowell Santiago) sa anak niyang si Caroline (Belle Mariano) kaharap ang buong pamilya, pati ang dalawang asawang sina Cindy (Agot Isidro) at Ruffa Gutierrez (Gina).

Sa eksenang yun, gusto kong palakpakan nang bonggang-bongga si Agot, dahil nakikita mo sa mga mata niya ang pagmamahal sa kanyang asawang si Wilson, at tiniis ito kahit irita na siya kay Caroline, at dagdag pa ang takot na baka magkabukingan na kung ano ang partisipasyon nila ni Gina sa pagkamatay ng ina ni Caroline.

May mga daplis din itong kuwento ng Can’t Buy Me Love. Pero suma-tutal, maganda at sana ganito ang mga Pinoy soap na napapanood natin, hindi yung mga predictable na kuwentong ewan ko kung bakit gustung-gusto pa rin ng mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GomBurZa, starring Cedrick Juan (left), and Becky & Badette, starring Eugene Domingo and Pokwang (right), currently hold the Top 2 spots in Top 10 Movies on Netflix.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results