GORGY RULA
Kung napansin natin na tila naapi si Sunshine Dizon sa billing sa pelikulang Sunny ng Viva Films, hindi raw ito issue para sa premyadong aktres.
Marami kasi talaga ang nag-react sa poster nito kung saan sa billing ay nasa itaas ang pangalan nina Vina Morales at Angelu de Leon.
Nasa ibaba nila ang younger counterpart nilang sina Heaven Peralejo at Bea Binene.
Magkakapareho ang laki ng kanilang pangalan.
Ang pangalan na ni Sunshine ang susunod na linya, at kahilera niya sina Candy Pangilinan, Ana Roces, Katya Santos, at Tanya Garcia.
Read: Sunshine Dizon, "inapi" sa billing ng pelikulang Sunny?
Mas maliit ang sukat ng pangalan nina Sunshine kumpara sa naunang linya.
Sunny cast members (L-) Candy Pangilinan, Abby Bautista, Vina Morales, Heaven Peralejo,Heart Ryan, Angelu de Leon, Bea Binene, Katya Santos, Ashtine Olviga, and Sunshine Dizon. Nasa likuran nila ang malaking movie poster na nagpapakita ng billing.

Nakausap ng PEP Troika si Sunshine sa red-carpet premiere ng Sunny sa SM North EDSA nung Lunes, April 8, 2024.
SUNSHINE DIZON ON BILLING IN SUNNY
Tinanong namin kay Sunshine kung support ba ang role niya rito. Sa kuwento kasi ay mas bida rito sina Vina at Heaven.
Read: It's a prank! Heaven Peralejo at Marco Gallo, bubuwagin na ang love team
Ani Sunshine, “There’s no support. Kasi ano po yun, e… ahmm, the story starts with the kids, when they grew up, you know, may edad na siya.
“I don’t think support is the right word.”
Pero iginiit ko pa rin kay Sunshine na sa estado bilang aktres na naging prime-time staple dati sa GMA-7, deserve niya na nasa itaas na pangalan.
Pero base sa mga sagot ng aktres ay hindi na niya kailangang mag-demand ng ganun.
“Sorry, ha? I’ve been in this business for so long. Small things [on] billing, I don’t care about it anymore,” pakli niya.
“As long as… I know I did my job properly and I have a good story, and I mean it, I’m fine with that.
“Napakababaw po ng billing, my god! Hindi po dapat maging issue iyan.
“Siguro kung may issue ka, insecure ka,” diretsahan niyang sagot sa akin na para bang ako lang ang naghahanap ng isyu.
Kaya naman dumalo si Sunshine at suportado niya ang promo ng naturang pelikula na magsu-showing na sa mga sinehan bukas, April 10.
Sinulat ito ni Mel Mendoza del Rosario at dinirek ni Jalz Zarate.
REUNION MOVIE OF VIVA'S FORMER TEEN STARS
NOEL FERRER
Teka, teka, anyare kay Sunshine?
Heto ang sabi niya, “Honestly, I haven’t even seen the poster. Hindi e.
“I’m already 40. I’m turning 41 this July, and those little shitty things, I don’t want to be bothered by those things. Hindi ko na kailangang problemahin iyan, right?
“And I guess, I’ve been proven enough already, and I dedicated you know more than half of my life in this industry to bother about little thing about billing.
“Parang ano lang iyan, di ba? They say, there are no small roles, right?” dagdag niyang pahayag.
Hango sa isang Korean film nung 2011 itong Sunny na may ganun ding pamagat.
Barkada movie ito kung saan nag-reunion silang mga stars na produkto ng Viva Films.
“I’m excited to watch the whole film. And I’m excited also to be with all of my kabarkadas,” bulalas ni Vina Morales na isinama ang anak niyang si Ceana sa premiere night.
JERRY OLEA
Mabuti at hindi isyu kay Sunshine Dizon ang sa pakiwari natin ay “naapi” siya sa billing.
Sunshine Dizon is Sunshine Dizon is Sunshine Dizon.
Magsa-shine at magsa-shine siya kahit eme-eme pa ang puwesto ng pangalan niya sa poster!
