PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Imelda Papin, itatalagang bagong chairperson ng PCSO?

Imelda Papin, tinanggal ang "Loyalista" sa title ng kanyang pelikula.
by PEP Troika
Published Apr 8, 2024
imelda papin premiere
Imelda Papin on her biopic: "Hindi po ito pulitika. We did not do this to create division or mag-away-away ang Filipinos. No! Ito po ay buhay ni Imelda Papin. Gusto ko pong ilabas dito kung paano po tayo maging loyal sa Diyos. Maging loyal sa sarili natin. Maging loyal sa ating pamilya, sa ating kaibigan lalo na pag lugmok ang isang kaibigan. Kung paano mo siya yayakapin."
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagulat si Imelda Papin nang tinanong siya ng isang vlogger kung totoong siya ang itatalagang chairperson ng PCSO o Philippine Charity Sweepstakes Office.

Nakabalandra ang tarpaulins ng PCSO sa premiere night ng pelikula niyang Imelda Papin: The Untold Story na ginanap sa SM MOA nung Linggo, April 7, 2024.

Read: Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin, sa tatlong sinehan nag-premiere night

May ilan pang government officials na dumalo na ipinagpasalamat ng Asia’s Sentimental Songstress.

Hindi niya sana sasagutin ang naturang tanong, at sinabi pa niyang off-the-record. Pero sinagot pa rin niya.

“Umuugong po ang balita na ako po’y ilalagay sa PCSO. Pero, may nagsabi po kasi sa akin na, 'Hintay-hintay ka lang!'” natatawa niyang pahayag.

“Kung ako po’y mailalagay sa PCSO, e, di salamat sa Diyos makakatulong ako lalo sa mga nangangailangan. Maghintay lang daw nang konti.”

Malapit si Imelda sa pamilya Marcos, kaya posible naman.

Itong kuwento ng pelikula niyang Imelda Papin: The Untold Story ay mas naka-focus sa pagsama niya sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Hawaii.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagpaalam daw niya ito kay dating First Lady Imelda Romualdez-Marcos.

“Bago po namin ginawa ito, nagpaalam din po kami kay former First Lady Imelda Romualdez-Marcos. Nandun din si Senator Imee, nandun din si Irene, at the whole family.

“Hindi ko ito gagawin kung wala pong permiso sa kanila.

“Siyempre po, ang ating President Bongbong Marcos is supporting this movie. Ang sinabi niya na gusto niyang manood during our premiere night.

"But of course, sabi ko, for safety reason, diyan na lang panoorin sa Malacañang,” dagdag na pahayag ni Ms. Imelda Papin.

Wala pang playdate ang pelikula, pero nag-iikot na ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa special screening.

Inaayos na rin daw ang premiere night nito sa Hawaii, kung saan maraming mga loyalista roon ang dating Pangulo.

NOEL FERRER

Ang dating pamagat ng pelikula ay Loyalista: The Untold Story of Imelda Papin.

Wala na ang "Loyalista" sa pamagat ng pelikula para wala raw political connotation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw uli ni Imelda na hindi raw ito political film kundi tungkol sa kuwento ng kanyang buhay.

“Hindi po ito pulitika,” sambit ni Imelda.

“We did not do this to create division or mag-away-away ang Filipinos. No! Ito po ay buhay ni Imelda Papin.

“Gusto ko pong ilabas dito kung paano po tayo maging loyal sa Diyos. Maging loyal sa sarili natin.

"Maging loyal sa ating pamilya, sa ating kaibigan lalo na pag lugmok ang isang kaibigan. Kung paano mo siya yayakapin.

“Iyon po ang ginawa ng Imelda Papin. Kung paano mahalin ang isang pamilya. Ito po yun.”

JERRY OLEA

Nobyembre 29, 2023 nag-premiere sa SM Megamall ang nasabing biopic ni La Papin. Dinagsa iyon ng mga loyalista.

May mga bulung-bulungan noong baka italaga si La Papin bilang bagong director general ng Film Academy of the Philippines (FAP).

Wait and see tayo kung saan ba talagang posisyon sa gobyerno maa-appoint ang beteranang mang-aawit.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang bida sa biopic ni Imelda Papin ay si Claudine Barretto, na suporta sa pelikulang When Magic Hurts starring Beaver Magtalas and Mutya Orquia.

Ang Imelda Papin: The Untold Story at When Magic Hurts ay parehong idinirek ni Gabby Ramos.

Dadalo kaya si La Papin sa premiere nights ng When Magic Hurts — Abril 15 sa SM North EDSA, at Abril 19 sa Cabanatuan City?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Imelda Papin on her biopic: "Hindi po ito pulitika. We did not do this to create division or mag-away-away ang Filipinos. No! Ito po ay buhay ni Imelda Papin. Gusto ko pong ilabas dito kung paano po tayo maging loyal sa Diyos. Maging loyal sa sarili natin. Maging loyal sa ating pamilya, sa ating kaibigan lalo na pag lugmok ang isang kaibigan. Kung paano mo siya yayakapin."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results