PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

It's Showtime Outrates Eat Bulaga! Since April 6

Ma-maintain kaya ng It's Showtime ang lamang nito sa Eat Bulaga!?
by PEP Troika
Published Apr 8, 2024
it's showtime eat bulaga april 6
(Left) It's Showtime debuts on GMA-7 on April 6, 2024 with a stellar ratings; (right) TVJ's Eat Bulaga! had a National Barangay Day and special guest Andres Muhlach on the same day.
PHOTO/S: GMA Network / TV5

GORGY RULA

Noong Linggo, Abril 7, 2024, ay nakuha na ng PEP Troika ang ratings ng mainit na tapatan ng Eat Bulaga! at It’s Showtime noong Sabado, Abril 6.

Inaasahan nang mataas itong pagsisimula ng It’s Showtime sa GMA-7 dahil talaga namang inabangan ito ng marami.

Read: Eat Bulaga! at It's Showtime, kaabang-abang ang salpukan sa April 6

Bukod pa riyan, ang daming pinag-usapan at talagang nag-trending worldwide ang mga naganap sa Kapamilya noontime show na nasa Kapuso network.

Ayon sa nakuha ng PEP Troika na survey, base sa AGB Nielsen NUTAM, naka-9.7% ang It’s Showtime. Agrregated ratings na ito na kuha sa GMA-7, GTV, A2Z, at Kapamilya Channel.

Ang Eat Bulaga! naman ng TVJ na palabas sa TV5 at sa RPTV ay naka-4.4%.

Ibig sabihin, mahigit kalahati ang lamang ng It’s Showtime sa Eat Bulaga!.

Read: Para sa kaalaman ng mga naniwala sa "buwis-buhay na eksena" ni Vice Ganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pang dumami ang commercial load ng noontime show nina Vice Ganda, Anne Curtis, Kim Chiu, Vhong Navarro, at iba pa.

Hindi ito kagulat-gulat dahil sa inaabangan itong sanib-puwersa ng GMA-7 at Kapamilya Channel.

Ang titingnan natin ngayon ay kung mame-maintain ba ng It’s Showtime na mataas at patuloy nitong matatalo ang Eat Bulaga!. Abangan na lang natin.

NOEL FERRER

Parang expected itong consolidated rating na ito lalo pa’t nagsanib-puwersa talaga ang reach ng iba’t ibang media platforms.

Ang mainam pa rito ay hindi puchu-puchung presentation ang ipinakita sa pilot episode sa GMA airing ng It’s Showtime. Deserve na papurihan ang paghihirap ng mga artista at staff behind the show.

Maganda itong ganitong kumpetisyon. It is setting better standards ng panoorin para sa mga viewers ng noontime show.

Ang aabangan ngayon, kung ano ang ipantatapat ng Eat Bulaga! at TV5 sa pinalakas na kalaban nila ngayon.

One thing is sure: Hindi sila puwedeng maging kampante. I’m sure they’ll come up with a Level Up version soonest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At katulad ng lagi kong sinasabi, kapag nangyari yun, tayong mga audience ang panalo!

JERRY OLEA

"Barangay Cinco: Wow na Wow sa Tag-araw" ang battlecry ng TV5.

Abril 6, Sabado ng 11:30 a.m., ay "National Barangay Day" ang paandar ng Eat Bulaga!, kung saan tampok si Andres Muhlach na tinaguriang "Hottest Gen Z Heartthrob."

Nag-pilot sa Kapatid Network noong Sabado ng 6:15 pm ang Top 5 Mga Kwentong Marc Logan.

marc logan top 5

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong Abril 8, Lunes ng 2:30 p.m. ay mapapanood na sa TV5 ang teleseryeng Carlo J. Caparas’ Lumuhod Ka Sa Lupa.

Tampok dito sina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Gardo Versoza, at Rhen Escaño. Nasa cast din sina Mark Anthony Fernandez, Jeric Raval, Andrew Muhlach, Phoebe Walker, Rose Van Ginkel, Jeffrey Hidalgo, JC Tiuseco, Jamilla Obispo, at Andre Yllana.

Read: Kiko Estrada, kapansin-pansin ang "Coco Martin vibe"

lumuhod ka sa lupa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matapos ang mala-Dune performance ni Vice Ganda noong Sabado sa It’s Showtime, more and more ang mga payanig niya sa programa.

Umupo ang Asia’s Unkabogable Superstar sa tuktok ng GMA logo sa gusali ng Kapuso Network.

vice ganda gma logo

Nag-perform siya ng "Thunder," "Champion," at "Hall of Fame."

Nagpakitang-gilas din sa It’s Showtime sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, at Cianne Dominguez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakisaya sa "Karaokids" segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Sumalang sa espesyal na episode ng "EXpecially For You" si Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez.

Ang peak concurrent viewers ng It’s Showtime noong Sabado ay 524, 294. Pasavogue!!!

it's showtime

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Oliver Moeller: 'It's Showtime' dating game contestant and Piolo Pascual look-alike trends online

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left) It's Showtime debuts on GMA-7 on April 6, 2024 with a stellar ratings; (right) TVJ's Eat Bulaga! had a National Barangay Day and special guest Andres Muhlach on the same day.
PHOTO/S: GMA Network / TV5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results