GORGY RULA
Kumakalat na ang video ni Herlen Budol na nag-IG live ngayong Lunes ng madaling-araw, Abril 8, 2024.
Kumakain ang Kapuso comedienne nang bigla siyang tumayo para sana mag-CR.
Nawala siguro sa isip niyang naka-high cut black panty siya at may nasilip sa harapan niya. Biglang nagtawanan ang ilang kasama niya.
Biglang bumalik si Herlene na parang natakot kung may nakita ba sa bandang ibaba niya.
"Tingnan mo nga, nakita ba?" tanong niya sa mga kasama.
Sinilip din niya ang bandang ibaba ng harapan niya.
"Nakita ba, guys?" tanong pa niya sa viewers.
Kaagad niyang tinapos ang pagla-live.
Marami ang nagsasabing baka sinadya ito ni Herlene para mapag-usapan na naman siya.
May mga nakapag-capture nga sa tagpong iyon sa IG live niya, at kumalat na ito.
Sabi naman ng ilang netizens, tila sumusunod lang si Herlene sa mungkahi ni Iloilo Representative Janet Guarin na dahil sa sobrang init ng panahon, mas mabuting huwag na raw magsuot ng underwear ang mga kababaihan kung nasa bahay lang sila.
Read: Congresswoman Janette Garin clarifies advice for women not to wear underwear this summer
At least, meron namang suot na manipis na underwear si Herlene, pero may sumilip pa rin.
Sabi nga ng ilan, dati ay nasangkot siya sa mainit na isyu nila ni Rob Gomez na “kain kiffy,” ngayon daw ay “hello kiffy” naman!
Read: Herlene Budol explains context behind private convo with Rob Gomez; says, “Indi ako hayok sa laman.”
JERRY OLEA
Bago pa ang pa-“hello kiffy” na iyan ni Hipon Girl, nauna na ang pa-“hello birdie” ni Robin Padilla noong Setyembre 2023 sa live selling ng wifey niyang si Mariel Padilla.
Read: Mariel Padilla reacts to husband Robin Padilla’s accidental exposure
At di ba, noong 2018 ay nag-viral ang video greeting ni Cesar Montano para sa kaarawan ng isang kagawad dahil sa pagsulpot ng isang naked woman sa background?
Read: Cesar Montano video greeting for a kagawad goes viral
May susunod pa kayang local celebrity na “masisilipan” online?
NOEL FERRER
Ibang klase rin itong si Herlene, ano. Sa halip na makilala sa pagiging aktres, parating nasa balita dahil sa kung anu-anong isyu.
Ganoon yata ang papel niya sa industriya natin. Kaya ba mahirap siyang seryosohin?
