PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hidilyn Diaz fails to qualify for Paris Olympics

Hidilyn Diaz at Julius Naranjo, aasikasuhin na ang pagkakaroon ng baby?
by PEP Troika
Published Apr 4, 2024
hidilyn diaz julius naranjo phuket
Olympic gold medalist and husband Julius Naranjo are currently in Phuket, Thailand, for a much-deserved vacation after the Filipina weightlifter fell short of qualifying for the Paris Olympics this 2024.
PHOTO/S: Courtesy of Hidilyn Diaz

NOEL FERRER

Nang mabigo ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na mag-qualify para sa Paris Olympics ngayong 2024, heto ang sabi ko sa kanya: “I have always told you, you have already made Philippine Olympic History. There’s nothing more to prove, especially since you are not doing this for yourself but for God and our country.”

Read: Hidilyn Diaz, naiyak nang maalala ang journey para makamit ang Olympic gold medal

Ang diwa ng kompetisyon ay hindi lang sa pagpanalo kundi sa pagtataya. Ipagpatuloy mo Hidilyn ang nasimulang pagsasanay at pagsisilbi sa mga susunod pang mga atleta.

Sa maraming sumubaybay sa karera ni Haidie, nakita natin kung paano siya (kasama ni Coach Julius Naranjo) na nagpursige, nagwagi, at patuloy na nagbibigay ng inspirasyon para sa mga kabataan at sa mga Filipino sa sport na ito at sa buhay.

Mananatili kang Champion sa amin, Hidilyn! Salamat sa patuloy na pagbibigay mo ng dangal sa mga Pilipino!!!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tapos, kanina nang kamustahin ko siya, aba’t tatlong photos ang pinadala niya sa akin na ikinatuwa ko…

Kasalukuyan silang nasa Phuket, Thailand para sa much-deserved vacation.

Masayang-masaya ako, bilang ninong at manager niya, that she is now able to focus on herself and her family life — aside from continuing her Hidilyn Diaz Weightlifting Training Camp.

Ngayon, ipinapanalangin ko na sana biyayaan siya ng Diyos na magkaanak sila ni Coach Julius na ang sagot niya sa akin ay isang matamis na “#manifesting.”

Doon tayo sa FOREVER!!!

Read: Olympic gold medalist Hidilyn Diaz is now married to Julius Naranjo

GORGY RULA

Pawang papuri at words of encouragement ang natatanggap ni Hidilyn.

Siya ang kauna-unahang Pinoy gold medalist ng Olympics, at nakapagbigay-inspirasyon sa mga kabataan.

Sa tingin ko, gusto na ng Panginoon na mag-focus na si Hidilyn sa bubuuing pamilya nila ni Julius Naranjo.

Pero sabi naman ni Hidilyn, itutuloy pa rin niya ang weightlifting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero panahon nang ibaba muna ni Hidilyn ang mga bakal, para ang magiging baby na nila ni Julius ang kanyang bubuhatin.

Tiyak na all-out ang suporta ni Hidilyn kay Elreen Ando, na siyang panlaban natin sa weightlifting sa Paris Summer Olympics.

Read: After 16 years, Hidilyn Diaz college graduate na: “Nakakaiyak din pala. Not an ordinary day.”

JERRY OLEA

Masaya ang mga followers ni Hidilyn sa post niya, at may mga nire-reply-an siya at pinasasalamatan.

Nakakaaliw na may umaasam pang magka-triplet sina Hidilyn at Coach Julius.

Mabuhay!!!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Olympic gold medalist and husband Julius Naranjo are currently in Phuket, Thailand, for a much-deserved vacation after the Filipina weightlifter fell short of qualifying for the Paris Olympics this 2024.
PHOTO/S: Courtesy of Hidilyn Diaz
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results