PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kathryn Bernardo fans, Team KathDen na ba o Team KathNiel pa rin?

Sequel ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn at Alden, matuloy na kaya?
by PEP Troika
Published Apr 3, 2024
kathryn bernardo alden richards
Nabulabog ang netizens nang kumalat ang videos mula sa surprise post-birthday celebration ni Kathryn Bernardo kung saan dumating si Alden Richards at naging kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
PHOTO/S: Screengrab from @earlsemitara Facebook

GORGY RULA

Trending pa rin sa X ang hashtag na KathDen, kahit pinag-uusapan na sa social media ang pagtama ng malakas na lindol sa Taiwan.

Hindi magkamayaw ang KathDen fans sa nakakakilig na tagpo nina Alden Richards at Kathryn Bernardo nang biglang dumating ang Kapuso actor sa post-birthday party ng Kapamilya actress na ginanap sa TGIS Studio by KCMB sa Quezon City.

Read: Kathryn Bernardo, Alden Richards set social media ablaze with kilig videos

Ang naturang studio ay pag-aari ni Kathryn, pero ang stylist niyang sina Boop at Kimi Yap ang nag-organize ng party na iyon.

Ayon sa ilang supporters ni Kathryn na napagtanungan ng PEP Troika, ginawa nila ang birthday party na iyon para sa ilang mga kaibigang hindi nakadalo sa selebrasyon sa El Nido, Palawan.

Si Alden ang isa sa mga pinabalik na nakadalo rin sa birthday party ni Kathryn sa Palawan.

Read: Celebrities spotted at Kathryn Bernardo's birthday bash in Palawan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mas tumatak sa mga netizen ang closeness ng magkaibigan. Lalo na yung tagpong niyakap nang mahigpit ni Alden si Kathryn nang magpa-picture sila.

Ilan sa solid fans ni Kathryn ang tinanong namin kung naging KathDen fans na ba ang karamihan sa KathNiel.

Nandiyan pa rin daw ang KathNiel, pero karamihan daw sa fans ni Kathryn ay KathDen na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya inaabangan na raw sana nila kung magkakaroon na ba ng part two ang Hello, Love, Goodbye.

Read: REVIEW: Kathryn Bernardo, Alden Richards offer a new treatment of the OFW story in Hello, Love, Goodbye

Pero sa ngayon ay mas magpo-focus si Alden sa teleseryeng Pulang Lupa, at si Kathryn naman ay ang pelikulang Elena 1944 ang unang nakalinya sa kanya.

Siyempre, napansin uli ng KathDen fans na parehong Japanese period ang setting ng dalawang proyektong ito.

NOEL FERRER

Sana, matuloy ang napipinto nilang reunion project na sequel ng record-breaking Hello, Love, Goodbye.

Balitang inaayos ang shoot nito sa Canada. At sana talaga, matuloy.

Kasi, puno ng positive vibes ang mga taong involved dito.

JERRY OLEA

Na-scoop ni ka-Troikang Noel for PEP Troika ang pagtatambal noon nina Kathryn at Alden sa pelikula. Dito sa PEP Troika nag-umpisa ang portmanteau na KathDen.

Read: Kathryn Bernardo at Alden Richards, magtatambal sa pelikula?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Maraming nagduda sa scoop na iyon ni ka-Troikang Noel at ang paratang ay nakuryente ang PEP Troika.

Pero napatunayang totoo iyon, at ayun, nanguna sa takilya ang Hello, Love, Goodbye (2019) — domestic man o worldwide.

Read: CONFIRMED: Kathryn Bernardo and Alden Richards to top-bill Star Cinema movie

Kinabog ang record ng KathNiel movie na The Hows of Us.

Sangkatutak ang kumuda at humanash na kesyo kakabugin ng bagong KathNiel movie ang record ng KathDen movie. Kaso, nabuwag na ang KathNiel.

Read: KathDen movie, malampasan kaya ang kinita ng KathNiel movie?

Read: Alden Richards asked about KathNiel breakup, KathDen teamup

Ang naka-break ng record ng KathDen movie ay ang DongYan movie na Rewind, na topgrosser sa 49th MMFF.

Exciting kung matutuloy ang sequel ng Hello, Love, Goodbye, at kung magiging official entry iyon sa 50th MMFF sa December.

If ever, posible bang “bawiin” ng KathDen ang korona sa DongYan bilang pinakamalakas na pelikulang Pinoy, domestic and worldwide?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rewind ng DongYan highest-grossing Filipino film of all time

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nabulabog ang netizens nang kumalat ang videos mula sa surprise post-birthday celebration ni Kathryn Bernardo kung saan dumating si Alden Richards at naging kapansin-pansin ang pagiging malapit nila sa isa't isa.
PHOTO/S: Screengrab from @earlsemitara Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results