JERRY OLEA
Gagawa si Vice Ganda ng pelikulang ididirek ni Jun Robles Lana.
Isiniwalat ito ng Unkabogable Star sa 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas noong Enero 27, 2024, sa Glass Garden Events Place sa Santolan, Pasig City.
Inaasam pa ni Vice na makasama ang kaibigang si Gladys sa naturang proyekto, yaman din lamang at Jun Lana baby ang premyadong aktres.
Read: Vice Ganda on Gladys Reyes-Christopher Roxas enduring love story: "Nakaka-inspire"
Sa pa-presscon ng The IdeaFirst Company noong Marso 21, Huwebes, sa Gateway mall, Cubao, Quezon City, inusisa ko si Direk Perci Intalan kung matutuloy this year ang Vice Ganda-Jun Lana collab.
Si Direk Perci ang katuwang ni Jun Lana sa The IdeaFirst, na magdiriwang ng ikasampung taon sa pamamagitan ng filmfest sa Abril 12-14 sa Gateway Cineplex.
“Sana, yun na lang ang ano ko,” nakangiting sambit ni Direk Perci.
Para sa 50th MMFF ba iyon sa Disyembre? Kakayanin?
“Basta kami ni Jun… eto, pinag-usapan namin yan. Agree naman kami pareho,” tugon ni Direk Perci.
“Basta let’s finish the finish, let’s do it well. Di ba? Kung aabot sa deadline, umabot sa deadline, kung gusto talaga nating career-in ang deadline.
“But first and foremost, gawin natin siyang maganda, di ba? Kasi, sabi ko nga, kailan pa ba tayo ulit makakatrabaho ni Vice?
“At saka, di ba, at the same time, maganda rin kasi si Vice naman to see the team, na makatrabaho si Jun.”
Last year pa napag-usapan iyong movie project ni Vice na ididirek ni Jun Lana. The same project pa rin ba ang gagawin ni Vice, o iba na?
“Bago na yung pinag-uusapan. Basta, nakatulong na nagkita sila nang a few times,” sabi ni Direk Perci.
“But again, ayokong pangunahan kung anong status, I guess, is what I will say. Basta, pareho nilang gusto. Yun ang importante.
“Pareho nilang gusto na maka-work ang isa’t isa.”
Wala pang script ang nasabing pelikula.
“Ang alam ko, meron na silang gustong gawin, pero depende pa rin.”
Ibang Vice Ganda ba ang mapapanood sa project ni Direk Jun Lana?
“Si Jun kasi, I don’t think na gagawa si Jun ng hindi magmamarka ang style niya,” pagmamatwid ni Direk Perci.
“May way of storytelling si Jun. Na pag pinilit mo siyang ibahin yun, alam ko na yan, aatrasan na lang niya yung project — pag feeling niya, hindi na niya marka.
“Ang point lang niya, kung magagawa ng ibang tao, gawin na lang ng ibang tao. So, sana…
“Kasi I think it would be good, na siyempre, nagkakatrabaho kayo, e. Dapat pareho kayong may ambag.”
May pang-MMFF project na ba ang The IdeaFirst Company?
“Hindi kami nagpaplano at the moment. Ganun, yun din ang sagot ko sa Vice na project. Kung aabot, kung handa na, go!” bulalas ni Direk Perci.
Read: Kokoy de Santos, "minamani" na lang ang intimate scenes sa pelikula
GORGY RULA
Iyon din nga ang sinabi sa akin ni Direk Perci. Ayaw na raw nilang magpa-pressure na kailangang makapasok sa MMFF.
Aware daw silang meron nang nagsisimulang mag-shoot ng pelikulang pang-MMFF, at alam nilang matinding material ito. Ayaw na raw nilang makipagsiksikan doon.
Basta kung makapasok daw, okay. Kung hindi umabot, okay din. Basta maganda at gusto nila ang ginagawa nilang pelikula.
Pero ang mahalaga dito, sabi ni Direk Perci, nakikita nila ang suporta ng gobyerno, lalo na sa hinihingi nilang producers.
Nasa proseso sila ngayon ng hinihiling nilang three-year tax holiday sa mga LGU. Nandiyan ang pag-asang maibigay ito para sa ating movie industry.
“I’m very optimistic ngayon, especially as part of EPOP, because we’re seeing that the audience has come back. Medyo ano lang, di ba? Kailangan mo lang talaga i-convince.
“Pero more importantly, thankfully we have the support of the government and also the cinemas. Nakikita na namin yun, nakikinig sila sa hinaing namin."
Ang "EPOP" na tinutukoy ni Direk Perci ay ang Entertainment Producers of the Philippines, na dating kilala bilang Philippine Motion Pictures Producers Association (PMPPA).
Binubuo ito ng mga producer at personalidad sa Philippine film industry.

The members of Entertainment Producers of the Philippines (EPOP)
Saad pa ni Direk Perci, “I also think this is the great time dahil the other guilds, Directors Guild, AKTOR, other guilds, nagiging mas proactive na ayusin natin ito.
“So, mas dumadali yung dialogue namin within each other na ayusin natin, ano ang kailangan nating gawin, o sige para sama-sama tayo. Iisa yung sinasabi natin.
“I think iyon yung kailangan, e. Makitang magkakasama yung industriya.
“We’re competitors, yes. Pero nakikita that we work together for the industry.
“Yung MMFF, I think iyon yung key, e. Nakita nila na hanggang Vilma Santos, nagbebenta ng tickets sa Trinoma, di ba? Nagsi-cinema tour ang artista. Nakakengganyo ang mga tao.
“Ayoko naman mag-assume na laging pagbibigyan. Ang importante, napapakinggan.
“May mga bagay na ma-compromise, may mga business objectives sila sa sinehan, kung bakit kailangan natin ng buwis.
“But at least meron kang opportunity to ask, tapos may makukuha in exchange kahit hindi
NOEL FERRER
Tingnan natin kung anong project ni Vice Ganda ang magma-materialize na una.
May isang nabanggit, yung isang pagsasamahan dapat nila ni Ate Vi (Vilma Santos) at meron ding pinaplanong project nila ni Michael V na vocal siyang gusto rin niyang makasama sa pelikula.
Tingnan at hintayin natin kung ano ang unang magagawa at matatapos. As we can see it, these are passion projects that Vice wants na sa career niya.
Ito na siguro ang magde-define sa kanya bilang aktor. At masaya tayo kung matutuloy niya ito.
