PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Why Can't Buy Me Love Left NetflixPH Top 10?

Pero sikat pa rin naman DonBelle
by PEP Troika
Published Mar 16, 2024
Donny Pangilinan, Belle Mariano
PHOTO/S: NetflixPH

JERRY OLEA

Sa unang pagkakataon, natanggal ang Can’t Buy Me Love sa talaan ng Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix.

Noong Oktubre 13, 2023 nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang nasabing serye nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, kasama sina Maris Racal at Anthony Jennings.

Nanguna agad iyon sa listahan ng most watched TV shows sa Netflix PH, at nanatili sa top spot hanggang Nobyembre 7.

Kinabog iyon ng Attack On Titan, pero nagtagal muli ito sa number 1 mula Nobyembre 12 hanggang Nobyembre 23.

Ang nagpatalsik naman dito ay ang reality show na Squid Game The Challenge.

Mula noon ay hindi na ito nakabalik sa number 1, pero nanatili sa Top 10. Nagsi-see-saw ang ranking nito.

Ang TV shows na sumunod na nag-number 1 sa Netflix PH ay Replacing Chef Chico, My Demon, Sweet Home, Yu Yu Hakusho, Gyeongseong Creature, Berlin, Solo Leveling, American Nightmare, Captivating the King, Griselda, Doctor Slump, A Killer Paradox, House of Ninjas, Avatar: The Last Airbender (live action), at Queen of Tears.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isang Pinoy TV show pa rin namang kasali sa listahan, ang comedy special ni Red Ollero na Mabuhay Is A Lie. Nasa number 6 ito ngayong Marso 16, Sabado.

Kahapon, Marso 15 ay streaming na sa Netflix ang Royal Blood series ni Dingdong Dantes. Pupuwesto kaya ito sa Top 10?

Hanggang Mayo pa ang streaming ng DonBelle series na Can’t Buy Me Love, kaya marami pa itong chances na bumalik sa Top 10, di ba?

Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix: Queen of Tears, Avatar: The Last Airbender (live action), The Gentlemen, Doctor Slump, The Signal, Mabuhay Is A Lie, Bandidos, Solo Leveling, Supersex, at Avatar: The Last Airbender (animated).

Samantala, tatlong pelikulang Pinoy ang nasa talaan ng Top 10 Movies ng Netflix PH ngayon.

Pangatlo ang Para Kang Papa Mo nina Nikko Natividad at Mark Anthony Fernandez. Panlima ang Regal horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme. At pang-anim ang Ikaw at Ako nina Paolo Contis at Rhian Ramos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix: Safe, Damsel, Para Kang Papa Mo, Thanksgiving, Shake, Rattle & Roll Extreme, Ikaw at Ako, The Back-up Plan, Charlie and the Chocolate Factory, Daydreamers, at Seven.

NOEL FERRER

In fairness sa Can’t Buy Me Love, talagang pinananatili nila na ang magandang quality ng teleserye na ina-approve ng Netflix bago maipalabas.

In fact, at least two weeks ang advance nila sa mga episodes na tine-tape. Kaya naman kaya kahit nagpa-fluctuate na ito sa ranking, alam mong malakas pa rin ang following nito.

Sino ba ang may maraming endorsements ngayon among the young love teams and young stars? Sina Donny Pangilinan at Belle Mariano talaga.

Ibig sabihin, napapanatili nila ang magandang branding na pinagkakatiwalaan ng mga produkto—partida, kahit walang franchise ang kanilang network, ha!

GORGY RULA

Hindi kaya nairita na ang mga avid viewers ng Can’t Buy Me Love dahil nasa 111 episodes na, hindi pa rin nagkakainlaban sina Bingo at Ling?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang buong akala namin, nung nag-shoot sila sa Atok, Benguet, na tinawag nilang La Sinfonia sa kuwento, doon na magiging official na magdyowa ang characters ng DonBelle, pero waley pa rin! Hanggang paramdam pa lang.

Magkakahalikan na sana sila, waley pa rin!

Naka-focus pa rin sila sa pagsaliksik kung sino ba talaga ang pumatay sa ina ni Ling (Belle Mariano).

May partisipasyon si Cris Villanueva sa Atok, Benguet, at mahalaga ang role niya roon.

Pero napapanood pa rin siya sa afternoon drama ng GMA-7 na Makiling.

Hanggang 150 episodes ang Can’t Buy Me Love, at hindi pa nakuha ni Caroline ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang ina.

Hindi pa rin na-settle ang kuwento ng mag-inang Annie Mariano (Ina Raymundo) at Bingo (Donny Pangilinan).

Paano na ang love affair nina Ling at Bingo? Meron pa sina Snoop (Anthony Jennings) at Irene (Mariz Racal).

Kaya marami pang aabangan, at tiyak na babalik iyan sa top 10 trending!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: NetflixPH
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results