JERRY OLEA
Apat na pelikula ni Carlo Aquino ang nag-No. 1 sa Netflix Philippines last year.
Ang mga ito ay Seasons with Lovi Poe, I Love Lizzy with Barbie Imperial, Third World Romance with Charlie Dizon, at Love You Long Time with Eisel Serrano.
Read: Carlo Aquino, ratsada ang mga pelikula sa sinehan man o online
Noong Pebrero 24, 2024, pa nag-streaming sa Netflix PH ang animated BL movie na Iti Mapukpukaw (The Missing), kung saan co-stars ni Carlo sina Gio Gahol at Dolly de Leon.

Itinanghal itong best picture sa 19th Cinemalaya filmfest last year, at ito ang isinumite ng bansa para sa kategoryang best international feature ng 96th Academy Awards o Oscars.
Missing ito sa shortlist ng Oscars, pati na sa talaan ng Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix.
Read: Iti Mapukpukaw di nakasama sa shortlist para sa Best International Feature Film ng Oscars 2024
Nananatili pa ring nangunguna sa Top 10 Movies ng Netflix PH ang Regal horror trilogy na Shake, Rattle & Roll Extreme, na noong Marso 1 nag-umpisang mag-streaming.
Read: Trilogy movies SRR Extreme at EKS, umakyat agad sa No. 1 ng Netflix at Vivamax

Walang kaabug-abog na ipinalabas sa Netflix ang pelikulang Ikaw at Ako na bida sina Paolo Contis at Rhian Ramos, kasama sina Boots Anson Roa-Rodrigo at ang yumaong Ronado Valdez.
Marami-raming pelikula si Paolo na umariba sa Netflix PH, kaya tingnan natin kung aarangkada rin itong movie niya with Rhian.

Apat na likhang-Pinoy pa ang inaabangan natin kung raratsada ba sa Netflix this month.
Marso 13 ang streaming ng pelikulang Para Kang Papa Mo, kung saan gumanap na mag-ama sina Mark Anthony Fernandez at Nikko Natividad, sa direksiyon ni Darryl Yap.

Marso 14 ang streaming ng comedy special ni Red Ollero na Mabuhay Is A Lie.
Marso 15 ang streaming ng Kapuso primetime series ni Dingdong Dantes na Royal Blood, kasama sina Rhian Ramos, Megan Young, Lianne Valentin, Mikael Daez, Rabiya Mateo, Dion Ignacio, at Tirso Cruz III.

At Marso 25 ang streaming ng super-blockbuster na Rewind nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, at Pepe Herrera.

Ang Top 10 Movies in the Philippines Today sa Netflix — Shake, Rattle & Roll Extreme, Thanksgiving, Code 8 Part II, My Name is Loh Kiwan, The Final Destination, Charlie and the the Chocolate Factory, Code 8, The International, The Outfit, at Spaceman.
NOEL FERRER
Nakakatuwa na may platform tulad ng Netflix na nagbibigay-daan sa magagandang mga produksyon na maa-access pa ng mas maraming tao.
Challenge ito actually sa content creators upang gandahan, puliduhin, at busisiin ang gagawing proyekto para mabili rin ng Netflix at ma-consider para sa kanilang widely followed streaming device.
Congrats sa Royal Blood at sa iba pang content na mabibili pa ng Netflix in the future.
Sana, well compensated ang creators para maeengganyo silang gumawa ng mas mahuhusay pang output!!!
Ang Top 10 TV Shows in the Philippines Today sa Netflix — Avatar The Last Airbender (live action), Furies, Doctor Slump, Can’t Buy Me Love, Supersex, Solo Leveling, Avatar The Last Airbender (animated), House of Ninjas, The Legend of Korra (sequel ng animated series na Avatar The Last Airbender), at Hot Wheels: Let’s Race.
GORGY RULA
Natawa si Paolo Contis nang ibinalita ko sa kanyang nasa Netflix na pala ang pelikula nila ni Rhian Ramos na Ikaw at Ako.
Hindi man lang ito na-promote nang maayos. Hindi raw niya inaasahang magti-trending ang pelikulang iyan.
Mas excited siya sa pelikulang A Journey nila nina Patrick Garcia at Kaye Abad na mukhang magne-Netflix din.
Read: Patrick Garcia, nakumbinsing magbalik sa pag-arte dahil kina Kaye Abad at Paolo Contis
Samantala, inaasahan naming mapapanood talaga sa Netflix ang Royal Blood ni Dingdong Dantes. Gusto nila ang mga ganung series, at maganda naman kasi.
Narinig kong may isang sitcom din sa GMA-7 na interesado ang isang streaming service na ipalalabas. Hindi lang daw sure kung sa Netflix din ba ito.
