PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

PPL Entertainment pays tribute to "iconic" Jaclyn Jose

Talent manager na si Perry Lansigan, sumang-ayon na "iconic ang yumaong aktres.
by PEP Troika
Published Mar 8, 2024
perry lansigan jaclyn jose wake
PPL Entertainment's Perry Lansigan on late Jaclyn Jose: “Kakaiba si Tita Jane. Ang tamang description sa kanya talaga ay iconic. Kasi, may sarili siyang diskarte sa pag-arte. May signature laughter siya.... At hanggang sa huling sandali, kailangan may impact ang paalam ni Tita Jane. Totally unexpected but equally as powerful as her."
PHOTO/S: Jerry Olea / Perry Lansigan Facebook

JERRY OLEA

Bumaha ng luha sa Celebration of Life ni Jaclyn Jose nitong Marso 7, 2024, Huwebes ng gabi, sa Arlington Memorial Chapels sa Araneta Avenue, Quezon City.

Punong-abala sa programa ang PPL management team ni Perry Lansigan.

Read: The secret behind successful manager-talent relationships in showbiz

Ramdam ang personal touch sa pagho-host ni DJ Jhai Ho, na maraming beses nakasama ni Jaclyn sa mga event at mall show.

Pasakalye ni Perry, “Maganda, magandang gabi po. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat.

“By the way, ako nga po pala si Perry Lansigan, manager ni Tita Jane at ng buong PPL Entertainment.

“Pasensiya na po kayo kung kailangan kong isulat yung sasabihin ko. Maikli lang ito pero ayoko pong magkamali. Kasi, baka magalit si Tita Jane, OK.”

Mary Jane Guck ang tunay na pangalan ni Jaclyn, na pumanaw noong Marso 2, 2024.

Read: Multi-awarded actress Jaclyn Jose dies at 60

Binasa ni Perry ang mensaheng sinulat niya sa cellphone, “Anyway, kulang po ang isang gabi at isang programa para gunitain ang puwersa ni Jaclyn Jose, or si Tita Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Lahat tayong nandito ay patunay kung gaano kahalaga at kalalim ang naging impact niya sa bawat isa sa atin.

“Kakaiba si Tita Jane. Ang tamang description sa kanya talaga ay iconic.

“Kasi, may sarili siyang diskarte sa pag-arte. May signature laughter siya. May sarili siyang insights at advice na sadyang sa kanya lang.

“At hanggang sa huling sandali, kailangan may impact ang paalam ni Tita Jane. Totally unexpected but equally as powerful as her.

“Sana sa gabing ito, in our own little way, napadama namin sa inyo , Tita Jane, kung gaano ka kaimportante, at kamahal namin.

“Sa haba ng panahong pinagsamahan natin at ng buong PPL Entertainment Inc., nagpapasalamat kami sa iyo, Tita Jane. Maraming-maraming salamat.

“At sana po… maraming-maraming salamat din po sa pamilya ni Tita Jane… sa buong pamilya niya, sa mga pamangkin niya, sa anak niya, kina Andi [Eigenmann].

“Sana sa konting oras, at sa mumunting paraan, malaman niyo na isang blessing sa buhay namin sa PPL Entertainment si Tita Jane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Let us send her off smiling with that infectious laughter. At ihatid natin siya sa susunod na buhay na masaya.

“Mahal ka namin, Tita Jane. Ang buong PPL Entertainment family po ay nakikiramay sa inyong mga naulila ni Tita Jane.

“Paalam sa nag-iisang Jaclyn Jose.”

ppl entertainment jaclyn jose ake

The PPL Entertainment staff with Jaclyn Jose's family

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Humahaplos at kumukurot sa puso ang pag-awit nina KZ Tandingan, Yumi Lacsamana, at Jai ng Agsunta habang ipinapakita ang mga personal photos ni Jaclyn kasama ang mga kapamilya.

Huling bahagi ng programa ang pasasalamat ni Andi Eigenmann kina KZ, Yumi, Jai, DJ Jhai Ho, at Perry.

Lumagaslas muli ang masaganang luha ni Andi, at kapagkuwan ay natahimik ang mga tao roon. Mga impit na hikbi lang ang naririnig.

ppl entertainment jaclyn jose wake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(From left) Perry Lansigan, Yumi Lacsamana, KZ Tandingan, DJ Jhai Ho, at Jai ng Agsunta

GORGY RULA

Suwabe ang pagho-host ni DJ Jhai Ho sa pagpupugay kay Jaclyn, na Mary Jane Guck sa totoong buhay.

jaclyn jose wake

Hanash ni DJ Jhai Ho matapos ipalabas ang unang set ng pictures ni Jaclyn with friends and family members, “O, di ba? Parang hindi ko naman keri ang ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang hirap po palang mag-host ng ganito… pero siyempre, 'no, bilang isang tagahanga din po, nasubaybayan at lumaki rin po ako kasama siyempre ang mga projects na nagawa ni Tita Jane.

“Like, sabi nga sa Facebook nung lumabas ito, the meme na kumakain siya ng isaw will never be the same dahil nga wala na ang nag-iisang Jaclyn Jose…”

Isaw? Anong isaw? Fishball! Fishball ang nilantakan ni Jaclyn sa may ending ng Ma’ Rosa (2016)!

jaclyn jose ma' rosa

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Jaclyn Jose in Ma' Rosa

“Ay! Oo, sorry po, tao pa rin, nagkakamali po tayo. Wala pong perpekto,” hirit ni DJ Jhai Ho.

“Sana po, maintindihan niyo po yon. Ayaw po ni Tita Jane ng perfect tayo. Di ba, Tita Jane, ikaw na ang bahala sa kanila!” sey pa ni DJ Jhai Ho habang nakatingin sa urn ng cremains ng iconic actress.

Tawanan ang mga tao.

Sey pa ni DJ Jhai Hai, “Charing lang! O, di ba?!”

NOEL FERRER

Noong mga naunang araw, ang ganda lang na habang wala pa si Perry at nasa ibang bansa pa, ang nag-step up ay si Gabby Eigenmann who was there to pick up Andi from the airport at sinamahan siya sa lahat ng dapat gawin, pati na sa pagbigay ng statement sa press noong Lunes, Marso 4.

Read: Andi Eigenmann reveals mom Jaclyn Jose died of a heart attack

Like a true family, maganda ang naging takbo ng visitation/wake at meron ding naka-standby na planner doon na nagngangalang Riva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This way, the family can focus on accepting guests habang ang mga detalye ng seremonya ay may nangangasiwa na.

May Media Room na sa first floor para doon mainterbyu ang mga personalidad o celebrity na nagpupugay kay Jaclyn.

May mga taong sinubukang interbyuhin ngunit tumanggi. Nag-beg off sina Cherry Pie Picache at Direk Brillante Mendoza dahil hindi pa nila kayang magsalita kaugnay sa nangyari.

Tumanggi ring magpainterbyu si Jake Ejercito na present sa wake every night, pati ang sister ni Jaclyn na si Veronica Jones.

Hinihintay pa ang nag-iisang anak na lalaki ni Jaclyn na si Gwen kung makakauwi ba ito.

Nag-aaral si Gwen sa U.S., at kailangang ayusin ang U.S. visa nito para makabalik sa U.S. sakaling umuwi ito sa Pilipinas para sa burol ng ina.

Reead: Meet Gwen Garimond Ilagan Guck, only son of the late Jaclyn Jose

12:00 p.m. hanggang 11:00 p.m. ang visitation hours kay Jaclyn. Hanggang bukas na lang ang lamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong gabi, Marso 8, ay GMA-7 Night, habang bukas, Marso 9, ay PPL ulit at pamilya.

Related Stories:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PPL Entertainment's Perry Lansigan on late Jaclyn Jose: “Kakaiba si Tita Jane. Ang tamang description sa kanya talaga ay iconic. Kasi, may sarili siyang diskarte sa pag-arte. May signature laughter siya.... At hanggang sa huling sandali, kailangan may impact ang paalam ni Tita Jane. Totally unexpected but equally as powerful as her."
PHOTO/S: Jerry Olea / Perry Lansigan Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results