PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gelli de Belen, Ariel Rivera: Canada Migration Plan Halted

Mga anak nina Gelli at Ariel, may mga love life na rin.
by PEP Troika
Published Mar 1, 2024
gelli de belen ariel rivera sons
Gelli de Belen on relationship with husband Ariel Rivera: “Siguro kami na sa isa’t isa na hindi na kami umaasang may magbabago pa sa isa sa amin, dahil yun na yun talaga. Blessed lang kami or I feel blessed na nahanap ko yung para sa akin. Siguro, kasi parang… kung sino yung okay para sa akin, ibig sabihin, siya yung okay para sa yo? Yung nahanap ko lang yung taong swak na swak para sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @gellidebelen on Instagram

GORGY RULA

Hindi na itutuloy ng mag-asawang Ariel Rivera at Gelli de Belen ang matagal na nilang binabalak na permanenteng manirahan sa Canada.

Napagtanto nilang mag-asawa na narito sa Pilipinas ang kanilang trabaho, kaya okay na sila rito, at sa Canada naman nag-aaral ang dalawa nilang anak.

Read: Gelli de Belen, Ariel Rivera spending sunny days with sons in Canada

“We had that plan for a short time. And then we realized na our work is here, e," saad ni Gelli sa media conference ng bagong programa niya sa GMA-7 na Si Manoy Ang Ninong Ko.

"How can we support our children over there when our work is here?

“So, sabi namin, ‘Okay! Pagkatapos na kayo ng high school, saka na kayo dun mag-aral, para pag malaki na kayo, puwede na kayo medyo…'

"Although kasama pa rin naman nila yung pamilya ni Ariel dun, at saka yung lola nila sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Pero at least kaya niyo na maging independent.’

“So, yun yung ginawa namin. Kaya kami, we will always be here to work.”

Tuluy-tuloy ang trabaho nilang mag-asawa, at itong Si Manoy Ang Ninong Ko ay isang public-service program kung saan balik-hosting si Gelli sa GMA-7.

Kasama niya rito ang representative ng Agri Party-list na si Congressman Wilbert Lee, at co-hosts din dito sina Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak.

si manoy ang ninong ko

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“From SiS na masaya lang. From Face To Face na nag-aaway, Face The People, ito tumutulong,” pakli ni Gelli.

“Sinusuyod ang buong Pilipinas, tapos humahanap ng mga taong maaring matulungan. Tinutulungan sila na without any agenda.

"And of course, hindi yung tulong na pang-ngayon lang. Sinisiguro na yung tulong na maibigay sa kanila, is habambuhay. Masasabi nila, habambuhay.

“So, as a host of a program like this, siyempre grateful ako for the opportunity. Hindi lang ito masayang-masaya. It’s really talagang hihimayin ang problema, ng certain area, tapos aalamin kung papano ba sila matutulungan.

“Hindi po kami nagmamagaling. Talagang naghahanap kami ng tamang solusyon, i-discuss namin ni Manoy with our experts kung papano ba talaga sila matutulungan. And I’m just there actually to help them get to that decision.

“It’s really something I am grateful I am a part of. Kasi, while we have done a few episodes, na-realize ko na there’s change. Mapapalitan talaga yung kind of life na maibibigay sa mga tao.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"And I want to be part of that. And I am happy to be part of that,” sabi pa ni Gelli.

Magsisimula na ang Si Manoy And Ninong Ko sa Linggo, Marso 3 ng 7 a.m., sa GMA-7.

Read: Gelli de Belen, Ariel Rivera interact with Gelli-Raymart fan

NOEL FERRER

Magtu-27 years na ang pagsasama nina Gelli at Ariel, at wala na raw mahihiling pa ang actress-TV host.

Sa tagal ng kanilang pagsasama, masasabing sila na raw talaga ang para sa isa’t isa.

Para kay Gelli, ang respeto ang isa sa kailangan para manatiling matibay ang magandang pagsasama.

Read: Gelli de Belen and Ariel Rivera explain why their sons often ask, "Are you fighting?"

“Siguro kami na sa isa’t isa na hindi na kami umaasang may magbabago pa sa isa sa amin, dahil yun na yun talaga. Blessed lang kami or I feel blessed na nahanap ko yung para sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, kasi parang… kung sino yung okay para sa akin, ibig sabihin, siya yung okay para sa yo? Yung nahanap ko lang yung taong swak na swak para sa akin.

"Siguro yung respeto talaga… yung totoong respeto, yung totoong pagmamahalan na talagang hindi na nababago,” saad ni Gelli.

Mahalaga pa rin ba sa kanilang pagsasama ang intimate moments nila?

“Happiness” pa rin ba ang pipiliin nila over chocolates kung tatanungin sila ni Boy Abunda sa Fast Talk?

“Of course! Have to be! Dapat! It’s part of it. It’s part of all the joy and togetherness!” natatawang pahayag ni Gelli.

JERRY OLEA

Masaya na rin si Gelli sa dalawang anak nilang sina Joaquin at Julio na nasa Canada pa rin at patuloy na nag-aaral.

Read: 10 things to know about Joaquin and Julio, sons of Gelli de Belen and Ariel Rivera

“Si Joaqui is 25, Julio is 23, nagma-masters yung isa [Julio]… gusto pang mag-aral, 'no?” bulalas ni Gelli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-master ng Kinesiology, science of the movement of the body. Si Joaquin, nagpi-Physics naman ngayon.

“Nakakatakot nga e! Gusto nilang mahirapan!” dagdag niyang pahayag.

Read: Gelli de Belen relates how her sons got into selling biko in Canada as a side hustle

Masaya na rin daw siya sa love life ng mga anak niya, at hindi niya pinapakialaman ang mga ito.

“Lahat sila, may mga girlfriends na. Naka-ilang girlfriend na nga yung isa e,” sambit niya.

Aminado si Gelli na matagal niyang natanggap na kailangan na rin ng mga anak niyang magkaroon ng sarili nilang love life.

“Alam mo nung una, parang kailangan ko talagang kalamayin yung loob ko. Kailangan ko talagang i-psyche yung sarili ko na siyempre, lumalaki sila, di ba?

“They’re growing up, they’ve become men, of course they want to fall in love, right? We all want to fall in love!

“So, iniisip ko, isipin mo na kung sino man yung girlfriend nila, is an additional person who will love and take care of my son.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, iyon na lang lagi yung iniisip ko. Kaya kailangan, good ako sa kanila,” napangiting pahayag ni Gelli.

Read: Gelli de Belen at Ariel Rivera, tanggap na iiwanan na ng mga anak

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gelli de Belen on relationship with husband Ariel Rivera: “Siguro kami na sa isa’t isa na hindi na kami umaasang may magbabago pa sa isa sa amin, dahil yun na yun talaga. Blessed lang kami or I feel blessed na nahanap ko yung para sa akin. Siguro, kasi parang… kung sino yung okay para sa akin, ibig sabihin, siya yung okay para sa yo? Yung nahanap ko lang yung taong swak na swak para sa akin."
PHOTO/S: Gorgy Rula / @gellidebelen on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results