JERRY OLEA
Pinakamapangahas na pelikula so far nina Angela Morena, Victor Relosa, at Josef Elizalde ang Kabit, na nag-streaming umpisa Pebrero 23, 2024, Biyernes, sa Vivamax.
Read: Pinoy Sexy Movies 2023: Who are the new Vivamax Queens and Los Hubaderos?
Kabitan ang napabalitang unang pamagat ng "pelikuLAW" ni Lawrence Fajardo, kung saan ang halos kabuuan ay kinunan sa DL Umali Auditorium ng UP Los Baños sa College, Laguna.
Nag-frontal nudity sina Angela, Victor, at Josef sa pagtatanghal ng dulang El Querido sa pelikula.
Nagkabit ng lawit si Victor at tinanggal niya iyon sa isang eksena. Ewan kung tunay o ikinabit din lang iyong ibinuyangyang nina Angela at Josef.
May mga sandaling nakitang naka-plaster sina Josef at Victor.
First time mag-prosthetic penis si Victor sa pelikula.
“Nakakailang po sa umpisa,” pahayag ni Victor nitong Pebrero 26, 2024, Lunes ng madaling-araw, via audio file sa Messenger.
“Kasi, ang weird ng feeling na may something na nakadikit sa yo, and alam mong hindi sa yo yun.
“So ayun, medyo weird ang feeling. Tapos siyempre kailangan naming gawan ng paraan para magmukhang totoo tingnan sa kamera, ganun.
“Pero kapag ano na, nung nagte-take na kami, parang hindi ko na siya napansin. Parang sobra akong in the moment na parang… parang nawala siya bigla, hindi ko na siya nararamdaman, ganun.”
Nag-prosthetic penis na before ang iba pang aktor sa Vivamax.
Andiyan sina Gold Aceron at Mark Anthony Fernandez sa Scorpio Nights 3 (2022) na idinirek din ni Lawrence Fajardo, JC Tan at Rash Flores sa Bata Pa Si Sabel (2022) na idinirek ni Reynold Giba, Nikko Natividad sa Salamat Daks (2023) na idinirek ni Bobby Bonifacio Jr., Paolo Gumabao sa Silip Sa Apoy (2022) na idinirek ni Mac Alejandre, Vince Rillon sa Kaliwaan (2022) na idinirek ni Daniel Palacio, Marco Gomez sa #DOYOUTHINKIAMSEXY (2022) na idinirek ni Dennis Marasigan, to name a few.
Read: Hubadero 2022 Edition: Male stars who did frontal nudity (real or prosthetic) in movies
Madugo ang sukdulan ng El Querido. Kumusta sila ni Angela pagkatapos? Napagod ba sila nang lubos? Natawa ba sila?
Pag-amin ni Victor, “Of course, natatawa kami ni Angela. And even yung prosthetic team namin, yung make-up team namin, nung kinakabit namin yun…
“Siyempre, hindi ko naman puwedeng ikabit yun na mag-isa. So, sila yung nagkabit, and tawa sila nang tawa. Nakakatawa siya pag kinabit. Nakakatawa yung itsura niya, e.
“Nagulat ako na somehow realistic siyang tingnan sa kamera. Kasi in person talaga, parang ang layo ng kulay niya sa balat ko.
“And andaming make-up na nilagay namin para magmukha siyang totoo! At yun nga, sobrang weird experience pala gumamit ng prosthetics.
“Tapos siyempre, papanoorin mo si Angela, hinahawakan niya yung prosthetics.
“Weird! Sobrang weird ng pakiramdam nung ginagawa namin yung eksena na yun.”
Ang dulang El Querido ay akda ni Jim Flores.
May bahid ito ng nobelang Lady Chatterley’s Lover (1928) ni D.H. Lawrence, na inspirasyon ng Viva movie na Ang Kabit ni Mrs. Montero (1999) na tinampukan nina Patricia Javier, Edu Manzano, Gardo Versoza, at Sunshine Cruz.
Sa dulang El Querido, mag-asawang Montero — Antonio at Amparo — sina Victor Relosa at Angela Morena.
Pahayag pa ni Victor, “First time naming lahat gumawa ng isang theatrical na play sa isang pelikula.
“May background din naman ako sa theater. Pero iba yung feeling pag gumawa ka ng theater sa loob ng film, e.
“Medyo weird yung feeling. Kasi it’s like theater, pero at the same time, hindi theater. So, hindi ko din ma-explain.”
Dagdag pa-dibdib sa Kabit si Dyessa Garcia. Isa siyang magandang palamuti.
Bidang-bida sa pelikula si Onyl Torres bilang direktor ng dula na si Harry dela Fuente. Andami niyang malulutong na linya.
Halimbawa, “Malaswa? Mga ipokrito. Don’t they have culture? Don’t they see beauty in aesthetics? Tungkol sa paggahasa ng mga dayuhan sa ating Inang Bayan ang play na ito!
“Ano bang itinuturo ng mga iyan sa Philosophy class nila?”

Onyl Torres in Kabit
Eksenadora rin si Frannie Zamora bilang Frannie, ang mentor ni Harry.
Kasama sa cast si Lawrence Fajardo bilang lighting director.
Katuwang ni Direk Lawrence ang scriptwriter na si John Bedia sa pagbuo ng kuwento.
NOEL FERRER
Sino ba si Victor Relosa? Saan niya kinukuha ang pagiging mapangahas niya?
Bago ang Kabit ay nagkatrabaho na sina Angela Morena at Victor sa isang episode ng four-part anthology na Secret Campus, sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.
Salaysay ni Victor, “As always very professional si Angela, e. Nung first time ko siyang nakatrabaho, yun ang napansin ko sa kanya.
“Na parang at that time, sa lahat ng nakapares ko, siya yung pinaka-professional kong naka-work.
“Iba yung ibinibigay niyang presence kapag nasa set. Talagang very, very respectable and professional siyang kumilos at magtrabaho.
“And sa performance naman, mas nag-level up siya dito sa Kabit. Especially yung mga ano niya talaga kapag mga love scenes.
“Yung mga curves niya, yung ano ng katawan niya pag kina-curve niya. Yung pag-anggulo niya sa kamera.
“For me, sa lahat ng nakapares ko, siya yung pinakamagaling sa ganon. And ayun, masarap siyang katrabaho. Mabait siya, and collaborative.
“Talagang nag-uusap kami. Kasi yung love scene, tinuturo sa amin ni Direk yung blockings. Pero kung paano namin gagawin, nag-uusap kami ni Angela dun.
“So, may peg kami. May isang eksena na parang inspired sa love scene na napanood namin sa ibang pelikula.
“So ganun, nakakapag-usap kami nang komportable about sa mga ganung eksena. And iyon ang nagustuhan ko sa kanya, napaka-professional niyang ka-work.
“And even the rest of the cast. Lahat po, professional sa ginagawa. Si Direk Law naman, first time ko siyang nakatrabaho. At masarap ding katrabaho si Direk Law.
“Binibigyan niya ng freedom yung artista niya na i-interpret yung karakter. Siyempre with his approval din naman yon.
“Pero overall nag-enjoy ako sa pagsu-shoot namin nitong Kabit.”
Tingnan natin kung saan dadalhin sila Angela at Victor sa Kabit na pelikula nila.
GORGY RULA
Na-challenge si Victor Relosa sa Kabit, kung saan tigdadalawang karakter ang ginampanan nila nina Angela Morena at Josef Elizalde.
“Isa sa play at isa sa parang in real life na character. Yun ang unang challenge,” pahayag ni Victor.
“Pangalawa, maraming shot dito na talagang hindi namin alam na sinu-shoot kami. Kasi for example, yung workshop.
“Yung workshop na yun, parang nilagay lang dun yung kamera pero totoong nag-workshop kami.
“Nung nilabas siya sa film, parang one or two minutes lang siya. Pero nung ginawa namin yun, parang mga one hour na nagwo-workshop kami nun.
“Tapos kamera lang. Pero siyempre, hindi namin hinahanap yung kamera. Basta kinukunan lang kami, e. Palipat-lipat sila.
“So ayun, may mga part talaga ng film na raw yung emotion namin, hindi kami umaarte. Kasi, talaga siyang kinukunan, totoong nangyayari siya.
“Wala siya sa script, ganun. And ayun, medyo maraming scene na na-drop. I think masyado nang humaba ang pelikula.”
Nagulat si Victor na lampas sa dalawang oras ang running time ng pelikulang Kabit.
“Pero madami pa sanang element dun sa pelikula na hindi naisama sa final cut,” pagsisiwalat ni Victor.
“Tulad nung background ng karakter ko, na kung bakit humantong ako dun sa point na kailangan kong… kung bakit ko na-rape si Laura sa stage dahil sa kagustuhan kong maibalik yung fame ko.
“Kasi, laos na ako, e. And meron dung isang scene na pinakita, na kino-compare ako sa isang kasabayan ko.
“Actually, madaming eksena na ganun, na pinapakita yung hugot ni James, kung gaano siya kadesperado na makabalik sa entablado, kaya ginawa niya yung final act na yon, na ni-rape.
“Para mas makatotohanan, para mas maingay yung play nila. But sadly, hindi na yun naisama sa final cut.
“And even yung kay Angela, marami pa kaming eksena ni Angela outside the play na hindi na rin naisama sa final cut, kasi nga medyo napahaba yung pelikula.
“Maraming eksena dun yung ligawan portion. Sa script kasi nun, may level kami, e. From strangers to konti-konting nade-develop hanggang sa sobrang naging comfortable kami.
“Yung parang MU na, parang MU kami. Kaso, mas nangibabaw yung feeling ko na kailangan kong i-save ang career ko.
“Kaya kahit mahal ko na siya, nagawa ko yun sa kanya.”

JERRY OLEA
Siyempre pa, No. 1 this week sa Top 10 ng Vivamax ang Kabit.
Pangalawa ang Salitan (2024) nina Vern Kaye, Angelica Hart, Nico Locco, at Matthew Francisco aka Matt Francisco.
Pangatlo ang Eva (2021) nina Angeli Khang, Ava Mendez, Marco Gomez, at Ivan Padilla.
Pang-apat ang Ahasss nina Angela Morena, Gold Aceron, Janelle Tee, Ian Curtis, at Jao Mapa.
Panlima ang Katas (2024) nina Sahara Bernales, Yda Manzano, Cariz Manzano, Aria Bench, at Chester Grecia.
Pang-anim ang BJJ: Woman On Top (2023) nina Angela Morena, Yuki Sakamoto, Jela Cuenca, at Jiad Arroyo.
Pampito ang Takas (2024) nina Cess Garcia, Audrey Avila, Mon Mendoza, at Rome Guinto.
Pangwalo ang Dilig (2024) nina Dyessa Garcia, Chad Solano, Rica Gonzales, at JD Aguas.
Pansiyam ang Salawahan (2024) nina Angeli Khang, Albie Casiño, Sheila Snow, Van Allen Ong, at Itan Rosales.
Bukas, Pebrero 27, Martes, ay streaming na sa Vivamax ang Salisihan nina Zsara Laxamana, Amabella de Leon, Chester Grecia, at Ralph Christian Engle.
Sa Marso 1, Biyernes, naman ang streaming ng erotic trilogy na EKS ni Yen Durano, kasama sina Albie Casiño, Felix Roco, Itan Rosales, Chester Grecia, at Raffy Tejada.
Marso 8, Biyernes, ang streaming ng Kapalit nina Rica Gonzales, Cess Garcia, Matt Francisco, at Mikhael Padua.
Marso 12, Martes, ng streaming ng Kalikot nina Sheila Snow, Van Allen Ong, at Arah Alonzo.
Marso 15, Biyernes, ang streaming ng Mapanukso nina Sean de Guzman, Itan Rosales, Marco Gomez, Mon Mendoza, at Calvin Reyes. Co-stars sina Tiffany Grey, Ataska, Rica Gonzales, Thia Ledesma, at Cath Ventura.
Marso 22, Biyernes, ang streaming ng Rita nina Christine Bermas, Victor Relosa, Gold Aceron, at Josh Ivan Morales. Idinirek ito ni Jerry Lopez Sineneng, mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee.
Marso 26, Martes Santo, nakatakda ang streaming ng Kasalo nina Vern Kaye, Albie Casiño, Rash Flores, at Mia Cruz.
Marso 30, Sabado de Gloria, naman ang streaming ng TL.
