GORGY RULA
Patuloy sa pagpo-promote ang Sparkle Teens sa kanilang TikTok Kilig series.
Noong nakaraang Linggo, February 18, 2024, ay nasa Enchanted Kingdom ang tambalang AshCo nina Ashley Sarmiento at Marco Masa, at ang PrYce love team na sina Princess Aliyah at Bryce Eusebio.
Katatapos lang ng Secret Notes ng tambalang AshCo.
Read: Marco Masa at Ashley Sarmiento, magkainlaban kaya sa tunay na buhay?
Noong February 16 ay nagsimula naman ang episode na Beyond The Game ng PrYce love team nina Princess at Bryce.
Ayon kay Bryce, hindi ganun kadali magpakilig sa isang love team.
Nagpapasalamat siya sa magandang samahan nila ni Princess, na matagal niyang nakasama sa workshop at ibang activities. Talagang nabuo raw nila ang tiwala sa isa’t isa, kaya napag-aralan niya kung paano magpakilig kasama ang ka-love team.
“We have to build trust in each other po kasi, e. That’s why we have to get to know with each other,” pakli ni Bryce.
“Ako personally, hindi ko alam sa iba, pero yung kilig, parang mararamdaman mo siya, e. Kung kailan ako magpapakilig, kung kailan ako kikiligin.
"That’s why we have to know each other kung saan makikilig si Princess.
"Pag nagsabi siya ng mga pakilig lines kunyari, you have to trust your feeling para maniwala ako sa kanya.
“You have to know each other nang malalim. And trust each other.
“Hindi na rin po ako ganun kanahirapan when it comes to Princess. Kasi magkasama na talaga kami sa Sparkle Teens, nagkakausap na talaga kami.
"May friendship na kami. Ang dami na namin na-workshop e. We talked a lot na kami lang po ang nakakaalam.
"So, first time ko yun na-experience kay Princess.
“We built the trust na sinasabi ko,” dagdag niyang pahayag.
Masyado pang bata sina Bryce at Princess para intrigahing magkakadebelopan sila sa kanilang PrYce loveteam.
“Bata pa kami talaga. I think, partly I hold the responsibilities kasi ako yung lalaki. Wala pa po muna yan.
“Pero again, we are teenagers. Lalake at babae kami, hindi ko po alam kung ano yung… I’m not limiting.
"Pero for now talaga, I think hindi pa po namin talaga iniisip yan. We’re still kids po. Abangan na lang po natin pagtanda na,” saad ni Bryce.
Bukas naman si Princess sa ganung posibilidad.
“Why not po? Kasi siyempre, hindi talaga natin yun maiiwasan right now kasi we’re really good friends.
"So, baka mas tumagal pa yung ano namin, tumatag pa yung relationship namin as friends, and malay mo mag-bloom.
"Kasi, why not, guwapo naman si Bryce, di ba? Matangkad, mabait. Ideal type ng isang babae,” napapangiting pahayag ni Princess.
Nakikita sa TikTok series nilang involved ang fan base sa comments nila. Pero abangan natin kung kaya nang umalagwa ng love team nila kapag mabibigyan sila ng magandang programa sa GMA-7.
Hanggang February 22 mapapanood ang Beyond The Game series nina Bryce at Princess sa TikTok.
Pagkatapos nito ay magsisimula naman sa February 24 hanggang 29 ang Kilig series nina Sofia Pablo at Allen Ansay na pinamagatang Mystery Girl.
NOEL FERRER
At habang nagtatanong pa rin ang marami kung nasaan ang Mr. M touch sa Sparkle, biglang lumabas ang publicity materials para sa Sparkle concert sa Canada with Johnny Manahan directing the JuliVer, RuCa & BarDa love teams.
Pero sana talaga, mas maramdaman pa natin ang magic touch and guidance ni Mr. M sa mga Sparkle stars para mas magka-premium pa ang mga ito.
What do you think?
JERRY OLEA
Kung ang GMA Sparkle ay merong Mr. M, ang NET25 Star Circle ay meron namang Mr. Q sa katauhan ni Eric Quizon.
Read: Eric Quizon, susundan ang yapak nina Kuya Germs at Mr. M?
Ang Starkada artists na inaalagaan ni Mr. Q ay merong mall tour sa Pebrero 25, Linggo ng 3:00 p.m. sa Upper Ground Floor ng Fisher Mall sa Quezon Avenue, Quezon City.
Kasama sa mall tour ang ilang artista ng May For Ever at 3-iN-1, kabilang sina Empoy Marquez, Epy Quizon, Michelle Vito, TJ Valderama, Vito Quizon, at Anthony Ocampo.

Siyanga pala, ang kaibigang Chris Cahilig ay nag-shout out sa Facebook noong Pebrero 10, “After two years, may nanggaya na ng concept namin na TiTtok romcom series. Nakakaflatter!”
Bago ang Kilig series ng Sparkle teens, nauna sa TikTok ang Puregold series na 52 Weeks nina Queenay Mercado at Jin Macapagal, na sinundan ng Pinoy BL series na My Plantito nina Kych Minemoto at Michael Ver Comaling.
Read: Kych Minemoto, nakilala nang husto si Michael Ver habang ginagawa ang kanilang BL series
Level up na ang Puregold na maghahatid ng CinePanalo filmfest sa Marso. Tampok dito ang anim na full-length films, at 25 short films.
Ang full-length finalists na tumanggap ng PHP2.5M grant each ay Pushcart Tales ni Sigrid Bernardo, Road to Happy ni Joel Ferrer, A Lab Story ni Carlo Obispo, Boys at the Back ni Raynier Brizuela, Under the Piaya Moon ni Kurt Soberano, at One Day League: Dead Mother, Dead All ni Eugene Torres.
Lights, camera… PANALO!!!
