JERRY OLEA
Tulungan sina Liza Soberano at Enrique Gil sa promo ng kani-kanyang pelikula na ipalalabas ngayong Pebrero 2024.
Read: Enrique Gil confirms he and Liza Soberano to be still together
Sa Pebrero 7, Miyerkules, na ang showing sa local cinemas ng Hollywood film na Lisa Frankenstein kung saan kasali si Liza.
Bida sa horror comedy na ito sina Kathryn Newton at Cole Sprouse.
Read: American filmmaker declares Liza Soberano to be future "superstar"

Kathryn Newton (left) and Liza Soberano in Lisa Frankenstein
Sa Pebrero 14, Valentine’s Day and at the same time Ash Wednesday, magpapauga ang birdkada movie na I Am Not Bird kung saan dual role si Enrique.
Ka-birdie rito ni Enrique sina Pepe Herrera (Lods ng super-blockbuster na Rewind), Nikko Natividad aka Nikko Daks, at Red Ollero.
Ang direktor ay si Victor Villanueva na nagdirek ng mga pelikulang Patay Na Si Hesus (2016), Boy Bastos (2022), at Kidnap for Romance (2023).

Nikko Natividad (left) and Enriqur Gil in I Am Not Big Bird
Sa trailer ng movie, may blurb from Liza na, “Hello, Big Bird!”
Pahayag ni Enrique sa mediacon nitong Pebrero 1, Huwebes ng gabi, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN Compound, Quezon City, “Siyempre nag-usap kami, kasi I mean, gumawa din ako ng promo for her movie Lisa Frankenstein which sana, guys, mapanood niyo din. Yung Lisa Frankenstein.”
Nagpalakpakan at napahiyaw ang fans na present sa mediacon.
Pagpapatuloy ni Enrique, “So ako naman, sabi ko, ‘Ako rin, sana tulungan mo, kahit isang ano lang, isang statement dun sa trailer.’ So yun, so yun. Ha! Ha! Ha!”
Ang sinabi nga raw ni Lisa na statement, “Hello, Big Bird!”
Sey ni Enrique, “Yun ang sinabi niya. Ha! Ha! Ha! Ha! Yun ang sinabi niya, ‘Hello, Big Bird!’
"Sabi ko, ‘OK yan, puwede yan! Ilagay na natin yan sa trailer.’
“Simple. Sabi ko, ‘Simple lang, kahit one-liner lang.’ ‘OK. Hello, Big Bird, OK na yun.’ Game.”
Read: Enrique Gil, napagkamalang porn star sa Thailand?

Co-producer si Enrique ng I Am Not Big Bird kaya masigasig siya sa pagpo-promote nito.
Unang putok sa Cebu, "The Big Bird Penetrates Cebu" bukas, Pebrero 3, Sabado… 1:00 p.m. sa SM City Consolacion, at 4:00 p.m. sa SM City Cebu.
Teka! A-attend ba si Enrique sa celebrity screening ng Lisa Frankenstein sa Pebrero 6, Martes ng gabi, sa SM Aura, Bonifacio Global City, Taguig City? Hello!!!
NOEL FERRER
Take note na huling napanood sa big screen sina Liza at Enrique ay sa pinagtambalan nilang Alone/Together na ipinalabas noong Pebrero 13, 2019.
Read: The LizQuen love story: from reel to real
Ngayon ay may kani-kanya na silang comedy movie. Alin kaya ang mas noteworthy? Alin ang mas lalabasan ng katatawanan?
Kasabay ng Lisa Frankenstein sa February 7 ang pelikula nina Aga Muhlach at Julia Barretto na Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko, ganun din ang No Way Up, Mean Girls, at Tokyo Revengers 2 Part 2: Bloody Halloween — Final Battle.
Nasa February 14 playdate din ang Slay Zone nina Pokwang at Glaiza de Castro, pati ang Death Whisperer, Madame Web, at Poor Things.
GORGY RULA
Baka type ng mga manonood ngayon ang comedy kagaya ng My Sassy Girl nina Toni Gonzaga at Pepe Herrera.
May press release ang Viva na naka-PHP5.2M daw ito sa first day ng showing noong Enero 31, Miyerkules.

Pero ayon sa bookers na napagtanungan namin, halos PHP2.7M lang daw ang kinita nito.
Maganda pa rin yun, at sana ma-maintain. In fairness, iyon ang pinakamalakas sa mga pelikulang palabas that day.
Kasabay niyon na nag-open sa local cinemas ang foreign films na Argylle, Jackdaw, Priscilla, at The End We Start From.
Nadagdagan ang mga sinehan ng Toni-Pepe movie. Mula sa 175+ cinemas noong opening day, 200+ cinemas na ito this Friday.
Maaaring mas nakaka-relate ang moviegoers sa My Sassy Girl dahil napanoof ng karamihan ang original Korean movie na ipinalabas noon pang 2001, at pinagbidahan nina Jun Ji-hyun at Cha Tae-hyun.
Ginawa rin itong K-drama series noong 2017, kung saan bida sina Joo Won at Oh Yeon-seo.
Tingnan natin kung ma-gets nila itong comedy ng I Am Not Big Bird ni Enrique Gil. Magaling naman mag-promote ang Star Cinema, kaya baka may magagawa sila.
Hindi ko alam kung makakatulong ang isyu nina Enrique at Liza Soberano sa promo ng dalawa nilang pelikula.
Mami-miss kaya ng mga fans si Liza at papanoorin nila itong Lisa Frankenstein kahit second lead lang siya rito? Hindi ko pa gaanong na-feel. Pero good luck na rin!
