PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MIFF Day 3: Christopher de Leon 'sinorpresa' Vilma Santos

Alden Richards dumating na sa Los Angeles.
by PEP Troika
Published Feb 2, 2024
christopher de leon dingdong dantes piolo pascual miff
Christopher de Leon (left photo, with Bunny Paras) gets a surprise video call from When I Met You In Tokyo leading lady Vilma Santos; (right photo) matinee idols Dingdong Dantes of Rewind and Piolo Pascual of Mallari pose for a photo op.
PHOTO/S: Oliver Carnay / Sthanlee B. Mirador on Facebook

NOEL FERRER

DAY 3 RECAP: 1st MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL (MIFF).

LOS ANGELES, CALIFORNIA - Big day nitong Enero 31, 2024, Miyerkules, for films like When I Met You In Tokyo and Becky & Badette which had their Talk Back Q & A Sessions.

Talaga namang full pack ang audiences, pati na ang last showing of Rewind.

May instant participation si Star for All Seasons Vilma Santos sa Talk Back, kasi vinideo call siya ni Bunny Paras (host) habang nasa stage ang lead actor sa When I Met You In Tokyo na si Christopher "Boyet" de Leon.

Read: Vilma-Boyet MMFF 2023 movie mas malakas sa mga Pinoy sa Amerika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumalo rin para suportahan ang kapatid na si Papa Bo ay si Pinky de Leon kasama ang kanyang anak.

Meron ding naging session with the directors and cinematographers, pati na yung mga bihasa at sanay na mag-campaign for awards in Hollywood like the Oscars at Golden Globes.

Dumating na rin dito sa L.A. si Alden Richards to represent his movie with the Megastar Sharon Cuneta na Family Of Two (A Mother and Son Story). Mamaya may Talk Back session siya.

May extra screening din ang GomBurZa mamaya dahil marami pa ring nagre-request na mapanood ito lalo pa’t malakas ang Jesuit Community dito sa Los Angeles.

Pebrero 2, Biyernes, ang Closing Night at Awards Gala, kung saan siyam na awards ang pinili ng anim na hurado ng MIFF.

Hindi ko talaga alam ang ie-expect ko. Sana, magka-chance talaga akong makausap ang isa sa mga hinahangaan kong artista noon pa man na si Hilda Koronel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parang mas marami pa kayong mga nasasagap na mga bali-balita sa mga kaibigan natin dito na sidelights din dito!

JERRY OLEA

Tigdalawa ng pelikula sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual sa 49th Metro Manila Film Festival (MMFF). Pero siyempre, ang tinutukan nila sa promo ay ang kani-kanyang pinagbidahan.

Read: Piolo Pascual, Dingdong Dantes, Alden Richards kabilang sa MMFF 2023 stars na dadalo sa MIFF sa Los Angeles

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa MMFF 2023 Parade of Stars noong Disyembre 16 ay hindi sila naglagare sa sinakyang float.

May special participation si Dingdong sa Firefly, pero doon siya naka-focus sa Rewind nila ni Marian Rivera.

May special participation si Piolo sa GomBurZa, pero naka-focus siya sa Mallari kung saan apat ang roles niya.

Take note na ang undisputed topgrosser ng MMFF 2023 sa unang araw pa lang ay ang Rewind, followed by Mallari.

Read: MMFF 2023's Top 5 Box-Office Ranking Revealed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ongoing Manila International Film Festival sa Los Angeles, California, sumama si Dingdong sa Team Firefly, at ka-join si Piolo sa Team GomBurZa.

Ang Firefly ang best picture ng MMFF, pero ang GomBurZa ang may pinakamaraming parangal.

Maliban kina Dingdong at Piolo, present sa MIFF ang iba pang mga lead actors ng MMFF entries na sina Christopher de Leon, Cedrick Juan, Alden Richards, at Christian Bables.

Missing in action sina Derek Ramsay at Matteo Guidicelli.

Ang deliberation at botohan ng anim na mga hurado ng MIFF ay nakatakda sa Pebrero 2, Biyernes, the day itself — kagaya sa MMFF na noong Disyembre 27 nagtalastasan ang labing-isang hurado sa pangunguna ng chairperson na si Direk Chito S. Roño, at vice chair na si Lorna Tolentino.

Bilang technical consultant ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), present si Direk Jose Javier Reyes sa inaugural MIFF. Kabilang si Direk Joey sa labing-isang hurado ng MMFF.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: PEP Troika: Best Actors and Actresses of 2023

GORGY RULA

Hindi talaga mawawala ang kanegahan, inggitan, at intrigahan sa ganitong event ng mga kababayan natin sa ibang bansa.

Ngayon lang siguro nila nakitang kaya naman palang makabuo ng ganun kalaking event na dinadaluhan ng mga kababayan at nag-enjoy sa pakikisalamuha sa mga sikat na artista.

Sa patuloy na pag-update natin sa mga nagaganap sa MIFF, may ilan namang sitsit na nakakarating sa atin na nilalait daw ang di magandang pag-aasikaso ng organizers sa naturang filmfest.

May mga nagsasabing hindi raw maganda ang ibinigay na accommodation sa mga artista at ibang invited guests. Ka-cheapan daw ang kinuhang hotel at magulo raw ang coordination.

May mga reklamo ring nakakarating sa amin, na may artistang bida sa isa sa mga entries na nag-attitude daw.

Pero nang nakausap ko naman ang ilang taong nandiyan at ilang taga-produksiyon ng pelikulang yun, wala naman daw ganung attitude itong si artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinusunod daw ang lahat na nakasaad na activities. At kahit may ilang last minute na changes ay wala naman daw silang narinig na reklamo mula kay artista.

Ano kaya ang totoo at bakit kaya may mga ganung intrigahan?

May nakarating din sa aming balitang may ilang grupo raw na gustong hawakan itong MIFF sa susunod na taon dahil hindi sila natutuwa sa namamalakad ngayon.

Hay, naku! Typical Pinoy na sa halip makipagtulungan sa ganung magandang adhikain, umiiral na naman ang crab mentality para maiangat ang sarili!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher de Leon (left photo, with Bunny Paras) gets a surprise video call from When I Met You In Tokyo leading lady Vilma Santos; (right photo) matinee idols Dingdong Dantes of Rewind and Piolo Pascual of Mallari pose for a photo op.
PHOTO/S: Oliver Carnay / Sthanlee B. Mirador on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results