JERRY OLEA
Namamayagpag ngayon ang GMA News and Public Affairs, sa pelikula man o teleserye.
Ang pelikulang Firefly na best picture ngF MMFF 2023 ay magkatuwang na iprinodyus ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.
Read: Vilma Santos, Cedrick Juan, Firefly, Gomburza win big at MMFF 2023 Gabi Ng Parangal
First time mapanood ni Dingdong Dantes ang Firefly sa screening nito sa 1st Manila International Film Festival sa Los Angeles, California.
“It’s such a beautiful film. Grabe. Nakakaantig ng puso,” sabi ng Kapuso Primetime King sa interbyu na naka-post sa socmed accounts ng GMA Pictures.
Dagdag ni Dingdong, nakaka-inspire ang Firefly at maraming childhood memories ang bumalik sa kanya. Nang usisain si Dingdong if he cried a little bit, ang tugon niya,
“Not just a little bit. Ha! Ha! Yeah, from middle ‘til the end. Medyo kailangan ng konting oras to process, especially the ending.
“Kahit na alam ko na yung kuwento, ha?!”
View this post on Instagram
Sa Game of Ratings sa primetime, nakaporma na ang Black Rider ni Ruru Madrid sa FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.
Nitong Enero ay tatlong beses tinalo ng Black Rider ang FPJ’s Batang Quiapo — noong Enero 24, 29, at 31.

Read: Black Rider ni Ruru Madrid at Batang Quiapo ni Coco Martin, seesaw ang labanan sa ratings
Prodyus ng GMA Public Affairs ang Black Rider, pati ang panghapong teledrama na Makiling nina Elle Villanueva at Derick Monaterio.
Pinusuan at kinilingan ng televiewers ang Makiling!

Sa tagumpay na ito ng GMA Public Affairs, nawa’y huwag nang lumaki ang reklamo ng stuntmen ng Black Rider. Nawa’y maayos ang gusot sa lalong madaling panahon!
GORGY RULA
May mga nakakarating nga sa amin na isyu sa Black Rider, at kasabay nito ang pag-resign ng ilang staff.
Sana, kaagad maaksyunan ito at maayos, dahil gumaganda pa naman ang kuwento ng Black Rider at nakakalaban na sa Batang Quiapo.
Mas mabuti sigurong maimbestigahan at ma-address ang problema at magawan ng solusyon. Hindi lang natin maidetalye dahil wala pa tayong nakakausap mula sa Black Rider.
Ang maganda naman sa Makiling, ang lakas pala ng dating nila sa mga manonood.
Nagulat ako at may kumakausap na sa akin kung puwede raw ba maimbita ang main cast ng Makiling para sa kanilang fiesta.
Nire-request nila sina Derrick Monasterio at Elle Villanueva, at ang Crazy 5 na sina Myrtle Sarrosa, Kristoffer Martin, Royce Cabrera, Claire Castro, at Teejay Marquez.
Read: Derrick Monasterio not offended when girlfriend Elle Villanueva criticizes his acting
Sa mga ganung event, nakahanda na raw ang Crazy 5 na talakan sila o baka batuhin pa ng mga tao sa sobrang galit sa kanila.
Naaamoy naming mae-extend nang bonggang-bongga ang Makiling!
NOEL FERRER
Sa mga nag-aabang sa awards night ng inaugural MIFF, matindi ang labanan sa best actor lalo pa’t nasa Los Angeles, California, sina Dingdong, Piolo Pascual, Cedrick Juan, Alden Richards, Christopher de Leon, at Christian Bables.
Tingnan natin kung ang MMFF 2023 best picture na Firefly ay siya ring best picture ng MIFF, at kung aling pelikula ang tatanggap ng Special Jury Prize.
Ibinalita ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa kanilang Facebook page na showing ang MMFF 2023 entries na Firefly, When I Met You In Tokyo, at Family Of Two (A Mother and Son Story) mula Pebreo 7 hanggang 17 sa FDCP Cinematheque Centres nationwide — sa Manila, Iloilo, Davao, Negros, at Nabunturan.
