PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Seesaw Ratings Battle: Black Rider & Batang Quiapo

Stolen Life, tinasaan sa ratings ang Abot-Kamay Na Pangarap.
by PEP Troika
Published Jan 31, 2024
ruru madrid coco martin ratings
After quite a long time, GMA-7's Black Rider starring Ruru Madrid (left) was finally able to beat Kapamilya Channel's Batang Quiapo starring Coco Martin (right) in the ratings game.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN

JERRY OLEA

Kinabog na naman ng Black Rider ni Ruru Madrid ang FPJ’s Batang Quiapo ni Coco Martin.

Noong Enero 24, 2024, Miyerkules, ay naka-12.5% ang Black Rider, kontra sa 12.2% ng FPJ’s Batang Quiapo.

Nang sumunod na dalawang gabi ay wagi muli ang teleserye ni Coco.

Read: Pilot episode ng Black Rider, kumasa ba sa Batang Quiapo?

Pero noong Enero 29, Lunes, ay naka-13.1% ang Black Rider, kumpara sa teleserye ni Coco na naka-12.8%.

Inusisa ko si Ruru sa 20th wedding anniversary celebration nina Gladys Reyes at Christopher Roxas noong Enero 27, Sabado ng gabi, sa Glass Garden events place sa Pasig City kaugnay sa pagwawagi ng kanyang serye over Coco’s.

Nakangiting pahayag ni Ruru, “Well… siyempre kahit naman po sino, talagang matutuwa sa ganyang balita.

“But you know, for me, at alam naman po yun ng lahat ng tao, na I’m not here to compete with anyone else, you know.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Makagawa po ng magandang programa po sa mga tao, yun po ang goal namin. Not just to entertain people but also makapagbigay ng aral lalung-lalo na po sa mga kabataan.

“So happy pa rin, kasi nagbunga po lahat ng pagod, lahat ng mga pagsubok na pinagdaanan namin sa programa na ito — parang natanggal po lahat ng pagod.

“So ngayon, we’re very… kumbaga inspired to do yung mga stunts, or mga eksena na aabangan po ng ating mga manonood, lalo po at papasok na yung Season 2 namin.”

NOEL FERRER

Waging-wagi sa ratings ang mga panghapong programa ng GMA-7, sa pangunguna ng Abot-Kamay Na Pangarap.

Totoo ba ang bali-balitang extended hanggang Setyembre 2024 ang nasabing teledrama nina Jillian Ward at Carmina Villarroel?

Read: Atty. Annette Gozon-Valdes, sinabing posibleng "hindi matapos" ang Abot-Kamay Na Pangarap

Nag-pilot ang Stolen Life nina Beauty Gonzalez, Gabby Concepcion, at Carla Abellana noong Nobyembre 13, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dalawang beses nang nagtabla ang ratings ng Stolen Life at Abot-Kamay Na Pangarap. Noong Enero 12 ay pareho silang naka-9.1%, at noong Enero 24 ay pareho silang naka-10.5%.

Noong nakaraang linggo ay nagwakas na ang mga panghapong Kapamilya series na Pira-Pirasong Paraiso at Nag-aapoy Na Damdamin. Ang kapalit ng mga ito umpisa Enero 29, Lunes, ay ang rerun ng Dirty Linen at Mars Ravelo’s Darna.

Mas mataas nang di hamak ang ratings ng Abot-Kamay Na Pangarap at Stolen Life kesa sa mga katapat na replay!

Noong Lunes, naka-9.8% ang Abot-Kamay Na Pangarap vs 0.6% ng Dirty Linen, samantalang naka-10.2% ang Stolen Life, kontra sa 0.3% ng Mars Ravelo’s Darna.

For the first time, tinaasan ng Stolen Life ang Abot-Kamay Na Pangarap!

Take note na noon ding Lunes, panalo rin sa ratings ang Love. Die. Repeat with 8.6%, kontra na Linlang: The Teleserye Version na naka-7.9.

Wagi rin ang Asawa Ng Asawa Ko with 5%, kontra sa Can’t Buy Me Love na naka-4.4%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

GORGY RULA

Isang Kapuso artist ang nakausap ko at mahirap daw pag-usapan at pagtalunan ang ratings dahil maraming kailangang i-consider.

Merong timeslot, kung ano ang preprogramming, at kung sinu-sino ang viewers sa oras na yun. At depende rin sa panahon.

Kaya ang advertisers ay hindi na lang daw basta-basta bumabase sa ratings.

Nagtataka nga kami sa Tahanang Pinakamasaya. Pinuputakti pa rin ng bashers, mababa ang ratings, pero tambak ang commercial load.

Kaya nagtitiyaga lang daw sila na babalik din sa kanila ang viewers.

Kahapon, January 30, ay lalo pang umangat ang ratings ng afternoon slot.

Ang Abot Kamay na Pangarap ay 10%. Ang Stolen Life ay 10% din, at 7.2 percent ang Makiling.

Ang taas din ng Fast Talk With Boy Abunda na nagdiriwang ng kanilang 1st anniversary. Naka 5.7% ito, at ang Family Feud ay naka-10.1%.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After quite a long time, GMA-7's Black Rider starring Ruru Madrid (left) was finally able to beat Kapamilya Channel's Batang Quiapo starring Coco Martin (right) in the ratings game.
PHOTO/S: GMA Network / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results