JERRY OLEA
Andaming babae sa buhay ni Tolome (Senator Bong Revilla) sa Season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis.
Number one siyempre ang misis niyang si Gloria (Beauty Gonzalez), na sinundan ng tiyahin ni Gloria na si Lucing (Carmi Martin).
Andiyan din ang characters na ginampanan nina Max Collins, Lianne Valentin, Liezel Lopez, Herlene Budol, Celeste Cortesi, Mika Salamanca, and last but not the least, Ms. Maey Bautista as Kapitana Candida Magtulis.
Read: Bong Revilla aksidenteng tinamaan ng baril sa mata sa Walang Matigas Na Pulis taping
Nakakakiliti ang eksena sa trailer kung saan pumasok sa banyo si Kapitana habang naliligo si Tolome. Mapusok!
Ano ba ang suot ni Sen. Bong sa banyo scene?
“Yung totoo po? Boxers,” nakangiting tugon ni Maey sa mediacon ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis (Season 2) noong Enero 26, 2024, Biyernes, sa Seda Vertis North, Quezon City.
Basa si Sen. Bong, ha?!
“Opo, talagang game siya na magbasa talaga. Nung una po kasi talaga, ako yung basang-basa.
“Yung pangalawa, siya yung basa po talaga.”
Hinawakan ba niya ang katawang lupa ni Sen. Bong?
“Ay, naku! Salamat, Senator… pero thank you, Sir, kasi…”
Ni-rehearse nila ang blocking.
“Pero kailangan mong… as much as possible, wala nang take two. Kasi mahihiya kang basang-basa na si Senator, ite-take two niyo pa po?” saad ni Maey.
“Baka lagnatin na si Sen.”
Saan umabot ang makasalanan niyang mga kamay?
Natawa si Maey, “Ha! Ha! Ha! Ha! Sa totoo lang, halos lahat ng parte ni Senator, except of course yung private part, kasi siyempre respeto naman din po.
“Opo, respeto. Pero ang nakakatuwa po kay Sen, nagpapaubaya po talaga siya. Siyempre ako naman po, e, nagte-take advantage.”
Sa totoong buhay ba, may nagawa na siyang ganoon? Nag-take advantage siya sa isang lalaki?
“Opo, meron na po,” mabilis na sagot ni Mae, na natawa kapagkuwan.
“Ah! Ha! Ha! Ha! Meron na po! Gusto niyo po ba ng sampol?
“Hindi! Joke lang, joke lang.”
GORGY RULA
Na-imagine ba niya na puwede niyang gawin ang pagte-take advantage sa lalaki sa Vivamax?
“Oh my gee! Opo!” pagtango ni Maey.
“Ay! Gusto ko! Opo, sa tingin niyo po, kaya niyo ba? Kayo niyo ba?”
Gusto niyang maging sexy star?
Lumiyad nang slight si Maey, “Yes. Opo. Hindi, kung gusto… Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi ko kinakaya, parang ang sakit na ho ng lalamunan ko, e.
“Pero totoo, gusto ko rin naman po.”
Baka isipin ng iba, may pagkahayok siya sa totoong buhay?
“Ay! Well siyempre, depende rin sa pagkakagawa nun. Pero gusto kong i-try,” sabi ni Maey.
“Kasi dun sa Unbreak My Heart, nasubukan ko na rin pong magdrama. Tapos eto po, palagi naman sa comedy.
“So, gusto kong i-try ang iba pang genre. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
NOEL FERRER
Inamin ni Maey na meron siyang pagnanasa sa 57-anyos na si Sen. Bong.
Katuwiran ni Maey, sino ba ang aayaw sa isang napaka-charming na gaya ni Sen. Bong?
“Actually po, kung hindi mo siya titingnan na senator, yung bilang tao, co-actor… charming at saka bungisngis,” lahad ni Maey.
“Yung sobrang babaw ng kaligayahan niya…”
Mas bet niya ang mga kaedad ni Sen. Bong? Ayaw niya yung mga nasa 20s?
“Ay! Huwag naman po siguro. Siguro mga 30s, 40s. Ah! Ha! Ha! Ha! Ha! Parang bata din, no?!” bulalas ni Maey.
“Siyempre, yung edad ni Senator… gusto!!!”
Magpa-pilot ang season 2 ng Walang Matigas Na Pulis Sa Matinik Na Misis sa Pebrero 4, Linggo ng 7:15 p.m., sa GMA-7.
