PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Drag club nina Liza Diño, Ice Seguerra, di lang para sa mga LGBTQ+

Liza Diño inaming nalilito rin sa pronouns para sa members ng LGBTQ+ community.
by PEP Troika
Published Jan 17, 2024
rampa owners
Rampa owners (from left) Brigiding, Liza Dino, Ice Seguerra, Precious Paula Nicole, RS Francisco, and Vinas de Luxe. The drag club formally opens tonight, January 17, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA

Soft opening ng drag club na Rampa mamayang 7 p.m., January 17, 2024, sa 40 Eugenio Lopez Drive, Quezon City, malapit sa ABS-CBN.

Pag-aari ito ni RS Francisco, kasama ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Diño, mga kaibigang negosyanteng sina Cecille Bravo, Louiagen Cabel, at ang Divine Divas na sina Precious Paula Nicole, Brigiding, at Viñas de Luxe.

rampa owners

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Post ni RS sa Facebook today, “Eto naaaaaaaaaaaaa. Ready na ba kayong RUMAMPA mamaya?

“Meet the QUEENS of Rampa Drag Club together with your in house HOST Ms. Toni Fowder & Bamba Meñez Leaño and on beats DJ KRIS LOYOLA!

“Show starts at 8:30 pm kaya first come first serve. Agahan niyong pumunta at iexpect nyo ang mahabang pila kasi marami kaming inimbitahan to witness our soft opening…”

Ang kuwento ni Liza, nabuo nila ang Rampa pagkatapos ng successful concert ng Divine Divas sa New Frontier Theater nung nakaraang taon.

Read: Divine Divas, "pasabog" ang mga inihandang numbers sa "The Ultimate Drag Experience"

“Sobrang na-inspire kami ni Ice,” pakli ni Liza.

“Sabi ko, ‘Love, sana no, itong Divine Divas, pagkatapos ng New Frontier, meron tayong mga permanent venues na mapapanood to lagi. Kasi, hindi siya pang-one time show, kasi ang ganda niya. Sana makahanap tayo ng proper venue for that.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, a year after, eto na. Biglang sabi niya, ‘Liza, meron kaming concept,’ talagang sobrang na-excite ka kasi napag-usapan natin to. Ayun na!”

Kaya sa tulong ni RS Francisco, naitayo itong Rampa.

rampa poster

Nilinaw ni Liza na hindi lang pang-LGBTQIA+ ang Rampa kundi para sa lahat. Karamihan daw sa supporters ng Divine Divas at iba pang drag queens ay mga babae at may mga straight ding lalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Here’s the tea: LGBT lacks inclusivity!

Itong pini-perform ng drag queens ay itinuturing nilang art, at doon nila nai-express ang gusto nilang iparating sa mga manonood.

Kaya ang daming nagkakagusto nito, hindi lang mga nasa LGBTQIA+ community kundi mga straight ding babae at lalaki.

Sabi pa ni Liza, “The Divine Divas have a fanbase of predominantly female and straight male na supporters.

“So, just by that na sa mga napupuntahan nilang clubs and everything, hindi sila naa-associate na all-LGBT sila because they’re just part of it.

“I think it’s important that we position drag as an art. Para kang nanood ng sine, o para kang nanood ng teatro, di ba?

“It’s like experiencing a different kind of art, because that is drag. So, siguro with Ice and I being part of this, I think napaka-intentional din ni RS sa pagpili ng mga partners that will make up and own Rampa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi may kanya-kanya kaming hatak na supporters and, of course, yung supporters ni Ice, hindi naman yan lahat LGBT lang, di ba?

“LGBT is more like the advocacy, because that’s we are, we are part of the community. But our audience is predominantly, you know, heterosexual from the outside of the LGBT community,” saad ni Liza.

Read: #FDCPISSUE: Liza Diño refutes "one-woman rule" charge

NOEL FERRER

Sinabi rin ng Divine Divas — sina Brigiding na isang gay, si Precious Paula Nicole na isang bisexual, at si Viñas de Luxe na isa ring gay — na ang Rampa ay para sa lahat.

Na hindi lang mga nasa LGBTQIA+ ang matutuwa rito, kundi pati ang mga straight women na madalas kumukuha sa kanilang mag-perform.

Pahayag ni Precious, “Ito ay panglahat po na klase ng gender ay pasok po dito. And what we can do is to give them a good show and, siyempre, i-welcome namin sila nang buong puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Viñas de Luxe, “Makakatulong din dito, kasi meron din tayong straight drag performers, like cisgender woman drag performers and meron ding cisgender na male performer.

“I think napaka-progressive nito, 'no, and for sure ang next doors na mag-open nito is ita-try na rin tayo ng mga kalalakihan panoorin and ma-appreciate nila yung artistry ng drag.”

Sinusugan pa uli ni Precious ng, “This is our art form, this is our gender expression. So, magkakaiba po yung expression sa identity.

"Yung identity namin, yung normal kami, bakla kami. Ito yung art namin to. Iba po ito sa araw-araw naming ginagawa.”

JERRY OLEA

Iba-iba ang pananaw ng lipunan sa LGBTQIA+ at nalilito na rin ang iba sa mga napakaraming labels.

Naging isyu pa noon ang pagpuna kay Ellen Adarna tungkol sa non-binary.

Pero hindi naman daw talaga isyu yun, sabi ni Liza.

Read: Ellen Adarna clarifies she's not anti-LGBTQ+ despite viral comments on pronoun confusion

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para sa kanila, bilang nasa LGBT community sila, hindi naman daw nila pinipilit sa lahat na tawagin sila sa tamang label.

Sabi ni Liza, “Kami ni Ice actually, ayaw naming maging imposing yung pagkilala ng society sa LGBT.

“Nabasa ko yung kay Ellen, parang, porke’t hindi nila alam yung letters nung spectrum, ibig sabihin, hindi sila supporters.

“So, I really believe that, ito, platforms like this, art like drag, mas lumalawig at mas naiintindihan ng tao in a very different way—yung LGBTQIA+ community.

“So, sa amin, huwag lang tayong tumigil na gumawa ng paraan para mas maintindihan nila.

"At kung halimbawa hindi nila naintindihan, huwag din natin silang ibaba. Huwag silang masamain…

"Kahit kami nga, hindi rin namin kabisado, e. It’s continuously evolving.

“I think just to recognize the fact that gender is fluid, di ba?

“Nakikita mo ngayon na maraming, 'Okay, this is how identify today, pero I go through a process kasi may mga nag-iibang perspektibo sa pananaw ko about how I see my identity.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, let the person go to that journey.

"And tayo naman, basta mahal kita bilang tao, hindi ko alam kung ano yung itatawag sa yo, okay lang yun.”

Read: Rica Peralejo cries foul over comment that LGBTQIA community should not exist

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rampa owners (from left) Brigiding, Liza Dino, Ice Seguerra, Precious Paula Nicole, RS Francisco, and Vinas de Luxe. The drag club formally opens tonight, January 17, 2024.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results